Chapter 16

17 2 2
                                    

Ceon "CenCen" Pendel

Ceon Pendel's POV

Bakas ang gulat sa mukha ni Centrea. At isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Maaaring sya nga si Trea. Pero kaylangan ko pa rin ng klaripikasyon.

"Ikaw ba si Trea?" tanong kong muli.

"Hoy! Ano bang nangyayari dito?" hindi namin pinansin ang nagtanong na si Sheen. Nagpatuloy lang ang pagtititigan namin ni Centrea. Inaantay ko rin ang sagot nya. Isang sagot sa katanungan na simula pagkabata ko'y lagi kong tanong. Na sana'y sya na ang makasagot.

Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyang magsalita si Centrea.

"H-how come? Isang tao lang ang tumatawag sakin ng Trea..." naguguluhang tanong nya.

"Anong pangalan nya?" kinakabahan kong tanong.

"What's going on? Bakit grabe yung tensyon dito?" lumapit na rin samin sila Kensho para alamin kung anong nangyayari.

"Stop, Kensho. Tumahimik muna kayo." pagpapatigil ni Centrea sa mga kaibigan. "What's his name?" muli itong tumigil na para bang napakasakit banggitin ng pangalang iyon.

"Its... CenCen. Ceondre Delov." dugtong nito na nagpaulit-ulit sa utak ko.

Its... CenCen. Ceondre Delov.

Its... CenCen. Ceondre Delov.

Its... CenCen. Ceondre Delov.

Its... CenCen. Ceondre Delov.

"I-It's me... Cencen." saad ko sa gitna ng gulat at kabang nararamdaman ko.

Tila parehas kaming napako sa kinatatayuan namin. Kita ko namang napatakip sa bibig nya si Trescent na narinig lahat ng pag-uusap namin.

Centrea Isabel's POV

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Siya si Cencen... Ang kaibigan ko dati na matagal ko nang hinahanap.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya ngayong kaharap ko na sya. Parang umurong ang dila ko at nablanko ang aking utak.

Bumabalik nanaman yung nangyari dati. It was my 7th birthday. At ang araw din na iniwan nya ako.

[ FLASHBACK ]

"Good morning, honey! Happy birthday!" bungad sakin ni Mom at Dad pagkagising na pagkagising ko.

"Maraming salamat po! Mahal na mahal ko po kayo!" I said as I hug them both.

"Tara na sa baba, nakahanda na yung mga pagkain." aya ni Mom at sabay na kaming bumabang tatlo.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakain ako. Excited na akong simulan ang araw ko.

"Bakit ang lawak ng ngiti mo ngayon, honey?" tanong sakin ni Dad. Pero imbes na sagutin ang tanong nya ay ako naman ang nagtanong ngayon.

"Pwede po ba akong pumunta kila Cencen pagtapos kong kumain?" tanong ko na agad naman nilang sinang-ayunan kaya dali-dali ko nang tinapos ang pagkain.

Pagtapos kong kumain ay naligo muna ako saglit. Mahirap na, baka asarin nanaman ako ng unggoy na yon na hindi ako naliligo. Tsk.

Matapos maligo ay nagpaalam na ako kila Mom at Dad na aalis na ako. Malapit lang naman ang bahay nila Cencen sa bahay namin. Magkapit-bahay lang kami actually. Mga limang bahay lang ang pumapagitna sa mga bahay namin.

Mabilis akong nakarating sa bahay nila at kumatok sa malaki nilang pintuan na lagi kong ginagawa kapag pumupunta ako dito. Ngunit labis nalang ang pagtataka ko nang wala pa ring sumasagot matapos ang ilang pagkatok ko.

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon