GD: Nine

2.9K 62 0
                                        

GD: Nine



NAGPAGULONG-GULONG ako sa kama nang nakapikit pa rin ang mga mata. Gusto ko sanang ituloy ang maganda kong panaginip kaso panira 'tong hinihigaan ko. Bakit parang tumigas ang malambot kong kutson? Pagkadilat ay awtomatiko akong napa-upo. Tinignan ko muna ang suot kong damit sa ilalim ng kumot. Ganun pa rin naman katulad ng kagabi. Wala naman sigurong gumalaw sa akin. Teka, wala nga ba?

Oh shit! Virgin pa ako! Baka..hindi na.

Ginala ko ang tingin sa paligid. Wala ako sa bahay, hindi ko 'to bahay.

Pader ang haligi pero walang pintura. May kalumaan na rin ang mga gamit. Walang kutson ang kama, iisa lang ang unan at manipis na kumot. Sira-sirang electric fan ang nakatutok sa akin na pinatay ko rin naman dahil sa ingay.

Tumayo ako at binato ang kumot na nakaharang atsaka dumungaw sa labas ng pinto. Iisang palapag lang ang bahay, salas na kaagad ang bumungad sa akin at konting hakbang na lang pintuan na papalabas ng bahay. Sa kabilang parte naman, isang lalaking nakatalikod habang abala sa pagluluto ng kung ano.

Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya siya lumingon, "ikaw?" Nanlalaki ang mga mata na sambit ko.

"Nasaan ako? Paano ako napunta rito? At bakit ka nandito?" Pasalit-salit ang turo ko sa akin at sa kanya. Juicecolored! Naghi-hysterical na ata ako.

"Dinala mo ko dito tapos wala akong kamalay-kamalay kaya pinagsamantalahan mo ako! Walanghiya ka! Ikaw siguro 'yung taong nararamdaman kong nakatingin sa akin kagabi na tinitignan bawat kilos ko, tapos naghihintay ka lang ng tamang pagkakataon. Isusumbong kita sa mga tao sa labas!"

Sa haba ng sinabi ko, wala man lang siyang sinabi kahit isang salita. At 'yung itsura niya, wala pa ring emosyon. Grabe talaga ang lalaking 'to. Kung may nangyari man kagabi, siguro habang ginagawa namin 'yun' wala pa ring reaksyon ang mukha niya. Hindi rin ako mag-e-enjoy pagnagkataong gising ako - ay, ano ba 'tong pinagsasasabi ko.

Akmang bubuksan ko na ang pinto pero nilingon ko muna siya. Nakaharap na siya sa kalan at abala na naman sa pagluluto. Ganun-ganun na lang 'yun?

"Hindi mo man lang ba ako pipigilan?" Nilingon niya lang ako sandali. Wala pa atang tatlong segundo nang talikuran na naman niya ako. "Yeah, right. Whatever!"

Saktong pagbukas ko, nagsisisigaw na ako ng kung ano-ano.

"WAAHH! RAPE TULUNGAN NIYO KO! AAAH -" napatigil ako sa pagtili nang biglang may magtakip ng bibig ko. Hinila niya ako papasok atsaka sinarado ang pinto, tapos dinikit niya ako dito.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa kaliwang tenga ko atsaka bumulong, "Wala akong ginagawa sayo, baka gusto mong magkatotoo lahat ng sinasabi mo."

Hindi ko alam kung nang-aakit ba siya o nananakot. Nagtasaan ang mga balahibo ko ng hipan niya ang tenga. Shetlaks!

Oh c'mon! Stella, ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, kaharap ang pinaka-hot na karpintero at may balak sa kanya ay kinakabahan na kinikilig - anong kinikilig?

Baliw na ang utak ko.

Pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Infairness, kahit na nagluluto, amoy mabango pa rin ang - walang mabango! MABAHO SIYA! MABAHO!

Pagkatanggal, kaagad akong nagsalita, "sa-sabi mo eh. A-alis n-na."

May nagtataboy ba na nauutal? At bakit ako nauutal? Kasi naman, kasi naman. Topless ang unggoy! May suot siya apron kanina tapos ngayon, wala na. Asan ang hustisya? Baka imbes na ako ang ma-rape, biglang ako ang mangre-rape! Ay kennat teyk dis enimor.

Tumaas ang isa niyang kilay, hindi ata nakuntento sa sinagot ko. Ngunit pagkaraa'y isang nakakalokong ngisi ang namuo sa mukha niya gwap - panget!

Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya. Juicecolored, magkakasala ako nang wala sa oras. Wala na rin naman akong aatrasan pa kaya nilingon ko na lang ang mukha ko.

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon