GD: Sixteen
Thinking of him is killing me.
Ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa tao ng ganito. Madalas kasi matapos ang relasyon kuno ko sa isang tao, mabilis ko na itong nakakalimutan. Pero siya, wala pa nga kaming relasyon na dalawa, hindi na siya mawala sa isip ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noon.
Saan man ako mapunta, nakikita ko siya. Ano man ang gawin ko, naalala ko siya. Kahit na ipiikit ko ang aking mga mata, mukha niya ang bumubungad sa akin.
Sana pala hindi ko na siya kinulit noon pa man, edi sana wala akong iniisip ngayon. Kung alam ko nga lang na naka-arranged marriage na pala ako kay Mr. Smith, wala sana akong nakilalang Nick sa buhay ko ngayon.
"Uuuy~ May nami-miss 'yung isa d'yan." Inikutan ko ng mga mata si Jewel, kalokohan talaga ng baklang 'to, ako na naman ang nakita.
Umayos ako ng pagkakadapa sa kama niya atsaka isinubsob ang mukha sa isang unan. Doon ako sumigaw ng pagkalakas-lakas kahit na alam ko namang mahina lang ang mapo-produce na lakas ng boses dahil sa takip nito. As usual, tambay na naman ako sa bahay ni Jewel dahil wala naman akong kasama sa sarili kong bahay.
Mabuti na nga lang dahil mayroon akong mga kaibigan na pwedeng pagtambayan ang bahay, kung wala, malamang nasa Bar na naman ako't nagpapakalasing.
Naalala ko tuloy ang hindi sinasadyang pagkakakilala namin ni Jowel sa umaga, Jewel sa gabi.
Sa loob 'yun ng Bar, maghahatinggabi na. Sobrang dami kong nainom na alak, ni hindi ko na nga matandaan kung ilang case ng beer ang nainom ko. Gusto ko lang ng mga oras na iyon ay magpakalunod sa alak para lang makalimutan ko ang isang bagay. Makalimutan ko kahit panandalian lang na may sakit ang lola ko.
Nung araw kasi na iyon ko nalaman ang tungkol sa sakit ng matanda. Hindi ko matanggap, hindi ko alam ang gagawin. And the only thing on my mind is, can I live without my grandma? Can I live with all my own? Wala na nga akong magulang, pati ba naman lola mawawalan ako?
I'm so desperate that time. Feeling ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko kaya. Ayaw mag-sink sa utak ko lahat.
Nawala lang ang lasing ko pagkakita ng bills. Halos malula ako sa laki ng babayaran. Wala pa naman akong pera kahit na singkong duling sa bulsa. Balak ko pa sanang magpa-cute sa bartender pero hindi naman ako pinagtutuunan ng pansin. Ang tanga ko lang, ang lakas ng loob kong um-order ng ganun karaming alak tapos wala pala akong pambayad. Bwisit.
Balak ko sanang mangutang na lang sa mismong manager ng Bar, kaso nakakahiya naman. Anlalaki pa naman ng mga Bouncer dun, paniguradong isang hagis lang nila sa akin sa labas, talsik na ako.
Natigil ang pagpa-panic ko dahil sa isang lalaki sa katabing table ko na kung makaiyak, malakas pa sa tugtog sa loob. Hindi ko pa nakikita 'yung mukha niya dahil sandamakmak ng tissue sa lamesa niya. Nilapitan ko nga para kausapin, and I was shocked when I saw a clown.
"HOY! Tumayo ka na nga d'yan. Kita mo 'tong isang 'to, kanina ngumangawa, tapos ngayon tumatawa mag-isa. 'Yung totoo? Nababaliw ka na 'no?"
Umupo ako ng maayos atsaka siya hinarap. "Hindi kaya. Naalala ko lang 'yung itsura mo nung una tayong nagkakilala. Hahahaha!"
Mas lalong bumusangot ang panget niyang mukha. Pero kahit panget 'yan, kaibigan ko 'yan. "Hahaha tawa pa. Sige lang. Kung hindi dahil sa akin, malamang na-wanted ka na nun." Inikutan pa ako ng mata ng bruha.
"By the way, highway, nami-miss ko na rin si Papa Nick."
Napantig 'yung tenga ko pagkarinig nung pangalan niya. Ano ba naman 'yan, pinaalala pa! Bruhildang kabayo na may lahing shokoy na ito. Naalala ko na naman tuloy. Magdadrama na naman ako.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
