I Don't Know Why
Centrea Isabel's POV
"Bye, Ma! Bye, Pa! Mag-iingat kayo palagi, okay? At kayong dalawa kayo, wag kayong masyadong pasaway. Naiintindihan nyo ba ako?" sabi ko. Tumango naman yung dalawa.
Sa dorm na kasi kami mag-istay. Para rin naman don yon sa kapakanan namin at para malapit lang sa school. Wala namang kumontra don kaya lahat kami ay sa dorm na mag-istay simula ngayon.
At ngayon nga ay hila-hila ko tong maleta ko na puno ng mga damit at kung ano-ano pang pinaglalagay ni Mama. Hays, si Mama talaga kahit kelan.
Napangiti naman agad ako nung nakita ko na sila. Kumpleto na sila don at halatang ako nalang ang inaantay nila. Ang aaga namang magsipasok nitong mga to.
"Hi! Sorry medyo late." bati ko sa kanila at nag-umpisa na kaming maglakad. "Kamusta? Anong sabi ng mga parents nyo?" tanong ko pa.
"Wala naman. Parang hindi nga halatang ayaw nila akong paalisin sa bahay eh. Tingnan mo naman kasi, kulang nalang ipadala na sakin lahat ng gamit sa bahay!" halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Trescent na tinawanan naman namin.
"Kamusta naman sakin? Nahiya pa silang ipadala yung alikabok sa bahay." nakahalukipkip na sabi naman ni Dos.
Tawa lang kami nang tawa habang naglalakad papasok sa school. At as usual, nakatingin nanaman samin yung mga estudyante. Parang ewan tuloy si Ice na nakatago sa likod namin. Nahihiya kasi sya kapag nasa kanya yung atensyon ng mga tao.
"Stop looking at us. Nahihiya na yung kasama namin tingin pa rin kayo ng tingin." malakas na sigaw ni Sheen, tama lang para marinig ng mga taong halos hubaran na kami sa sobrang titig.
In the corner of my eye, nakita kong nakatingin sakin si Kensho. Bigla nanamang nag-init yung pisngi ko at nararamdaman ko nanaman yung parang kumikiliti sa bandang tyan ko. Hindi ko alam kung bakit ba nagkakaganito ako– lalo na kapag andyan si Kensho.
"Alam nyo ba ang ibig sabihin kapag namumula yung isang tao kapag tumititig o nakikipag contact sya sa iba?" natigilan kami sa biglaang pagtatanong ni Pareo. "Kasi may gusto yung taong yon sa kanya. Hindi nya mapigilang mapangiti everytime na nakikita nya yung taong yon. At may something sa kanya na hindi nya mapaliwanag." mahabang litanya ni Pareo while looking at me– no, she's smiling devilishly!
"Stop looking at me, Pareo!" sabi ko nang hindi nakatingin sa kanila. Naguguluhan naman yung iba naming kasama kaya lalong napabungisngis si Pareo.
"Anong nangyayari?" takang tanong ni Mirko samin ni Pareo. Hindi naman ako sumagot at nanatiling tahimik. Pero nagsisi rin ako bigla nung si Pareo ang sumagot.
"Si Centrea kasi. I think he like–" hindi na natapos ni Pareo ang sasabihin nya nang magsalita agad ako.
"I DON'T LIKE HIM!" naiinis kong sabi. Nagulat naman yung iba habang palipat-lipat yung tingin samin ni Pareo.
"May sinabi ba akong siya?" sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko. Arghh! Ang tanga mo Centrea!
Hindi ko na nakayanan yung mga tingin nila. Sobrang nahihiya na ako. Kaya walang ano-ano'y tumakbo ako at inunahan na sila.
"AYOKO NAAA!" sigaw ko pa habang rinig ko naman ang mga tawanan nila.
Tahimik akong nakatungo dito sa table ko nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. At ang kasunod non ay ang walang-humpay na pang-aasar nila sakin.
"Sino ba kasi yung crush mo? Malay mo icrushback ka diba? Malay mo lang naman." sabi ni Wren at pinagtawanan nanaman nila ako. Namumula na ko sa kahihiyan pero sila mukhang hindi pa rin nagsasawa kakatawa.
BINABASA MO ANG
Class W
FantasyMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...