Training
Centrea Isabel's POV
Lahat kami nakatunganga dito sa loob ng classroom. Sir Sir naman pilit na nagtuturo sa harap kahit na alam nyang walang nakikinig sa kanya. Hindi ko ba alam, parang mas gusto ko pang makipaglaban kesa magsolve ng mga problems at equations. At alam kong ganon din sila.
"Ayaw nyo talagang makinig?" napatingin kaming lahat kay Sir na ngayon ay nakaupo na pala sa upuan nya.
"Ang boring naman kasi Sir eh. Ang ganda-ganda ng araw oh. Parang ang sarap–" napatigil sa pagsasalita si Sheen.
"Parang ang sarap?" tanong ni Sir.
"Ahh, wala po Sir hehehe." ayan, ang daldal kasi masyado akala mo babae.
"Tumayo kayong lahat." utos samin ni Sir. Medyo kinabahan naman ako. Paparusahan nya kaya kami?
Kahit kinakabahan ay tumayo pa rin kami. Pero napatingin kami sa pwesto ni Ice dahil biglang lumamig sa buong silid. Malamig na nga, mas lalo pang lumamig.
"Ice, anong nangyari?" tanong ni Sir. Nakatingin pa rin kami sa kanya.
"Sir naman kasi eh! Kinakabahan ako sayo. Feeling ko paparusahan mo kami kaya kinakabahan tuloy ako!" parang batang ani ni Ice. Natawa naman si Sir sa sinabi nya.
"Bakit ko naman kayo paparusahan? Ayaw ko rin magturo, nakakatamad kaya." pag-amin ni Sir. Natuwa at nagdiwang naman kami sa narinig.
"Edi hindi kana magtuturo ngayon, Sir?" tanong ni Kensho.
"Oo." sagot naman ni Sir.
"So, tutunganga nalang po talaga tayo dito maghapon?" natawa naman si Sir sa tanong ni Trescent.
"Hindi. Kaya nga kumilos na kayo dahil magttraining pa kayo. Bilis, kilos!" natuwa naman kami sa sinabi ni Sir at dali-daling pumunta sa pinakadulong silid dito sa building.
Pumasok na kami sa silyadong pinto pagkarating. Tanging miyembro lang ng Class W at ibang opisyales ang pwede at kayang pumasok dito. Dito kasi kami nagsasanay gamit ang mga ability namin.
Isa itong silid na sobrang lawak. As in SOBRANG LAWAK. Sabi ni Sir ay isang illusion lang daw ito. Pero nakaka-amaze talaga dahil totoong-totoo talaga.
Pumasok na rin si Sir. At nung makapasok na sya ay sinarado nya naman yung pinto sa loob. Lumapit na rin sya samin at pinaliwanag kung anong dapat naming gawin.
"Pumasok na kayo sa kani-kaniya nyong room. Dapat paglabas nyo may improvement sa mga ability nyo, okay?" sabi ni Sir.
May kani-kaniya kasi kaming room dito kung saan kami talaga magsasanay. Wala ring makakapasok na iba don kundi ikaw lang. Hindi rin nakikita ni Sir kung anong ginagawa namin sa mga rooms namin.
Pumasok na kami sa kani-kaniya naming rooms. Pagpasok ko, bumungad sakin ang ibat-ibang uri ng mga makina. Sobrang lawak din nitong room kaya malaya akong gawin ang kahit anong gusto ko.
"Ano bang magandang gawin ngayon?" tanong ko sa sarili. Nag-isip muna ako ng kung anong pwedeng sanayin at gawin ngayong araw. At hindi nga nagtagal, may isang ideya na pumasok sa isip ko.
Pero kaya ko ba yon?
Hindi ko maiwasang mapaisip kung kaya ko bang gawin yung naisip ko. Naisip ko kasi na subukan kung kaya kong magbasa ng isipan ng ibang tao. Since isa akong Manipulator, siguro naman kaya kong manipulahin yung isip nila and then, charan! Pero parang imposible naman ata yon.
Wala na akong nagawa nung kusa nang gumalaw yung mga paa ko papunta sa isang malaking screen. Natatandaan ko pa yung paliwanag ni Sir about dito. Ilalagay mo lang daw yung gusto mong aralin o sanayin dito at ang mga machines na daw ang bahala sa kung anong dapat mong gawin. Ang astig diba?!
BINABASA MO ANG
Class W
FantastikMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...