GD: Nineteen
Naging maayos naman ang pagsundo namin sa lola ko galing sa Hospital. Siguro kung hindi ko nakilala si Mr Smith, baka hindi pa rin na-o-operahan ang lola ko. Biyaya rin siyang maituturing sa buhay ko.
Tapos mayroon na rin siyang bantay na nurse habang nagpapagaling pa. Mabuti na rin yun para makapag-concentrate si Luz sa gawaing bahay. Gusto pa sanang magdagdag ni Mr. Smith ng mga katulong pero hindi na ako pumayag, isang chef na lang, at driver tutal siya naman ang magbabayad at ikakasal na rin kami kaya baka mawalan na rin ng tao dito sa bahay.
Nakakalungkot lang isipin na dito ako lumaki pero hindi ako dito tatanda. Oh well. May mga bagay talaga na dapat pinapakawalan na.
..lalo na kung wala naman talagang pinanghahawakan.
"Hay nako Stella, kailan ka pa naging emotera?" Napatingin ako sa nagsalita.
Walanghiya nandito pa pala ang baklang 'to. Akala ko sabay-sabay na silang umuwi kanina.
Bago pa ako makapagsalita, pinangunahan na niya ako. "Alam ko na 'yang sasabihin mo! 'Yung lola mo, nasa kwarto na at nagpapahinga. At 'yung dalawang bruha, andun sa impyerno, nagkakape. Chareng!"
Inikutan ko siya ng mga mata. Wala talaga ako sa mood makipaglokohan sa taong ito. Hindi ko na siya kinibo at muling tumingin sa malayo. Nasa terrace kami ngayong dalawa. Naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin.
"Alam mo bang mahirap magtago ng problema? Lalo na kung tungkol sa pag-ibig 'yan."
Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Ano namang alam mo tungkol sa pag-ibig?"
"Marami.." tuming siya sa akin "..dahil sa pag-ibig kaya ako naging bakla." Tumawa siya. Isang malungkot na tawa.
Tumawa rin ako ng mahina. "Dahil nagkagusto ka sa kapwa mo lalaki?"
"Mali ka. Dahil may trauma siya pagdating sa mga lalaki kaya kailangan kong magpakabakla para maprotektahan ko siya."
Wow. That was..deep. I never expect him to talk like this.
"Cool." 'Yun lang ang nagawa kong sabihin.
"Ikaw?" Nag-iwas ako ng tingin.
"Mahirap magmahal ng walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung pareho ba kayo ng nararamdaman ng taong mahal mo. O ikaw lang talaga ang tinamaan sa inyong dalawa. 'Yung tipong parang ikaw lang ang nahihirapan, nagmo-move on, dahil baka para sa kanya, wala kang halaga sa buhay niya."
And there, I said it. Hindi ko alam kung saan galing ang hugot na 'yun pero ayos na rin. Atleast, kahit sa ganoong paraan, napaliwanag ko na kung anong nararamdaman ko.
"Malay mo naman.." napatingin ako ulit sa kanya "..pareho kayo ng nararamdaman. Hindi niya lang magawang aminin dahil hindi kayo nagkakausap ng harapan."
Natahimik ako dahil dun. Ni hindi ko na siya magawang mapuri dahil sa lalim ng mga sinasabi niya. Tumatagos kasi talaga bawat salitang binibitawan niya.
Paano nga kaya kung ganun? Should I talk to him?
Kaya ko na ba siyang harapin? Kaya ko na bang malaman ang sagot sa mga katanungan ko?
Minahal niya rin nga kaya ako?
Sana..
Pero..
"Mahirap umasa."
'Yun ang huli kong salita dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Si Mr. Smith,tumatawag.
We're here at the Bar and it's already midnight. I don't know what exactly the time is, at kung ilang oras na kami dito but atleast, I'm enjoying this night.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomansaStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
