Zunta City
Centrea Isabel's POV
Nakarating kami sa Zunta City nang hindi ko manlang namamalayan. Pano ba naman kasi, hindi ako tinatantanan nung mga sinabi ni Kensho sakin kahapon.
[ FLASHBACK ]
"Sagutin mo ang tanong ko. Please... Baka sakaling malaman ko kung ano tong nararamdaman ko. Hindi ko na kasi alam. Hindi na..." sabi nya sa mahinang tinig.
"Anong meron samin ni Mirko? Wala! Magkaibigan lang kami tulad ng dati. Bakit ba?" medyo tumaas na rin ang boses ko. Pano ba naman kasi, magtatanong nalang hindi pa ayusin. Kaylangan talagang sumigaw?
"Ano yung kanina? Yung mga bulong nya sayo. Yung pagpunas nya sa labi mo. At... at yung mga tingin nyo sa isat-isa." hindi ko alam kung anong pinapalabas nya kaya sumagot agad ako.
"Ano bang pinapalabas mo? Na may something samin? Nahihibang kana, Kensho!" I said with a tone of disbelief.
"Sabihin mo, bumibilis din ba yung tibok ng puso mo sa tuwing malapit ako?" natigilan ako sa tanong nya. Kasi kahit hindi ko pag-isipan, alam ko na ang sagot sa tanong nya.
"Umakyat na tayo, baka hinahanap na tayo nila Sir." akmang lalakad na ako paalis nang hablutin nya bigla ang braso ko. At ang sunod nyang ginawa ang halos makapagpatigil na sakin sa paghinga.
Niyakap nya ako. Pinulupot nya ang mga braso nya sakin. Na parang sinasabing wag ko syang iwan. "Don't go to him. Please... stay with me."
[ END OF FLASHBACK ]
"Kanina ka pa tulala dyan, sis! Ano ba kasing nangyari kahapon? Simula nung umalis tayo sa restaurant na yon, ganyan kana. Hindi ka ba na-engkanto? Naomee! Kaya mo bang icheck kung na-engkanto ang isang tao?" napailing naman ako sa kabaliwan nitong si Trescent. At talagang dinamay pa ang nagpapahingang si Naomee.
"Hindi eh. Pero aaralin ko. Teka, bakit pala?" tanong nito.
"Baka kasi na-engkanto tong si Centrea. Kahapon pa tahimik simula nung umalis tayo dun sa restaurant na yon." saad ni Trescent na nakaagaw sa atensyon ng lahat.
"Pansin ko nga rin. Ayos ka lang ba, Centrea?" si Sheen naman ang nagtanong ngayon.
"Ayos lang ako. May iniisip lang." nasabi ko nalang. Hindi naman na sila nangulit pa dahil inanunsyo ni Sir na malapit na kaming makarating sa destinasyon namin. Doon daw kami pupunta sa bahay ng isang kilala at mapagkakatiwalaang Mysticus. Cesia ata ang pangalan nya, sa pagkakatanda ko.
Ilang pasikot-sikot pa ang ginawa namin bago kami makarating sa destinasyon namin. Nagulat pa nga kami dahil pumasok yung sasakyan sa isang gubat. Yun pala, nasa gitna ng kagubatan ang bahay na pupuntahan namin.
Pagbaba namin ng sasakyan, bumungad samin ang malamig na simoy ng hangin. Sobrang sarap din nitong langhapin. Siguro'y dahil fresh na fresh ito dala nang madaming puno at mga halaman sa paligid.
Busy kami sa pag-suri ng buong paligid nang biglang may magsalita na ikinatigil namin. Isang hindi-katandaang babae ang nasa harap namin ngayon. May mga puti na itong buhok, ngunit hindi non naitatago ang kagandahan nitong taglay. Berde ang mga mata nito na tumugma sa maputi nitong balat. Sa tingin ko'y nasa mid-50's na ito.
"Sila na ba ang mga bagong estudyante sa Class W, Krale?" tanong nito.
"Opo, Mrs. Cesia. Sila na nga." sagot ni Sir. Tumango-tango naman yung babaeng Cesia nga ang pangalan.
"Let's play a game, ayos ba?" tanong nito samin, nakatingin kasi sya samin kaya nasabi kong para samin yung tanong nya.
"Uhm, ano pong game?" asked Dos.

BINABASA MO ANG
Class W
FantasiMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...