Start of their Journey
Centrea Isabel's POV
"Good morning, world! Rise and shine!" nabulabog kaming lahat sa lakas ng boses ni Trescent. Ang aga-aga napakaingay.
"Madilim pa sa labas, Trescent. Mahiya ka naman." saad ni Wren na kasalukuyang umiinom ng kape.
"Kanino ako mahihiya? Sainyo? Duh, wala tayo non." halos mabuga ko naman ang iniinom kong gatas dahil sa sinabi nito. Bibig talaga nitong babae na to!
"Nagtext sakin si Sir kanina. He said na sa labas na daw tayo maghintay mamaya." sabi ni Kensho na tinanguan lang namin.
Busy kaming lahat sa pag-inom ng kani-kaniya naming mga kape at gatas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong chineck at napakunot ang noo nang makita ang pamilyar na numero. Ilang araw din tong hindi nagparamamdam ah.
From: 09*********
Good morning, Centrea! Nagtataka ka siguro kung bakit ang aga kong nagtext sayo. Nagising kasi ako ng maaga ngayon kaya napagpasyahan kong mag-jogging muna sa loob ng Academy. Anyways, kumain kana paggising mo! Rise and shine, sweetie!
"Hala! Ka-text nanaman ni Centrea yung lalaki nung nakaraan!" agad ko namang tinago ang cellphone ko sa bulsa nang sabihin yan ni Ice.
"Yung lalaking kahawak-kamay mo nung nakaraan?" tanong ni Kensho. Ayan nanaman sya sa pokerface nya.
"Magkaiba ang hinawak ang kamay sa holding hands!" depensa ko agad. Totoo naman eh! Hinawakan nung lalaking yon yung kamay ko. Hindi matatawag na holding hands yon.
"Kahit ano pa yan. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung bakit hindi mo pa binablock yang number na yan?" medyo tumaas na ang boses nya at hindi ko alam kung bakit ganon nalang sya magreact.
"Tama na yan, okay? Masasayang yung maganda nating gising kung mag-aaway kayong dalawa." awat samin ni Dos.
"Bakit ko naman ibblock yung tao? As far as I know, wala namang masama sa ginagawa nya." napalakas siguro yung paglapag ko ng baso sa mesa, dahilan para mapatingin sila sa gawi ko.
Hindi na non nagsalita pa si Kensho at walang-imik na lumabas. Naiwan naman kaming lahat na hindi alam kung anong nangyayari.
"Bakit ganon nalang kung umasta si Boss kapag yung nagtetext sayo ang pinag-uusapan?" tanong ni Mirko.
"Kaya nga. I mean, hindi naman na siguro kasama sa pagiging Class Representative nya yung ganyang usapan, diba?" si Pareo naman yung nagsalita.
"Actually, I smell something fishy..." saad ni Naomee na nagdududa nang nakatingin sakin.
"What's with that look?" I asked her nang hindi pa rin sya tumitigil sa pagtingin nya sakin ng ganon.
"May namamagitan ba sa inyo ni Kensho?" walang preno nitong tanong na nakapagpainit sa buong mukha ko nang hindi ko alam kung bakit.
No! Dapat naiinis ako dahil sa tanong nya. Pero bakit parang iba tong nararamdaman ko?
"You're blushing, Centrea." napabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko si Sheen. What the hedge? I'm freaking blushing?!
"Hindi no! H-hindi lang maganda pakiramdam k-ko." depensa ko agad.
Wala naman akong nakuhang tugon sa kanila. Bagkus ay binigyan lang nila ako ng isang malisyosyong tingin.
"Bahala nga kayo dyan!" saad ko sabay tayo nang hindi pa rin sila tumigil kakatingin sakin. Argh! Nakakainis!
Hanggang sa paglabas ko ay nakasunod pa rin sila ng tingin sakin. Lumabas ako ng dorm at naglakad-lakad hanggang sa mapunta ako sa likod ng isang building. Dumiretso ako sa isang bench don at naupo.
BINABASA MO ANG
Class W
FantasiaMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...