GD: Six
MALAKAS na sinarado kong muli ang pinto ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at ipinikit ng mariin ang aking mga mata. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang lalaking nasa labas. Ni hindi ko alam kung paano siya haharapin. Isa pa, baka kasabwat pa siya nung lalaking humila sa akin papunta rito.
Syempre nandito siya.
Paano naman niya nalaman na kailangan ko ng tulong kung sakali man na hindi siya kasabwat nung lalaki?
Pero sabagay, nagtatrabaho siya sa tapat lang ng Bar. Pero hindi rin eh!
Ghad. Na-kidnap na ako't lahat-lahat, nagtatalo pa ang magkabilang bahagi ng utak ko? Da ef.
Maliban na nga lang kung sinusundan niya ako. Wow. Dumagdag pa siya sa rami ng mga stalker ko.
Napapitlag ako nang marinig ang muling pagbukas ng pinto. Ang laki mo 'ring tanga Stella, linakasan mo nga ang pagsarado kanina, hindi mo naman ni-lock! Gosh. Hindi uso rito ang automatic lock ng pinto.
"Lalabas ka ba o hindi?"
'Di ko siya pinansin. Kunwari wala akong naririnig. Kunwari walang tao. Kunwari ako lang ang nandito sa parking lot at nakasakay sa kotse. Kunwari - "Ano ba?"
Nagbabagang mga tingin ang ipinukol ko sa kanya. Pinipilit niya akong hilain palabas, at dahil nga sa lalaki siya, nailabas niya ako sa mula sa kotse. Mabilis nitong sinarado ang pinto. Saktong pagtingin niya sa akin, isang malutong na sampal ang isinalubong ko sa kanya.
Nakabawi rin naman ito kaagad at umayos ng postura.
Hindi pa ako nakuntento, sinampal ko pa siya sa kaliwang pisngi, kanan, kaliwa, kanan..hanggang sa ako na lang din ang tumigil. Hindi pa rin nagbabago ang itsura nito kahit na pulang-pula na ang kanyang mukha dahil sa pagsampal ko.
I don't know but still..hindi pa rin ako kuntento.
Gusto ko siyang sabunutan, sapakin at tadyakan katulad ng mga ginagawa ko sa mga babaeng sinusubukan akong banggain.Ngunit mismong katawan ko na ang umaayaw.
Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagpatak mula sa aking mga mata. Shit.
"Nakakainis ka! Galit ako sayo! Kun-kundi mo lang ako hinila papunta sa - kung saan mang lugar 'yun. Kung..kung hindi ako napahamak, e-edi sana hindi kami magkakaaway ng mga kaibigan ko. Hindi sana sila magagalit sa akin!"
Mas lalong nanlabo ang mga paningin ko.
Unti-unti ulit nagbalik ang mga nangyari noong gabi na iyon. 'Yung dahilan ng pagkahimatay ko. At..'nung oras na nagising ako. Ang ngiti sa mukha ng mga kaibigan ko..na mabilis 'ding nawala dahil sa pagiging mapili ko sa pagkain.
"I hate you!"
Muli ko siyang pinagpapalo. Hindi na sa mukha, kundi sa dibdib nito.
Napatigil ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay sa dibdib niya.
"Bakit ako ang sinisisi mo?"
Napatulala ako sa mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa dalawa kong kamay. Tinaas ko ang tingin hanggang sa mukha niya. Walang mababakas na kahit anumang ekspresyon sa mga mata niya. Madilim, yun lang ang nakikita ko.
Bakit nga ba? Bakit ko ba siya sinisisi? Well in the first place, ligtas naman ako nang gabing iyon, ang kasalanan ko lang ay ang pagiging maselan sa pagkain na labis na kinainisan ng mga kaibigan ko.
'Yun lang naman ang binuburyong ko rito. Hindi na kasi nila ako pinapansin. Ayokong maiwan mag-isa kaya gusto ko silang bumalik. Pero di ko alam kung paano at kailan.

BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...