GD: Fourteen

2.7K 65 0
                                        


GD: Fourteen



Hindi na ako nakapag-make up at ayos ng buhok sa kamamadali papuntang Hospital. Nagpalit lang ako ng damit atsaka pumara ng taxi.

Abot langit ang nararamdaman kong kaba. Parang may tumatalon-talon sa puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Ni hindi na nga sumagi sa isip ko ang perang ipapambayad oras na matapos ang operasyon.

Paniguradong malaking pera ang kakailanganin. Pero tsaka ko na lang iintindihin 'yun. Ang mahalaga, makaligtas 'yung matanda. At mabuhay pa ng matagal.

Pipi akong nagdasal habang nasa loob ng taxi. Tinawag ko na lahat ng santong kilala ko, mapakinggan lang ng Maykapal ang hiling ko.

Sana maging maayos din ang lahat.

Pagkarating doon, naabutan ko si Luz na nakaupo sa labas ng emergency room. Nakayuko siya at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Fuck ayoko makakita ng ganyang itsura, mas lalo lang akong kinakabahan.

Naramdaman niya rin ata ang presensiya ko kaya siya nagtaas ng tingin. Nilapitan niya ako at akmang yayakapin pero pinigilan ko siya. May balak pa atang gawing tissue ang balikat ko.

"Asan na?" Tanong ko sa kanya atsaka naupo.

"Nasa loob pa po siya Ma'am." Kasabay nu'n ang muli niyang pag-iyak.

'Yung totoo, sino ba talagang apo sa aming dalawa? Siya o ako? Mas malakas pa 'tong umiyak kumpara sa akin e. Ni wala ngan tumutulong luha sa mga mata ko. Alam ko rin na walang emosyong makikita sa mukha ko ngayon.

Ayokong ipakita kung gaano ako kahina sa ibang tao. Kaya hangga't maari, mas gusto kong magmukhang manhid na lang sa harapan nila. Isa pa, kahit naman ngumawa ako nang ngumawa dito, hindi rin 'yun makakatulong para maibsan ang nararamdaman ng lola ko sa loob.

Napahinga na lang ako ng malalim atsaka pinikit ng mariin ang aking mga mata. I do believe in miracles, kaya sana mangyari 'yun ngayon.

"Waaah! Huhuhu."

Napalingon ako sa kanya't napasimangot.

"Hindi ka ba titigil di'yan? Nakakairita 'yang iyak mo ha."

"Naawa lang po ako sa kanya, Ma'am! Ba't kayo hindi naiyak?" Sambit nito sabay punas ng luha sa mata. Nahiya naman ako sa braso niyang basang basa na kaya inabot ko na lang 'yung panyong dala-dala ko.

"Hindi naman siya gagaling kapag umiyak ako."

Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghintay sa labas. Ngunit ang tangi ko lang alam, mas lalong lumalaki ang kaba sa aking dibdib habang tumatagal. Kung pwede ko lang 'tong tanggalin. Kung pwede ko lang itapon katulad ng isang bagay, baka ginawa ko na.

I didn't bother to call my friends, sa ngayon, wala muna akong pagsasabihan kung anong nangyayari. Sosolohin ko muna. Kahit ito lang.

Mayamaya lang lumabas na ang doktor, "asan po ang pamilya ng pasyente?"

Lalapit sana ako pero nagtaka ako nang ibang tao ang lumapit. Ngayon ko lang napansin na hindi lang pala kami ang tao rito. Limang tao ang lumapit sa doktor. Malalaking tao sila kaya hindi ako makasingit. Ngunit pinilit ko pa ring makinig.

Kulang na lang, lumusot ako sa pagitan ng mga binti nila para lang marinig ang sinasabi ng doktor.

Hindi ko masiyadong maintindihan. Da-dalawang salita lang ang malinaw na narinig ko.

"..brain tumor."

Fuck! Anong brain tumor? Sa pagkakatanda ko, sakit sa puso ang problema ng lola ko.

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon