GD: Four

3.5K 65 0
                                        

GD: Four

"TEKA, anong ginagawa natin dito?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa building na nasa harapan namin.

"Diyan ka nababagay."

Ginagago ba ako ng lalaking 'to? Dalhin ba naman ako sa isang Mental Hospital! Siraulo.

Wala pa 'ring ekspresyon ang mukha niya. Kahit ata magwala ako dito, wala siyang pakialam. Akala ko naman dadalhin niya ako sa langit, bakit sa impyerno kami napadpad?

Mabilis akong naalarma nang makita ko siyang nagsisimula ng maglakad palayo. Aba, aba naman. Matapos niya akong dalhin dito, iiwan niya lang ako? My ghad.

"Hey, wait! So, you're planning to leave me there ha!"

Syempre, hahayaan ko ba namang iwan niya ako dito. Ang creepy kaya! At masiyado akong maganda para sa lugar na 'to.

Hinila ko yung isa niyang braso, and it makes him stop. Whuut. I never thought that it will be this easy, easy as a piece of cake.

Humarap siya sa akin na naka-poker face pa rin. Grabe, hindi ba marunong ngumiti ang taong 'to?

"Huwag mo kong iwan dito, wala namang ganyanan! Your so bad."

Kung wala lang akong kailangan sayo, hindi kita pagta-tiyagaan 'no! Over my-oh-so-hot-sexy-body.

Balak ko sana 'yang idagdag, kaso wag na lang, baka magalit pa 'to at hindi ko mapakinabangan! Naglakad na naman siya, kaya eto ako, parang tuta na sumusunod sa kanya.

After almost 2 hours, naglalakad pa rin kaming dalawa. Malapit ng magdilim at hindi ko na rin alam kung may patutunguhan ba kaming dalawa. Bullshit! Ang sakit-sakit na ng paa ko dahil sa pesteng takong na ito, kung ganito lang pala ang mangyayari, edi sana nag-suot na lang ako ng rubbershoes.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad! Ang sakit na ng paa ko."

Nakailang beses na ba akong complain sa kanya, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagsasalita. Napakagago naman ng taong 'to.

Naglakad ako pauna sa kanya, hinarang ko ang sarili ko sa tapat niya habang naka-dipa ang dalawang braso ko. "Stooop!"

Muntik na akong mapamura ng malakas dahil dinaanan niya lang ako! Tangina sayang ang effort. Nagmukha pa akong tanga. Sa gilid pa rin kami ng kalsada naglalakad, iilan lang ang naglalakad dito tanging mga rumaragasang sasakyan lamang ang nakikita ko. Mabuti na rin yun, atleast walang nakakasubaybay ng kabaliwan ko rito.

"Nakakainis ka na talaga! Hindi ka ba talaga magsasalita? Puputulin ko 'yang dila mo, tutal wala namang kwenta kagaya mo!"

Congratulations Stella! Napahinto mo siya. Argh! NOT. Hindi pa rin huminto ang hayop.

"Bahala ka nga diyan! I hate you so much! Aalis na ako."

Nakita ko siyang huminto sandali, oh my gee! Sabi ko na nga ba, hindi niya maakala ko naman pupuntahan na niya ako kaso ilang minuto na ako naghihintay dito, wala pa rin! Paglingon ko, naglalakad na naman siya. Aba, walang hiyaaaaaa!

"ARGH!" Sigaw ko dahil sa sobrang pagkairita.

No choice kundi tahakin ang daan pabalik. Lugar na wala akong kakilala, at ang kakaibang tingin ng mga taong nadadaanan ko na lubos na nagpapa-taas ng aking mga balahibo. Nang makalagpas ako sa tila masukal na daang iyon - kahit ang totoo'y isa lamang highway - napunta naman ako sa madilim na lugar.

Bakit ngayon ko lang napansin na wala palang katao-tao dito? Bakit kanina parang normal naman ang lahat? Dahil ba sa kasama ko ang ugok na yun, at sadyang naa-amaze ako sa kagwapuhan ng likod niya kahit na para akong aso na sumusunod sa kanya kaya hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga dinadaanan namin?

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon