The Mythical Familiars
Krale Hanuncio's POV
Andito kami ngayon sa Practice Room kung saan nag-eensayo ang mga estudyante sa Class W. Nakahilera na sila sa harapan ko at mahahalata ang pananabik sa mga mukha nila. Kahit ako excited na ring makita kung anong Familiar ang meron sila.
"Sinong gustong mauna?" tanong ko. Nagtaas naman ng kamay si Mirko kaya sinenyasahan ko syang mag-umpisa na. Pero laking pagtataka ko nang lumayo sya ng bahagya sa pwesto namin. Napapaisip tuloy ako. Anong klaseng Familiar ang meron sya at kaylangan nya pang lumayo samin?
Hindi ko pa natuturo sakanila kung paano mag-summon ng Familiar. Pero sa kaso nila, kahit tawagin nalang nila ang Familiar nila ay lalabas na ito. Ganon kapag malakas ang magic power na mayroon ka. Hindi sila mapapabilang sa Chosens for nothing after all.
Nakatayo na si Mirko di-kalayuan samin habang nakapikit. May binabanggit din syang kung ano na hindi naman namin marinig. At hindi nga nagtagal ay biglang nagliwanag ang parteng likuran nya. Tumigil na rin sa paggalaw yung mga labi nya pero nakapikit pa rin ang dalawang mata.
At ang sumunod ngang nangyari ang halos hindi na magpahinga sa akin. Napuno ng isang nakabibinging tili ang buong silid. Napatakip nalang ako sa dalawang tainga nang wala sa oras at ganon din naman ang ginawa ng iba.
Napapikit pa ko. At pagdilat ng mga mata ko, isang halimaw ang hindi ko inaasahang makikita ko sa buong-buhay ko. Isang malaking pusit na may sobrang laking mga galamay ang nasa likuran ngayon ni Mirko. Ayan yung Familiar nya? Isang Kraken?!
Bakas din ang pagkagulat at takot ng iba. Hindi makapaniwalang nakatingin sila sa halimaw na ngayon ay kinakausap ni Mirko.
Ilang sandali pa nung sa tingin ko'y tapos na silang mag-usap ay naglaho na rin ang halimaw. Or should I say, Familiar ni Mirko. Naglalakad na rin sya papalapit samin habang may malapad na ngiti.
"Ayos ba?" tanong nya sa mga kaklase nya.
"Nakakatakot yung Familiar mo!" pang-aasar ni Naomee sa kanya. Sumang-ayon naman yung iba na kinatawa ko.
"Okay Naomee, ikaw na sunod." sabi ko na ikinangisi naman ni Mirko. Narinig ko pa yung "Akala mo ha" nya bago bahagyang lumayo si Naomee samin. Minsan talaga napapaisip nalang ako kung nasa tamang edad na ba talaga tong mga to eh. Parang mga bata kasi kung umasta!
Lumuhod na sa maliliit na damo si Naomee. Nagtaka pa ako kung bakit kaylangang nakaluhod pero hinayaan ko nalang. Kita pa yung mga butil ng tubig sa pwesto nya dahil sa Familiar na tinawag ni Mirko kanina.
Hindi rin naman nagtagal ay lumiwanag na yung likurang parte ni Naomee, indikasyon na ano mang oras ay masisilayan na namin ang Familiar nya. Pero napuno ng pagtataka ang mga mukha naming nanonood nang tuluyan nang mawala yung liwanag ngunit hindi pa rin namin nakikita yung Familiar nya. Nagkamali ba sya? Pero imposible naman ata yon.
Tuluyan nang lumapit samin ang nakangiting si Naomee. At kapansin-pansin ang pagkinang ng kung anong bagay sa bandang balikat nya. Ginamit ko pa yung ability ko para lang makita kung ano yon. I-isang Pixie? Isang Pixie ang Familiar ni Naomee? Wow, just wow!
Tuluyan na ring nakita ng iba yung Familiar ni Naomee kaya hindi nya naiwasan ang mga tukso ng kaklase.
"Inaasar mo kong nakakatakot yung Familiar ko tapos yung Familiar mo pala balahibo lang ng Kraken ko. Hahaha!" at nanguna na nga doon si Mirko. Nagpantig naman yung tainga ni Naomee sa narinig. She snapped her finger once at lumiwanag nanaman ang parteng likuran nya. At pagkawala ng liwanag, isang Pixie na ang kitang-kita namin. Lumaki ito. Doble na siguro ang laki nya sa isang tao. Hindi na ako nagulat, baka isa yan sa mga ability ng Familiar nya.
BINABASA MO ANG
Class W
FantasíaMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...