GD: Three
Tirik na tirik ang araw pero heto ako ngayon at nagbibilad. Sobrang puti ko na kasi kaya kailangan kong magpa-tan ng balat. Pero syempre, biro lang yun. Kaya ako nandito dahil ayaw akong papasukin sa loob ng building. Oo, yung building na 'under construction' pa.
Ganito kasi yan.
Ang plano nang baklita kong kaibigan ay magpapansin dito. Si Mr. Bill Smith daw kasi ang may-ari nito. Kung may makikilala man akong trabahador, mas mapapadali ang pagtambay ko. At habang nakatambay ako, hahanapin ko ngayon o aabangan ang pagbisita nang lalaking iyon. Syempre mahahalata naman sa damit ng tao kung mayaman ba ito o hindi. Kapag nakilala ko na ang boss nila, edi hayahay ang buhay.
Ngunit, subalit, datapwa't, may malaki akong problema.
"Sige na kasi kuya, papasukin mo na 'ko. Bilad na bilad na ko rito sa araw, di ka pa rin naaawa sa akin?"
"Pasensiya na talaga Miss. Kahit gusto kitang papasukin dito para magtingin-tingin ulit tulad nga nang sinabi mo, hindi talaga pwede."
Pawis na pawis na ako, ultimo ang pinaghirapan ng mga tauhan sa parlor kanina na make up ko, nasayang lang. Kung alam ko lang, sana pala water proof na make up na lang ang nilagay ko.
"Gusto mo pala akong papasukin kuya, bakit di pa pwede? Sino ba kasing nagbabawal sayo? Ay nako, iharap mo sa akin at ako ang kakausap!" Matapang kong sambit habang nakapamaywang ang dalawang kamay. Nagkakamot ng batok na umalis sa harapan ko si Kuyang Negro at nagtungo sa loob upang tawagin ang taong hinahanap ko.
Kinuha ko ang powder sa loob ng bag at nagretouch saglit at nagpabango. Baka yung tinawag niya ay yung may-ari na mismo kaya panget naman kung makikita niya akong haggard na ang itsura. Ilang sandali pa lang ang nakakalipas nang makita ko na ang dalawang bulto ng lalaki na papalapit sa akin. I checked myself for the last time bago tumingin sa kanila.
"Anong kailangan mo sakin?"
Nanlalaki ang mga matang tumitig ako sa mukha ng kaharap ko. Shit. Siya yung lalaki na sumagip sa akin. Masungit pa naman ang lalaking 'to. Anong gagawin ko? Kaya siguro sinusunod siya nung si Kuyang Negro kanina dahil sa takot. Di ko naman kasi alam na pinuno pala ng mga construction worker ang taong ito!
"Di ba pinapaalis ka na kanina? Sige na, umalis ka na."
Madali lang naman 'to. Sa dami ng lalaking dumaan sa buhay ko, kayang-kaya ko na ang isang 'to! Masungit siya, lambing lang ang kailangan niyan.
Ngumiti ako ng ubod ng tamis atsaka pumulupot sa braso nito. "Ikaw naman ang highblood mo. Papasok lang naman ako sa loob, baby. Hindi ako magtatagal, promise!"
Sa lahat nang karpintero, siya na ang pinakamabango! Wala siyang ginamit na kahit anong pabango kaya lumalabas ang natural nitong amoy. Haaay. Bakit ganoon? Ang sarap pa rin niya amuyin! Partida, pawis pa yan.
Hinila nito ang brasong yakap-yakap ko at itinulak ako ng bahagya. "Lumayo ka nga sa akin! Papasok ka sa loob, tapos ano? Manggugulo ka at mapapahamak? Ewan ko sayo, umalis ka na rito."
"Hala, wag please."
"Pagbilang ko ng tatlo dapat wala ka na rito dahil kung hindi..."
"Anong gagawin mo?"
Nagsalubong ang dalawa nitong kilay at mas lalo akong sinimangutan. Hmp. Buti na lang pogi siya. Kung nagkataon, hindi ko mapapalampas ang ginagawa niyang pagsusungit sa akin.
"Isa.."
"Teka lang kasi."
"Dalawa.."
"Saglit lang nga ako. Di ako magkukulit."
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...
