Chapter 10

17 2 0
                                    

Familiar Casting

Centrea Isabel's POV

"Inaantok pa ko." saad ni Wren habang humihikab. Hindi ko sya masisisi, maaga kaming pinapasok ni Sir ngayon dahil may gagawin daw kami. Ano nga ulit yon? Familiar Casting? Aish! Basta yun na yon!

"Magkagalit pa rin ba kayo ni Kensho?" napapitlag naman ako sa biglaang pagtatanong ni Trescent. Ito talagang babae na to, number one chismosa ng Class W.

"Napaka-chismosa mo rin eh, no? Tsaka wala naman akong pakealam kung galit ba sya sakin o ano. Dapat nga ako yung magalit eh. Dahil pinakealaman nya yung cellphone ko!" sabi ko naman. At ang baliw, tinawanan lang ako sabay paki-chismis naman sa iba.

"Tingnan mo si Kensho, nung nakaraan pa yan tulala. Mukha malalim yung iniisip. Pustahan nagseselos yan dun sa secret admirer mo." halatang nang-aasar tong Sheen na to dahil sa tono ng boses nya. At ang loko, ngumiti pa ng nakakaloko. Ayan, mukha na talaga syang loko-loko.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi nya? Ginawa nya lang yon kasi Class Representative natin sya. Walang iba." dire-diretsong paliwanag ko. Akala ko yun na yon, pero parang may kumurot sa puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Ano nga ba? Sa totoo lang, may pumapasok nang sagot sa utak ko. Pero hindi pa ako sigurado at hinding-hindi ko gugustuhing maging sigurado.

"Ayos ka lang, Centrea? Bakit namumula ka? Kinikilig ka– I mean, may sakit ka ba?" tanong ni Naomee. Napatingin naman samin yung iba naming kaklase at natawa dahil sa sinabi nya. Sige, iisipin ko nalang na concern sya sakin at hindi nya ako inaasar.

Pero ako? Mapula? Kinapa-kapa ko naman yung mukha ko na sana hindi ko na ginawa. Nakakahiya! Ang init nga ng mukha ko.

Yumuko nalang ako at dire-diretsong naglakad. Nilagpasan ko silang lahat nang hindi sila tinitingnan. Putspa naman oh!

"Ang ganda nya talaga, no?"

"Bakit sya lang mag-isa?"

"Oo nga. Laging magkasama yung mga estudyante sa Class W, diba?"

Ayan nanaman yung mga bulungan nilang hindi na matapos-tapos. Hindi lang nila alam, na halos maging kamatis na yung pagmumukha ko kanina. Hays. Ano bang nangyayari sakin?

Nakarating ako sa room at nandoon na rin si Sir. Napatingin pa sya sakin pagpasok ko at bumati.

"Bakit ikaw lang? Asan yung mga kaklase mo?" takang tanong nya. Kahit si Sir kasi alam na lagi kaming magkakasama. Halos hindi na nga kami nagkakahiwalay. Anong sasabihin ko kay Sir? Sasabihin ko bang halos magmukha na akong kumain ng isang dosenang sili kanina? Malamang hindi!

"Uhm, nauna lang po ako. Gumamit pa po kasi ako ng banyo kaya nagmadali na ako." palusot ko nalang. Tumango-tango naman sya sabay balik sa ginagawa nya.

Wala sa sariling nilibot ko ng tingin yung buong room. Ang daming gamit. Sobrang tahimik din na tanging papel na ginagalaw lang ni Sir yung maririnig. Ganto pala kapag wala yung mga kaklase ko? Sanay kasi ako sa parang jurassic na room na to eh.

Bumalik lang ang tingin ko sa harap nang bumukas ang pinto. Niluwa non ang mga kaklase kong tawanan nang tawanan. Nakita ko pang umupo sa harap ko si Kensho pero hindi ko nalang pinansin. Mahirap na.

"Gaya nga ng sinabi ko, magkakaroon kayo ng isa pang pagsusulit. Ito ay tinatawag na Familiar Casting. Ang Familiar ay isang nilalang na natutulog sa loob mo. Kaylangan mo itong gisingin dahil kapag nagtagal pa ito sa loob mo, maaari nitong angkinin ang katawan mo. Mababait sila, yes. Pero wala silang kontrol once na magising sila sa loob mo mismo." pinapaliwanag na ni Sir yung gagawin namin ngayon. Nakakatakot naman pala yang familiar na yan. Pero hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kayang familiar ko?

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon