Chapter 1

65 5 0
                                    

Manipulative

Centrea Isabel's POV

"Nasaan ako?" histerikal na ani ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Maya-maya lang ay luminaw na ang paningin ko at nagulantang sa nakikita. For pete's sake, nasa gitna ako ng gubat! Anong ginagawa ko dito?

"Eeckkk ehckkk." napatigil ako sa paglilibot ng tingin nang marinig ang isang maliit na tinig. Kung hindi ako nagkakamali, galing ito sa isang ibon base na rin sa tono nito.

Kahit na nakakaramdam ng takot ay pilit ko pa ring hinanap kung saan nanggagaling yung tunog na yon. Ilang sandali lang ay mas lumakas na ang tunog kaya tumigil ako saglit at nilibilot ang tingin sa paligid.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko nang makita ang hinahanap. Lumapit ako sa pwesto ko at pinagmasdan maigi ang isang ibon. May tali ito sa buong katawan at nagdudugo ang kaliwang parte ng pakpak. Anong nangyari? Maybe this cute little bird fell into a trap.

Dali-dali kong tinanggal ang pagkakabuhol ng mga tali sa buong katawan nito at nang matapos ay nag-isip naman ako ng paraan kung anong gagawin ko sa nagdurugo nyang sugat.

Anong gagawin ko? Hindi ako marunong pagdating sa mga ganito!

Napayakap ako sa sariling katawan nang biglang humangin ng malakas. Nagsiliparan ang mga tuyong dahon sa sahig. Umingay ang buong kagubatan dahil sa paggalaw ng mga dahon sa mga nagtataasang puno.

Hindi ko alam pero parang iba yung dalang ibinibigay ng hangin sa katawan ko. Nawala ang ingay sa buong paligid at humupa na rin ang hangin. Pagmulat ko ng aking mga mata, ayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ako kinakabahan hindi tulad kanina. Relax na ang buong katawan at isip ko.

"Gusto mo ba syang matulungan?" nagulantang ako nang may marinig na isang tinig. Sobrang lalim nito pero parang nanggagaling sa isang maliit na nilalang.

Natatakot man, ngunit napagpasyahan ko pa ring lumingon sa likuran ko at ilibot ang tingin sa paligid. Ilang pag-ikot pa ng ulo ko pero wala naman akong nakita. Ano yon? Am I hallucinating?

"Just say yes at ibibigay ko ang nararapat na saiyo, Centrea." muli kong narinig ang tinig at muli ring nanumbalik ang takot na kanina lang ay humupa na.

"S-Sino ka? Anong k-kaylangan m-mo?" nilakasan ko na ang loob ko at sumagot sa tinig na naririnig ko.

Ilang minuto ang lumipas bago ko muling narinig ang nakakakilabot nyang tinig. "Ako'y ikaw at ikaw ay ako. Iisa lang tayo, Centrea." naguluhan naman ako sa sinabi nya. Siya ay ako at ako naman ay siya? At kami ay iisa?

Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ulit ang iyak ng munting ibon sa harapan ko. Muntik ko nang makalimutan na may kaylangan pa pala akong tulungan. Ano nang gagawin ko?

Naalala ko yung sinabi ng tinig kanina. "Magagawa ko bang pagalingin itong ibon sa harapan ko?" nag aalangang tanong ko.

"Hindi lang yan ang kaya mong gawin kapag tinanggap mo ako, Centrea."

Ha? Hindi lang yon ang kaya kong gawin? Ano pa?

"Malalaman mo rin sa lalong madaling panahon. Sa ngayon ay kaylangan mo lang akong tanggapin at magiging ayos na ang lahat." turan nya na animo'y nabasa ang katanungan ko.

Sandali akong nag isip. Lumipat ang tingin ko sa nakakaawang ibon sa harap ko bago lumunok ng paulit-ulit.

"Tinatanggap ko na. Gawin mo na ang dapat mong gawin para matulungan ko ang munting ibon na ito." I said.

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon