Test
Centrea Isabel's POV
Nakatitig pa rin ako sa kisame ng kwarto ko. Ang aga kong nagising at ngayon nga ay hindi na ako makatulog. Una, dahil sa nangyari noong nakaraang linggo. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari yon, na magagamit ko ulit ang bagay na yon. Pangalawa, ngayon na ang test ko sa Milter Academy.
Actually, kanina pa ako nagdadalawang isip kung tutuloy ba ako. Nagising na ulit ang matagal nang natutulog sa katawan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Baka masaktan ko lang yung mga estudyante doon.
Sikreto ko ito simula pa noong bata pa ako. Unang lumabas tong bagay ba to noong pitong-taong gulang pa lamang ako. May nangaaway sakin that time at sa sobrang galit ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Hindi ko na rin alam kung anong nangyari non dahil para akong gising na tulog that time. Nang bumalik sa normal ang lahat, nakita ko nalang na nakahiga na sa sahig yung umaway sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko non kaya tumakbo ako ng pagkabilis-bilis pauwi ng bahay.
I have this ability na kaya kang manipulahin. Nagresearch ako dati about dito at napag-alaman kong Manipulation ang tawag sa kaya kong gawin na to at Manipulator naman ang tawag sa gumagamit nito.
Natatandaan ko pa na nagsasanay ako sa pamamagitan ng panaginip ko dati. Pero natigil yon nang halos hindi na ako magising sa pagkakatulog. Hindi alam nila Mama at Papa pati na rin ng mga kapatid ko na may taglay akong ganito kaya sinabi nilang bangungot yon. Pero ang totoong nangyari ay nasobrahan ang paggamit ko sa kakayahan ko at muntik ko nang masaktan ang sarili ko.
Doon ko rin tinigil ang paggamit sa abilidad na yon. Feel ko dati ay masasaktan ko lahat ng taong nakapaligid sakin kapag ginamit ko pa iyon. Kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung matutuwa ba ako o matatakot para sa pamilya at mga tao sa paligid ko.
Umiling-iling ako sabay upo sa kama ko. Tumingin ako sa mini clock ko at nakitang alas sais na ng umaga. Ang bilis ng oras.
Tuluyan na akong tumayo sa kama ko at ginawa na ang mga morning routines ko. Napatingin ulit ako sa mini clock ko paglabas ko ng banyo. Six thirty-one? Thirty minutes akong nasa loob nitong banyo? Parang ten minutes lang naman!
"Anak bumaba kana. Maaga pa ang alis mo, diba? Kaylangan saktong eight ay nandon kana sa Milter Academy." pagpapaalala ni Mama sakin na nasa labas ng pintuan ko.
"Oo ma. Tapos na rin akong maligo wait lang!" pasigaw kong sagot sakanya habang nag-aayos ako ng sarili ko.
Matapos mag-ayos ay dali-dali na rin akong bumaba habang dala ang mga gamit ko.
"Kumain kana, Centrea anak. Kaylangan busog ka para makapag-isip ka ng maayos mamaya sa test." bungad sakin ni Papa na humihigop sa kanyang kape.
Umupo na nga ako at nagsimula nang kumain. Focus ako sa pagkain at hindi rin naman ako ginugulo nila Mama. Nang matapos ay tumayo na ako at isinukbit muli ang maliit na bag sa likod ko.
"Ma, Pa, alis na po ako." pagpapaalam ko.
Sumunod naman sila sakin hanggang sa may pintuan. "Galingan mo anak, ha? Alam naming kayang-kaya mo yan." pagpapalakas ni Papa sa loob ko na ikinangiti ko naman.
"Oo naman Pa. Mana ata to sayo." sabi ko sabay tingin kay Mama na nakabusangot na ngayon.
"Anong sabi mo? Nangongopya nga lang yan saking Papa mo dati eh!" parang batang turan ni Mama. Hays, ito talagang mga magulang ko oh.
"Sige na Ma, Pa. Alis na po ako. Away well!" nangaasar kong paalam sa kanila na ikinatawa naman nila.
I check my wristwatch. Seven o'clock. May isang oras pa ko para pumunta sa Milter Academy. Sobra-sobra pa nga yung isang oras dahil medyo malapit lang naman yung Milter Academy dito. Isang sakay lang ng tricycle actually.
BINABASA MO ANG
Class W
FantasyMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...