GD: Seven

3.1K 65 1
                                        

GD: Seven



"HELLO Mr. Carpenter slash palaging may pms."

Sobrang lawak ng ngiti ko habang nagsasalita. Sa sobrang lawak, pati gilagid ko malamang kitang-kita na! Oh well, three times naman akong nagsepilyo sa bahay bago mambulababog sa unggoy na 'to.

Osige pwede na ang karpinterong unggoy na medyo yummy. Infairness, bagay sa kanya!

Tagaktak ang pawis ni Mr. Carpenter, abala ito sa pagpapala ng buhangin o kung ano man ang tawag sa ginagawa niya. Ngunit kahit na ganoon, hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nitong taglay. Kaya ang sarap landiin nito eh.

But the thing is, sa isang pangungusap na sinabi ko, wala man lang ni isang reaksyon ang mababakas sa mukha niya. Naka-poker face pa rin ang gagu. Edi wow! Ini-snob na naman ang beauty ko.

"Hello hindi mo ba ako narinig?" Akala ko naman papansinin na ako pero dinaanan lang ako! Aba naman.

"Oh Nick, andyan pala 'yung gerlpren mo eh." Napaikot ako ng mga mata sa narinig. Isang bungal, pandak at maitim na lalaki ang nagsabi nun. Duh. Gerlpren daw?

Hindi rin siya pinansin ng lalaking yun. Pero teka, anong Nick?

"Sino si Nick?" Tanong ko.

Mabilis na itinakip ko sa aking precious nose ang hawak na pamaypay. Mahirap na, baka bigla akong bumulagta dito dahil sa pamatay niyang hininga. Mabuti nang nag-iingat.

"Hindi mo alam pangalan ng boypren mo?"

"Ay tanga lang? Magtatanong ba ako kung alam ko? Isa pa, may tawagan kami 'no!" Kesa naman mapahiya ako ng wala sa oras dito kaya gawa-gawa din ng kwento pag may time! Kunwari may call sign kami kahit wala.

"Ah ganun ba? Ayun oh si Nick! Yung kausap mo kanina."

Mabuti na lang uto-uto ang taong 'to, ang bilis maniwala. Napalingon ako sa gawi ng tinuturo niya. Aba naman ang unggoy, may iba ng ginagawa.

"Osige, layas na! Ambaho mo, chupi!" Nangangamot sa ulo na umalis yung lalaki. May kuto pa ata.

It's been two weeks. At sa dalawang linggo na iyon, parati akong nangungulit dito. Nasanay na rin naman ang mga katrabaho ni Unggoy - este Nick daw sabi nung lalaki - na palagi akong tumatambay dito para manggulo. Ginaganahan daw silang magtrabaho tuwing nakikita ako. If I know, naaano lang ang mga yan. Tsk. Ang ganda ko talaga.

Well anyway, busy naman si Nick kaya aalis muna ako.

Nilapitan ko siya para magpaalam, syempre nagpa-cute muna ako bago magsalita, "Monkey, babalik na lang ako mamaya. Muah!" Nag-flying kiss pa ako pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Yung lalaking pandak kanina ang umarteng sumalo ng halik ko. Gross.

"Gago pre, wag kang assuming hindi para sayo ang kiss na yun!" Sabay batok nung isang lalaking mataba sa pandak. Napa-ikot na lang ako ng mga mata nang magsimula silang magmurahan. Makalayas na nga.

"NAGUGUTOM na ako! May malapit na Mall dito 'di ba? Tara, libre mo ko." Hinawakan ko 'yung kaliwa niyang kamay at hinatak papalabas. Tutal tanghalian na rin lang naman at iyong ibang trabahador dito kakain na rin, mauna na kami.

Wala siyang imik kaya nagpatuloy lang ako sa paghatak sa kanya. Papara na sana ako ng taxi nang siya naman ang naghablot sa kamay ko't dinala ako sa nakahintong tricycle.

What the?

"Don't tell me, papasakayin mo ko diyan?" Asar na sabi ko.

Never pa akong nakasakay sa tricycle or jeep man lang, wala rin akong balak sumakay dahil pang-mahirap lang ang mga ganyang klaseng sasakyan. Duh?

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon