Black Spinner
Krale Hanuncio's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Xenie kanina pagtawag nya. Si Xenie ay isa sa mga kaklase ko sa Class W dati. At Tracker ang ability nya.
Nagdikit sya ng kung ano dito sa sasakyan namin kaya kahit saan kami pumunta ay ma-ttrack nya kami pati na rin ang mga bagay na malapit samin. Hindi na nakakagulat na nagawa nya yon. Isa sya sa pinakamagaling na Support sa buong Mysticus after all.
Tapos ko na rin sabihin sa mga estudyante ko ang balita. Kita ko namang handa na sila anytime na umatake ang Mysticus na sinasabi ni Xenie.
"Gagamitin ko ang Illusion ko para walang madamay na mga normal na tao." napatingin naman ako sa katabing si Damien. Oo nga pala, Illusion ang ability nya.
"Go on. Doon sana sa malawak na lugar. Yung walang sasagabal." kita ko namang naguluhan sya sa sinabi ko, pero sinunod nya pa rin.
Kita ko ang pagliwanag ng mga mata nya bago ko naramdaman ang kakaibang sensasyon sa buong katawan ko. Hindi nagtagal ay huminto ang sinasakyan namin. At pagtingin ko sa labas, nasa isang malawak na lupain na kami. Walang kahit anong makikita sa paligid. Plain lang talaga, which is nice.
Bumaba na kami at ganon din naman ang ginawa ng mga estudyante ko. Pagbaba namin ay sumalubong samin ang apat na Black Spinner. Nakasuot ang mga ito ng isang blue na cloak. Mga Rank-A Black Spinner.
"Hayaan mo na ang mga estudyante ko sa kanila." sabi ko kay Damien nang makita kong naghahanda na sya.
"Nahihibang kana ba, Krale?! Kahit na Chosens sila ay hindi pa nila gamay ang mga abilidad nila! Apat na Rank-A Black Spinner ang kaharap natin ngayon!" sagot nito.
"Let them be. Malalaman mo rin kung bakit kapag nakipaglaban na sila." wala na itong nagawa bukod sa panuorin ang mga estudyante kong naghahanda na sa pag-atake.
"Dun tayo sa malayo." saad ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila.
"Bakit? Nababaliw kana ba talaga, Krale? Dapat andun tayo sa tabi nila para kapag may naagrabyado sa kanila!" saad din nito habang nakasunod sakin.
"Malalaman mo rin mamaya." bored na sagot ko nalang dito dahil sa sobrang ingay nya. Daig pa manok sa kakaputak.
Hindi naman sobrang layo ng pwesto namin. Kaya naririnig ko pa rin ang mga sinasabi nila.
Kita kong tinawag na ng apat na miyembro ng Black Spinner ang mga Familiar nila. Isang gagamba, ibon, paru-paro at leon. Hindi normal ang laki ng mga ito. Pero syempre hindi magpapatinag ang mga estudyante ko.
"Maiintindihan ko kung tatakbo na kayo ngayon." saad nung isang lalaking may-ari nung leon.
"Ano yang mga yan? Ipis?" saad naman ni Mirko.
"Anong sabi–" naputol ang sasabihin nito ng sabay-sabay nilang tawagin ang mga Familiar nila.
"Abraxas!"
"Leif!"
"Corvina!"
"Keres!"
"Syera!"
"Galen!"
"Frost!"
"Prue!"
"Aeris!"
"Zared!"
Kasabay non ang pag-ilaw ng paligid. Parang nagkaroon ng isang rainbow dahil sa nagsama-samang kulay na nanggaling sa mga Familiar nila.
BINABASA MO ANG
Class W
FantasyMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...