Chapter 3

38 5 0
                                    

Class W

Centrea Isabel's POV

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako ikot nang ikot dito sa loob ng kwarto ko. Ngayon kasi ang labas ng resulta ng mga nakapasa sa Milter Academy.

Confident naman ako sa mga sagot ko at alam kong mataas ang tyansa na makakapasa ako. Pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan.

"Ate bilisan mo na daw! Nag-aantay na sila Mama at Papa sayo sa baba!" sigaw ng kapatid kong si Jet sa labas ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga nalang ako bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa baba. Nakatayo na sila Mama at Papa malapit sa may pinto habang naghihintay sakin.

"Are you ready, anak?" tanong ni Papa nang mapansin nya na papalit na ko sakanila.

Pano ba naman kasi, sasama ba naman daw? Titingnan ko lang naman yung result. Parang mas excited pa sila kesa sakin.

"Hindi naman kasi kailangang may kasama. Ano yan, family day?" sarkastikong sabi ko kila Mama na ikinatawa naman nila.

"Magcecelebrate kasi tayo. Alam naman naming makakapasa ka." proud na sabi ni Mama.

"Ready na rin kami!" napalingon naman ako sa likuran ko. Nakatayo doon ang kambal kong kapatid na bihis na bihis. Sasama din tong mga to?

"Hindi naman pwedeng magcelebrate tayo na wala sila, diba?" sabi ni Papa na mukhang nabasa ang itsura ko. Okay, literal na family day na nga ata to.

Habang nasa kotse kami ay hindi ko mapigilang mapatanong. "Pano kung hindi ako makapasa?" tanong ko kila Mama.

Agad namang napatingin sakin si Mama at Papa na nasa unahan. "Ikaw pa? Syempre nagmana ka sakin kaya makakapasa ka." sabi ni Papa.

"Anong nagmana sayo? Wag kang makinig dyan, anak. Sakin ka nagmana." sagot naman ni Mama na ikinailing at tawa namin ng mga kapatid ko.

"Andito na tayo." sabi ni Papa.

Bababa na sana ako pero napansin kong bababa rin sila. "Bakit kayo bababa?" takang tanong ko sa kanila.

"Of course, sasama kami sayo." sabay na sagot ng kambal kong kapatid na ikinalaglag ng panga ko. Tototohanin ba nila yung family day?!

"Tototohanin nyo ba yung family day?! Titingnan ko lang naman yung result. Pwede naman kayong mag-antay nalang dito, Ma, Pa." I said in a convincing way.

Mukhang tumalab naman yung ginawa ko dahil maya-maya lang ay tumango sila sakin kahit na parang napipilitan lang.

"Babalik agad ako pagkakita ko sa result. Don't worry." sabi ko sabay labas sa kotse.

Nagsimula na kong maglakad papasok sa loob ng Academy. Habang mas lumalapit ako sa Main Building ay mas lumalakas din ang kalabog ng dibdib ko. Nanginginig din ang mga kamay ko. What's happening, Centrea?!

Sobrang dami na ng mga tao pagdating ko sa Main Building. Doon kasi nakapaskil ang result kaya para kaming sardinas dito lahat sa sobrang sikip. Nagtutulakan ang ibang estudyante at ang iba naman ay hirap na hirap na sa sitwasyon.

Ayaw kong makipagsiksikan dahil siguradong mapipisat ako kapag sinubukan ko. Arghh!

Maya-maya lang ay nakaisip ako ng paraan para makarating sa unahan. Sige, magsiksikan lang kayo dyan. Hahaha!

Lumapit ako sa napakaraming estudyante sa harapan ko at sinimulan ko na ang aking plano.

"Stop." mahinang bulong ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Agad naman syang huminto sa pag galaw nang hindi napapansin ng mga katabi nya. One down.

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon