EPILOGUE

6.4K 82 24
                                        


EPILOGUE

"Bakit mo ba hinahanap ang taong nasa harapan mo na?"

Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil pinagmadali na nila kami. Mukhang naiinip na raw kasi si Father at ang iba pa niyang kasama sa Simbahan. Nang maglakad naman kami papalapit dito - kasama ko si Nick - hindi naman siya kakikitaan ng pagka-inip bagkus nakangiti pa nga ito sa aming dalawa.

Nagsimula na siyang magsalita. Hindi ko maintindihan. Hindi ako mapakali. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyayari dito.

Bakit kay Nick ako kinakasal?

Bakit parang wala rin siyang alam sa mga nangyayari?

Sino ba ang may pakana nito?

At anong ibig sabihin ni Rica sa sinabi niya?

Litong-lito na talaga ako! Heto at nandito kami sa harapan ng pari pero wala, iba ang takbo ng utak ko. Gusto ko sanang tumakbo, umalis, at malagay sa tahimik para ma-absorb ko muna lahat ng nangyayari tsaka sila magpaliwanag sa akin. Pero hindi ko magawa.

Ayaw niya ako bitiwan.

Napatitig bigla ako kay Nick. Nakatingin din siya sa akin. Ramdam kong pati ang mga tao sa paligid namin ay nakatingin din sa amin. Akala ko nakatingin lang sila sa akin dahil halata sa itsura ko na hindi mapalagay subalit pati ang pari ay nakatingin din. Tila ba'y naghihintay ng aking sagot.

"I'll repeat the question, do you Stella Payne take Bill Smith to be your lawfully wedded husband forever? In richer or poorer? In sickness and in health, and til death do you part?"

Napaawang lang ang labi ko. Anong sabi niya?

Bill Smith?

"Sinong Bill Smith?" Napakunot ang noo ng pari. Pati na rin ang mga sakristan sa gilid.

Tumingin ako sa likod, nakita ko ang babaeng may edad na ngunit kitang-kita pa rin ang dati nitong ganda. Ngumiti ito sa akin kaya't pinilit ko na lang ngumiti. Hindi ko siya kilala pero mayroon siyang kahawig.

Malapit sa pwesto niya ang tatlo kong magagaling na kaibigan. Nakataas ang kilay ni Rica, nakangiti naman si Nikka, samantalang si Jewel ay may nginunguso sa tabi ko. Hindi na ako nagtaka na nasa hilera siya ng mga babae.

"Ehem." Napatingin ako kay Nick. "My real name is Bill Smith."

Muli akong napatitig sa mukha niya. Nagsimula na namang magtakbuhan ang napakaraming tanong sa utak ko.

Pero isa lang ang maliwanag doon.

"Nagsinungaling ka."

Then after that, I ran as fast as I could. Wala na akong pakielam sa kanila. Ilang beses akong nakarinig ng tawag mula sa simbahan. Sinubukan din nila akong pigilan pero hindi na ako papapigil.

Nasira ang wedding na ini-imagine ko.

Niloko ako ng mga kaibigan ko.

At nagsinungaling siya sa akin.

All this time, I keep on chasing the man that I never thought na kasama ko lang pala! Pilit kong hinahanap ang taong iyon, pilit kong hinahabol, tapos nakipag-date pa ako sa taong inakala ko na siya, hindi naman pala. Bakit hindi niya man lang pinaalam sa akin? Bakit ibang tao ang pinakilala niya sa akin?

Bullshit.

Tumigil na ako sa pagtakbo nang makaramdam ako ng pagod. Hindi ko alam kung saan na ako napunta dahil bigla na lang ako nakaramdam ng hilo. Bago ako tuluyang mapapikit naaninag ko pa ang mukha ng isang lalaking sumalo sa akin.

Gold Digger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon