GD: Eighteen
"Wala naman tayong dapat pag-usapan e," tugon ko.
Ang lakas ng loob ko magsalita ng ganito tapos ako naman ang may dahilan kung bakit kami nag-away. Hindi, hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Ngayon ko lang na-realize 'yung katagang, 'wala na akong mukhang maihaharap pa.'
Dati binabara ko pa 'yun, 'edi takpan ang mukha!' Pero hindi nga pala talaga ganun kadali gawin 'yun.
Napahugot ako ng malalim na hininga.
Naghintay ako ng ilang minute pero wala pa 'ring nagsasalita. Ano ba yan! Di ba sa mga drama na palabas, lumalapit 'yung lalaki tapos napakahaba ng script na bibitawan nila tsaka sila mag-iiyakan tapos magkakabati na?
Bakit si Nick hindi na nagsalita? Nakalimutan niya ba 'yung script niya? lols.
Lumingon na ako.
Shit. Sinasabi ko na nga ba e!
Ayan pahiya na naman ako. Wala na pala 'yung kausap ko kanina pa. Aba, tangina nun ah! Naghintay ako ng ilang minuto at nagmukhang tanga rito tapos iiwan niya lang pala ako? Akala ko ba mag-uusap kami?
Tapos ano, Stella? Akala ko ba ayaw mong makipag-usap sa kanya?
Minsan talaga ang sarap murahin ng utak e.
Nagdadabog na umalis na lang ang sa lugar na 'yun. Baka hindi pa ako makapagtimpi at masira lahat ng bagay na makikita ko sa paligid.
Sumakay ako ng elevator. Pero hindi pala ako nag-iisa.
May kasama akong halimaw – ay mali, si Mr. Smith pala.
"Akala ko nakauwi ka na." Nginitian pa niya ako.
Isa pa 'tong hayop e. Matapos niya akong iwan kanina tapos biglang magsasabi ng ganyan? Hindi uso sa kanya ang salitang 'hatid.' Sabagay, bilyonaryo nga pala ang kausap ko. Baka nga kahit mag-drive hindi nito alam.
"Hindi pa." Kimi akong ngumiti pagkatapos nu'n hindi na ako nagsalita pa.
"Hatid na kita?" Pagtango lang ang naging tugon ko.
Nang nasa loob na kami ng kotse, may sinabi siya sa akin na nagpatigil ng mundo ko.
"By next week na pala 'yung kasal."
"What? Akala ko ba 3 months pa after makalabas ng lola ko sa Hospital? Ni hindi pa nga nakakalabas tapos next week na kaagad." Hindi ko mapigilang maglakas ng boses.
Parang kahapon lang, ang tapang-tapang ko pa na magpapakasal sa kanya tapos biglang parang gusto ko ng umatras. Nakita ko lang kasi mukha ng unggoy na 'yun, nagulo na naman ang buong sistema ko.
"Change of plans. Atsaka kailangan na ring madaliin dahil ilang buwan 'ding.."
"Ano?"
"I mean, next month kasi may business trip ako, and I'm not sure kung ilang buwan ang ilalagi ko doon. Mas mabuti ng maaga. Pagkatapos kasi ng kasal, lilipad na ako."
Napatigil ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, pagkatapos ng kasal walang honeymoon – anong honeymoon? For Pete's sake Stella, 'yun talaga ang inaalala mo?
Pero ayos din 'yun. Atleast walang responsibility pagkatapos ng kasal. Tapos pwede na akong humiga sa kama na puno ng pera.
But the thing is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman gusto.
I'm always dreaming of a perfect wedding. Bongga nga sigurong kasal ang mangyayari ngunit ang matali ako sa taong hindi ko naman mahal ang mahirap na parte nu'n.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
