GD: Eight
"PINASAKAY niya ako sa tricycle, tapos pinakain niya ako sa isang cheap na Karinderya! Ang sama-sama ng ugali niya. Bakit kasi naisipan ko pang-sumama sa unggoy na 'yun." Naka-crossed arms ako habang naglalakad ng pabalik-balik sa harapan ng plankton friends ko. Kanina pa ako salita nang salita rito pero wala pa rin silang imik!
"Sana matuluyan na kayong mapipi!" Galit na sabi ko sabay talikod, hindi pa ako nakakapaglakad ng marinig kong magsalita si Rica.
"Paano naman kami magsasalita e dada ka nang dada 'riyan! Mabuti nga 'yun, pinaranas ka ng katulad sa mahihirap para matuto ka naman."
At syempre, second the motion si Jewel. "Oo nga naman! Feeling foreigner ang peg mo. Pilipina ka 'Day! Kaya dapat alam mo ang sinasakyan at kinakain ng mga pilipino."
Sabay-sabay kaming napalingon kay Nikka na busy na sa pagkain ng chips. Wala talagang ibang iniisip 'to kundi pagkain. Tsk. Nagpabebe wave siya sa amin napa-ikot na lang ako ng mga mata. And I know, ganun din ang ginawa nina Jewel at Rica.
Anyways, may lahing Spanish kaya ako! Half Filipino, half Spanish si Daddy. Pero - argh!
"Nasanay na kasi ako -" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil biglang sumingit si Jewel sa usapan.
"Ayan ka na naman sa nasanay thingy na yan. Ano naman ngayon kung nasanay ka? Edi dapat sanayin mo ang sarili sa buhay na normal ng mga Pilipino. Like me, echos lang!"
"Hindi ka na mayaman kaya wag kang mag-inaso."
Natahimik ako sa sinabi ni Rica. Oo nga pala, hindi na ako mayaman. Hindi na ako tulad ng dati. Nawala ang lahat ng kayamanan ng mga magulang ko dahil sa mga lumusob na sa bahay namin noon. Mabuti nga't hindi nila kinuha ang bahay at lupa.
Kaya nga hindi ako nakapagtapos ng college, wala ng magsusustento sa akin. Tira-tirang pera na lang ng lolo ko ang ginagamit namin. What a term 'tira-tira'. Hahaha!
At dahil sadyang masipag ako, sa sobrang sipag nawalan lang ng pera, hindi na nagsikap. Lugmok tuloy ako sa kahirapan. Naghahanap ng mayayamang lalaki, huhuthot ng pera. Well that's life. Kung hindi marunong dumiskarte, wala talagang mangyayari.
"I know." Tanging iyon lang ang naging sagot ko.
Tahimik na naupo ako sa sofa, nandito na naman kami sa tambayan - ang bahay ni Rica - bow!
"Oo nga pala Sissy! Tumawag 'yung yaya ng grandma mo, hinahanap ka raw. Wala ka bang balak bumisita?"
Pakiramdam ko, bigla akong nanghina pagkarinig ng sinabi niya. Oo nga pala. Your so stupid Stella! Sa dinami-dami ng pwedeng makalimutan, bakit ang pagbisita pa doon ang nakalimutan mo? Argh!
Pero..
"Ayokong pumunta dun."
Nakita kong sabay-sabay silang napanganga sa narinig kaya napa-ikot na lang ako ng mga mata. Duh? Ngayon lang ata sila nakarinig ng tatlong salita na yan. Mga kawawang bata.
"Are 'yah serious? Ay taray english 'yun! Wag ka." Sinamahan pa niya ng tawa. Ugh. Mga bakla talaga.
"Hindi joke lang 'yun! Kaya ka nga tumatawa diyan na parang sira - no, hindi sira, dahil sirang-sira na talaga. Duh?" Isang batok lang naman ang natanggap ko. Walanghiya talaga ang hinayupak na 'to. At syempre, dahil maganda ako, tumayo ako't babatukan ko sana pero nagtago na sa likod ni Rica.
Tinatamad na akong makipaghabulan na parang bata sa kanya kaya hinayaan ko na lang, wala rin naman akong mapapala. Pagpapawisan lang ang napakaganda kong mukha.
"Umayos ka nga Stella! Wag mo kaming gagaguhin, bakit nga hindi ka pupunta?" Galit na sabi ni Rica.
Kahit naman ako hindi ko rin alam kung bakit ayokong pumunta. Basta ang gusto ko lang, ayoko muna siyang makita. Ayoko munang makita ang kalagayan niya. Pakiramdam ko kasi, nanghihina ako sa tuwing makikita ko siyang ganun katulad nung nangyari noong nakaraan buwan. Gusto kong maglumpisay sa lapag at umiyak nang umiyak. Pero hindi ko rin nagawa, ayoko kasing nakikita niya na nahihirapan ako sa tuwing magkikita kami. Mahirap na, baka bigla niya akong iwan.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
