GD: Seventeen
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin na kaluluwa para magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin iyon. Heto na naman ako. Kapag masiyado nang desperado, hindi na ma-kontrol ang mga ginagawa.
I didn't hear anything from him. Bigla na lang kasing may umakyat na mga empleyado atsaka sila may pinag-usapan. Mukhang mahalaga dahil nagmamadali ang lahat. Ni hindi na nga maayos ang ginawang pagpapaalam niya dahil hinatak na siya palabas.
Weird.
Siya ang boss pero ganun siya tratuhin ng mga empleyado rito.
Wala na rin naman akong gagawin dito kaya napagpasiyahan ko na lang na bumaba.
Grabe ang laki ng Building na 'to, tapos ang ganda pa! I wonder kung gaano kadami ang trabahador dito. Siguro maintenance, janitor at janitress pa lang, umaabot na sa hundreds. Paano pa kaya ang mga empleyado? Idagdag pa ang mga branches nila nationwide. Ibig sabihin, maraming pinapasahod ang may-ari nito – na walang iba kundi si Mr. Smith – ngunit paniguradong wala pa sa ¼ ang nababawas sa income ng kumpanyang ito na ipipasahod sa mga empleyado. Halata namang milyon-milyon ang pumapasok na pera dito kada araw.
Hindi na rin pala masama kung kami man ni Mr. Smith ang magkatuluyan dahil kaya niya naman akong buhayin. At masusuhulan ko siya anytime!
'Yung tipong mag-aalmusal lang ako pero kailangan sa London pa. Tapos shopping sa France. Pupunta ako sa States para magpa-salon. At sa Japan, para lang makakita ng Cherry Blossom. Ang saya nun. Sobrang saya.
Wala na akong mahihiling pa.
Ngunit ang makasama sa iisang bubong ang taong hindi mo naman gusto. At makasal sa taong kailanman ay hindi mo naman minahal. Iyon ang magiging balakid sa mga kaligayahan ko. Paniguradong hindi magiging sapat ang lahat ng iyon kung wala ang taong gusto ko.
Bakit Stella, sino ba ang gusto mo? I asked myself.
Iisang tao lang naman ang sagot d'yan e. Ugh! Tinamaan talaga ako sa unggoy na 'yun. Kahit hindi sigurado ang kinabukasan ko sa kanya dahil hamak na karpintero lang siya, siya pa rin ang gusto ko.Siya lang ang laman ng utak at..
.
puso ko. Si Nick – na hindi ko pala alam ang apelyido.
Napabuntong hininga na lang ako.
Hay Nick, pagpahingahin mo naman ang utak ko! Pwede ba kahit isang araw lang, lumayas ka sa utak ko. Nakakabanas na rin kasi makita 'yang gwapo mong mukha na palaging bumabalandra sa isip ko e.
Nawawala na naman ako sa sarili. Hindi ko alam kung anong numero ang napindot ko sa elevator, wala rin akong clue kung ano itong binabaan ko. Ginala ko 'yung paningin ko pero ganun pa rin ang mga tao, may kanya-kanya silang mundo. Abala silang lahat, ni hindi nga nila napansin ang presensiya ng isang Dyosa na nandito lang.
Nilapitan ko 'yung babaeng dumaan na apat ang hawak na cellphone. Pasalit-salit ang kinakausap niya. Nakakaloka, ibig sabihin, sa lahat ng 'yun, may kausap siya! Edi siya na maraming callmate.
"Miss. Uh, saan ba 'yung labasan?"
Hindi niya ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap. Aba, bastusing bata ito ah! Ay, hindi na pala siya bata, mas mukha akong bata sa kanya. Hihi.
"Miss pansinin mo naman ako! Gusto ko ng umuwi!"
'Kita mo nga naman ang Bruha, tinalikuran pa ako. Hindi ko rin naman maintindihan ang pinagsasasabi niya pero halata namang lahat ng iyon ay patungkol sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
