GD: Five
"NAPAPADALAS na 'yang paghimatay mo ah, baka iba na 'yan."
Mas lalo akong napabusangot sa narinig. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng mga mata ni Rica habang nakapamaywang at seryosong nakatingin sa akin. Kaming dalawa lang sa loob ng kwarto dahil bumili raw ng pagkain 'yong dalawa.
Ginala ko ang precious eyes ko sa paligid. Here I am again, laying on the bed inside the room of hospital. Wow english 'yun ah! Hay nako. Parang nung nakaraan nanggaling din ako dito. Puro puti ang kulay ng paligid, maliban na nga lang sa iilang mwebles sa tabi-tabi.
Wala namang bulaklak sa tabi ko na dapat nakalagay sa ibabaw ng mesa katulad ng mga nakikita ko sa palabas. Kung meron nga lang, kaso wala nga pala akong boyfriend ngayon.
" 'Di naman siguro. Kundi dahil sa lola kong nakaratay din sa kama ng isang Ospital, hindi ako maghahabol sa bilyonaryo na 'yun. Pwede na sanang pagtiyagaan 'yung mga mayayaman sa tabi-tabi."
Bumingisngis siya sa hindi ko malamang dahilan. Siraulo talaga ang babaeng 'to. But the thing is, minsan lang yan matawa kaya palalagpasin ko muna. Suplada kasi masiyado, buti pa ako, maganda na, sexy pa, at maganda ulit.
"Nakakatawang isipin na ang dami mo ng naging boyfriend pero wala pang nakagalaw sayo."
Nginisihan ko siya.
"Syempre, professional ako. Duh?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Professional sa pang-aakit ng mga mayayamang lalaki para makahuthot ng pera!" Tugon niya sabay upo sa upuan na nakadikit sa pader. Maliit lang naman ang kwarto kaya halos magkalapit pa rin kaming dalawa.
"Ay korak ka diyan girl! Big check ng kulay pink na ballpen!"
"Pink ka diyan? I prefer red, so it looks like a blood."
"Whatever."
'Yan ang ayoko kapag kausap siya lalo na kapag nababanggit niya ang salitang blood. Nag-iiba kasi ang aura niya at tono ng pagsasalita. Akala mo may kung anong demonyong sumasapi sa babaeng ito kapag binibigkas niya ang mga salitang iyon.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang dalawang tao na kanina ko pa hinihintay. Si Nikka at Jowel - este Jewel. Wala namang pakialam si Rica sa kanila, kaya ako lang ang nag-effort na maghintay. Isa pa, nagugutom na ang mga bulate ko sa tiyan.
Wait, did I just say 'bulate'?
Fuck! Eww.
"Gising na si Stellaaaa~" Pinahaba pa niya ang pagtawag sa pangalan ko, may halo pang-tono. Maganda naman talaga kumanta si Nikka pero mas magaling ako sa kanya.
"Jewel! Gising na si Stella!" Niyugyog pa niya ang magkabilang balikat ni Jewel na may hawak na kung ano sa kamay.
"Gaga ne'to! Hindi ako bulag. Tumigil ka nga." Pagkasabi nun ni Jewel, mabilis naman siyang binitawan ni Nikka. At ngumiti na may halong pagpapa-cute.
"Okay. Hehe."
"Wag kang mag-'hehe' diyan. Seriously Nikka, kailan ka pa naging jejemon?" Taas kilay na singit sa usapan ni Rica habang naka-tanaw sa kanila.
K. Hinintay ko pa naman sila, ayun pala, tititigan ko lang ang mga walanghiya kong kaibigan. Gosh!
Nangalumbaba ako habang pinapanood ang pagbabangayan ng tatlo. Dalawa lang talaga sila kanina kaso sumali pa si Rica. Pero mabilis namang nanahimik si Rica kaya si Jewel at Nikka na lang ang nag-aasaran. So, ano, wala silang balak tumigil?
"Kung hindi ka lang bakla Jewel, iisipin kong may future kayong dalawa." Mapang-asar kong sambit habang nakangisi. Nakita ko rin sa peripheral vision ko na napataas ng ulo si Rica dahil abala ito sa pagpipindot ng cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Gold Digger (COMPLETED)
RomanceStella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. Pero isang araw, nabalitaan na lang niya na napuntang hospital ang pinakamahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang lola. Masiyadong malaki an...