GD: Fifteen

2.9K 63 1
                                    


GD: Fifteen



"Mr. Smith?"

Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip lang? Pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Hindi ako makapaniwala. Wala naman akong ibang masabi kundi ang apelyido niya o kung saan siya mas kilala.

Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising pa.

Ay mali, bawal pala 'yun. Kailangan pang gumaling ng matanda. Kailangan ko pang makapangasawa ng gwapo at mayamang lalaki.

"Uhm. Ye-yes."

Bago pa ako muling maka-react, muli siyang nagsalita.

"You're Ms. Stella Payne, right?" Tumango ako. "Can we talk?"

Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng kakaiba pagkasabi niya na mag-uusap kami.

Pumunta kami sa malapit na restaurant. Nakasakay pa ako sa isang magarang sasakyan, alam kong latest model iyon at iilang tao lang ang mayroon dahil sa napakalaking

halaga ng kotse. Totoo ngang napakayaman ni Mr. Smith. Napakaswerte ko siguro kung makukuha ko siya. Hindi naman ganun kasama ang itsura nito, sa katunayan may

maipagmamalaki naman siya, pero mas angat pa rin si Nick.

Siguro kapag nilandi ko lang siya ng pa-simple tapos mahulog siya sa alindog ko, edi instant bilyonarya na agad ako. Pero mas gusto ko si Nick.

Hindi naman siguro siya mahirap gustuhin, pero mahal ko si Nick-

Fuck! Bakit parang kada salita ko, nakikisali ang pangalan ni Nick? At anong mahal? Stella wake up! Bakit mo magugustuhan ang unggoy na 'yun? Unggoy siya na isnaberong

masungit at mahirap lang pe-pero..pero..pero.

"AAAHHH!"

"Ayos ka lang?" Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako kay Mr. Smith - wala bang pangalan 'to? Napatakip ako ng bibig atsaka nag-ayos ng sarili.

Umayos ka Stella kung ayaw mong ma-turn off sayo si Mr. Smith!

Aba, walanghiyang utak 'to, nagpapaka-bossy na naman. Makautos akala mo kung sino.

"I'm fine! May..may naalala lang." Nginitian ko siya ng pilit. Bakit nahihirapan akong pomustura ngayon? Nakakaloka.

Ngumiti siya ng malawak. Malawak talaga dahil nakita na ang perfect set of white teeth niya. Napansin ko rin na mayroon siyang dimples sa pisngi. I never thought na

napasimple pala ni Mr. Smith. Iniisip ko kasing masungit siya na parang si Nick - ba't nasali na naman ang lalaki 'yun? Okay, take two.

Akala ko masungit siya at suplado katulad ng mga normal na business man, 'yung sa mga palabas lang at mga babasahin. Ayun pala hindi, ayos 'to. Mukhang hindi ako

mahihirapan pakisamahan ang lalaking ito.

Nasa loob na kami ng restaurant at may mga pagkain na sa aming harapan ngunit hindi pa rin siya nagsasalita tungkol sa gusto niyang pag-usapan naming dalawa. O baka

naman gutso nitong magkaroon kami ng arranged marriange? Hindi pa niya napapaliwanag ng maayos, o-oo na ako! Pero paano si Nick?

Takte, NICK NA NAMAN? Ugh!

"Ahm." Sisimulan ko na nga lang at nang matapos na ito. "Gusto kong mag-thank you sa pagsagot sa expenses ng lola ko sa Hospital - niyo. Sa inyo 'yun 'di ba? Although

I don't know kung bakit at paano?"

"Oh, that! Actually, kaya kita dinala dito para mag-propose sayo."

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon