GD: Twenty

3.8K 72 1
                                        


GD: Twenty



His POV

Our eyes met.

I really don't have a plan to look into her eyes while walking towards her but it feels like I'm locked and I can't look away. In every minute of my life since the day that we separated, I'm always missing her.

Her voice.

Her smile.

Her laugh.

How I wish this moment will never end.

Pero hindi pwede. Dahil alam kong pagkatapos ng gabing ito, ikakasal na ako. At maaring ito na rin ang huling pagkakataon na magkakausap kaming dalawa. Isa pa, ayon sa mga kaibigan niya, nakatakda na rin siyang ikasal sa ibang lalaki.

Ayos. Pareho kami matatali sa isang taong hindi naman namin ginusto.

Ay mali - baka ako lang talaga ang hindi ginusto ang pagpapakasal. Baka nga excited pa siya. Kung ganun, napakaswerte naman nang lalaking iyon.

Lumakad ako palapit sa kanya atsaka naupo sa harapan niya. Ang kaninang salubong niyang mga kilay ay mas lalong kumunot.

"What is the meaning of this?" She asked.

"I told them that I wanted to talk to you."

"So, it was all planned. Great." Inikutan niya ako ng mga mata tapos muling tumungga sa alak. Hanggang sa nasundan pa ito nang paulit-ulit. Sinubukan kong pigilan ngunit nagmatigas siya. Nang may dumaan na waiter, sinubukan niyang humingi ngunit hindi ko siya hinayaan. Kinausap ko 'yung waiter na may kasamang abot ng pera para hindi na siya pahintulutan pang bigyan ulit ng alak.

At dahil doon, mas lalong nagalit si Stella. Tapos nakursunadahan niyang sabunutan ang buhok kong halos dalawang oras kong inayos para sa kanya.

Mabuti na lang at hindi pa umaalis ung mga kaibigan niya kaya't natulungan nila akong patigilin si Stella.

"Umayos ka nga, Stella! Ikakasal na si Nick bukas kaya eto na lang ang huli mong pagkakataon para makausap siya." Sabi nung babae na naka-itim. Rica ata ang pangalan.

"Gaga ka! Mahiya ka naman oh. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao! Malakas pa 'yung boses mo sa sound system ng Bar." Sambit naman nung bakla.

Ngayon ko lang rin napansin ang pagtingin ng iilang tao sa pwesto namin. Kailangan ko ba silang bayaran isa-isa para lang tumigil na sila sa pagtingin?

'Di bale, hindi naman nila ako kilala.

Natahimik siya, mabuti naman.

"Pwede ko ba siyang iuwi na?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan 'yung tatlo, para silang nakakapag-usap sa pamamagitan ng mata.

"Akala ko ba mag-uusap kayo?" Tanong nung isa pang babae. Hindi ko alam pangalan niya basta kaibigan din nila.

"Hindi na rin siguro kami makakapag-usap ng maayos dahil lasing siya. At dapat na rin siyang magpahinga." Tumango-tango lang sila. Marami silang binilin tungkol sa kaibigan nila na hindi ko naman gaanong pinagtuunan ng pansin dahil wala naman akong masamang balak dito.

"Buntisin mo na!" Pahabol pa nung bakla. Sinamaan siya ng tingin ng dalawang babae. "De joke lang!"

Ngumiti lang ako atsaka ko binuhat si Stella at maingat na inilabas sa Bar. Hindi naman na siya kumawala dahil halatang antok na antok na. Nang mapasok ko siya sa loob ng kotse, binaba ko yung upuan para mas komportable ang pagtulog niya.

Makalipas ang ilang minute, nakarating din kami sa bahay niya. Binuhat ko siya papasok atsaka dinala sa kwarto.

Nang matapos kong ayusin ang pwesto niya, tatayo na sana ako para umalis nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Nick.."

Lumingon ako't nakita ang maliit na pagkakabukas ng mga mata niya.

"Nick, minahal mo ba ako..kahit, kahit konti?"

"No." I saw a tear fell from her eyes. "I'm sorry."

Pagkatapos kong sabihin 'yun, unti-unti na niyang sinara muli ang kanyang mga mata.

"I'm sorry dahil wala ka naman talagang nakilala na Nick sa buhay mo. I'm sorry for pretending and hiding my real identity from you. Ayos naman ang lahat ng pagkukunwari ko, nag-iba nga lang magmula ng makilala kita."

Para akong tanga dito na nagsasalita e kanina pa natutulog 'yung kausap ko. Kung hindi lang sana siya naglasing, edi mas magandang opurtunidad 'yun para makapag-usap kami ng matino.

"Hindi ka mahal nung Nick dahil ako..'yung totoong ako ang tunay na nagmamahal sayo. Maipapaliwanag ko rin ang lahat sa tamang panahon." I kissed her forehead for the last time.

"Thank you for being part of my life."

***


His POV



Pabalik-balik ang tingin ko sa relo na hawak ko. Nakakapagtaka lang dahil ang tagal naming dumating sa simbahan. Bakit kasi may driver pa akong kasama kung kaya ko namang magmaneho mag-isa!

"Wala na bang ibibilis yan? Baka mamaya, 'yung bride pa ang mauna sa simbahan!" Bulyaw ko dito.

"Pasensiya na po Sir."

Ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na rin kami. Sa likod ng simbahan itinigil ang sasakyan. Kakailanganin ko pa tuloy umikot para lang makapasok. Ngunit bago pa ako tuluyang lumiko, may humarang sa aking babae.

"This way po, Sir."

May pasukan naman pala kahit likod ng simbahan.

Dumaan kami sa isang espasyo atsaka lumiko. Tanaw ko na ang aisle at ang babaeng nakatayo sa pinakadulo. Sabi na nga ba nauna na 'yung bride sa akin e!

Lumapit ako sa pare atsaka tinanaw 'yung ba - napatigil ako, bumilis ang tibok ng puso. Para may mga kabayo na nagkakarera sa sobrang bilis. Ramdam ko rin ang panlalamig ng mga kamay ko.

Tulad ko, napansin ko rin ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagtakip ng kamay niya sa bibig. Kasabay nu'n ang pagkislap ng mga mata niya hudyat na may tumulong mga luha doon.

Tumalikod siya at akmang aalis ngunit bago niya pa magawa 'yun ay tumakbo ako palapit upang pigilan siya. Umikot siya paharap sa akin, nangungusap ang kanyang mga mata. Basang-basa naman ng luha ang mukha niya.

"Bakit? Anong ibig sabihin nito?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag dahil kahit ako'y walang alam sa mga nangyayari. Tanging pag-iling lang ang nagawa ko.

Kasunod nun ang paglabas ng mga taong kilala namin. Kung saan sila galing, hindi ko rin alam. Mababakas sa kanilang mga mukha ang kagalakan. Pare-pareho ng suot ang mga babae, ang mga lalaki nama'y puro naka-suit and tie.

Halatang planado ang lahat. Pero bakit, sino, a-ano ba talagang nangyayari?

Napalingon ako kay Stella nang bigla niyang hampasin ang braso ko. "Ano 'to, Nick? Anong ibig sabihin nito? Kay Mr. Smith ako dapat ikakasal at hindi sayo!"

Napatiim-bagang ako. Akmang aalis na naman siya nang biglang nagsalita ang isa sa mga matatalik niyang kaibigan.

"Bakit mo ba hinahanap ang taong nasa harapan mo na?"

---

Please follow my NEW account:

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon