GD: Ten

3.1K 59 0
                                        

GD: Ten



"AYOS 'yang suot mo ah, para kang pupunta ng lamay." Ani Rica.

Kaagad ko siyang binatukan. Masama na bang magsuot ng kulay puti ngayon? At porket naka-kulay puting dress, may lamay kaagad? Napaka-walanghiya ng babaeng ito.

"Gago. Magsisimba ako kaya ganito suot ko." Sagot ko naman habang nagpapa-cute sa harapan ng salamin. Mabuti na lang mabilis akong matapos sa paglalagay ng make-up dahil paniguradong padating na ang sundo ko.

Ang ganda ko talaga, may taga-sundo na ako.

"Sino namang masamang ispirito ang sumanib sayo para magsimba ka ngayong araw? Chuserang bakla na 'to."

"Sayang Sissy Stella, isasama ka pa naman sana namin sa Mall ngayon! Maraming sales."

At syempre, kung andiyan si Rica, nandyan din ang dalawa niyang buntot. Si Jewel at Nikka. Kaya siguro sila napadpad dito sa bahay para yayain akong lumabas pero mas nauna kasing mang-imbita 'yung makakasama ko ngayong kumpara sa kanila.

Kahit na sila ang mga kaibigan ko.

"I'm sorry Guys, may mas nauna kasi akong pangakuan. Maybe next time?"

Muli akong humarap sa salamin. Ano ba yan, kahit anong ayos ko, pakiramdam ko may kulang pa rin. Pero maganda pa rin ako. Hindi na yun magbabago.

"Lakas maka-good influence niyan ha?" Natatawang sambit ni Rica atsaka ako tinulak para siya naman ang magsalamin. Napa-ikot na lang ako ng mga mata. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito.

Minsan, ayaw na ayaw niyang titingin sa salamin mapa-maliit man o malaki tapos minsan naman, nakikipag-unahan at hilaan sa amin. Ang sakit lang sa bangs.

Maghahanap na lang ako ng perfect doll shoes para sa suot kong damit ngayon.

Ilang minuto ang lumipas nang magsalita si Nikka na nandyan na raw ang sundo ko. Naka-bantay siya sa bintana kaya naniwala naman ako. Pero syempre para makasiguro, sumilip muna ako, mahirap na. Iba ang trip ng mga 'to kapag walang magawa, baka paasahin ako sa wala.

Pumunta talaga siya!

Hindi katulad ng mga pinapangarap ng bawat babae ang nakita ko. Walang sasakyang magara na kasama. Walang nakasuot na shades na lalaking nakasandal sa hood ng kotse habang may hawak na rosas. Pero kahit ganoon, nakakatuwa pa 'ring tignan.

Hehe. Atleast nag-effort siyang pumunta rito.

"Nick!" Tawag ko pagkalabas ng gate. Isang tipid na ngiti lang ang nasilayan ko sa mukha niya.

Simpleng polo shirt lang ang suot nito, jeans at rubber shoes pero..oo na gwapo na siya! Ngayon lang. Ngayon ko lang siyang nakita na maayos ang suot, at bagong paligo. Hahaha.

Akmang aalis na kami nang may magsigawan mula sa bahay.

"STELLA, NICK! WAIT LANG!"

Sabay kaming napalingon sa dalawang taong tumatakbo papalapit sa amin at sa naglalakad lang na si Rica.

"Bakla, iiwan mo kami sa bahay mo? Aba mamaya magmulto ang parents mo dun! Kaloka 'to."

Natawa lang ako sa sinabi niya. Oo nga pala, nakalimutan ko na sila. Enebe eng pege kese ng keseme ke! Charot! Mabilis na lumapit si Jewel kay Nick at kumapit sa braso nito. Akala ko naman hanggang doon lang yung gagawin tapos inamoy-amoy pa niya ang balikat ni Nick.

"Ang bago mo Papa Nick, akin ka na lang."

"At kailan ka pa naging anak ni Nick?" Taas kilay kong turan habang naka-crossed arms pa. Ambilis talaga ng baklang 'to.

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon