Chapter 8

19 2 0
                                        

The Not So Old Students

Krale Hanuncio's POV

"This kid. He is something." sabi ni Tobi habang nakatingin sa isang malaking screen.

"Ilang beses mo na yang sinabi, Tobi?" naiiling na sabi naman ni Flaire na ikinatawa naming lahat na nandito sa isang silid.

Kasama ko na ngayon ang mga ka-batch ko dati. We're currently watching my students doing their individual training.

"What is her name again?" tanong ni Jake sakin.

"Ice, Ice Hearst. As you can see, isa syang Ice Manipulator. Bagay sa pangalan nya, isn't?" bahagya akong tumawa na sinabayan naman nila.

"Ako na ang magtuturo sa kanya." seryosong sabi ni Aqua habang naka-cross leg.

"Oo, bagay kayong dalawa magsama! Aqua na Water Manipulator at Ice na Ice Manipulator!" at ayun nga, nagtawanan nanaman kaming lahat habang nagpapatayan na si Aqua at Kip.

"G-guys..." pagtawag samin ni Ven na nakatingin ngayon sa screen. Bakas ang pagkagulat sa mukha nya kaya dinako agad namin ang tingin namin sa tinitingnan nya.

At ngayon nga ay hindi nalang si Ven ang nagulat. Lahat kami ngayon ay naka-awang ang mga bibig at gulat na gulat na nakatitig sa malaking screen sa harapan namin.

Nahahati sa sampu yung malaking screen at pinapakita non ang sampung estudyante ko. Bawat isa sa kanila ay naglalabas ng liwanag sa katawan na mukhang hindi nila napapansin.

Nagkatinginan kaming sampu dito sa silid. Alam kong isa lang ang nasa isip namin ngayon. Pero imposible. Sana naramdaman ko na yon nung una pa lang. Naguguluhan ako.

"Ngayon ko lang din nakita yan. Dapat nung una palang naramdaman at nangyari na yan sa kanila kung Rank-S Mysticus talaga sila." sabi ko.

"Nakapag-test na ba sila para malaman kung anong rank nila?" tanong ni Ven. Umiling naman ako. Balak ko sanang gawin yon kapag about doon na yung topic namin.

"Pagtapos nilang mag training, tawagin mo silang lahat. Papuntahin mo sila sa classroom. Doon nalang natin gawin ang test." sabi naman ni Ensy habang inaayos ang salamin nya.

Oo nga pala, nahahati kasi ang mga Mysticus sa ibat-ibang ranggo. Rank-C na pinakamababa, Rank-B na sunod sa pinakamababa, Rank-A na tinuturing nang malakas at ang Rank-S na bihira lang makita. Sa ngayon ay Rank-A na kaming lahat na nandito. Madalas na mga Rank-A din ang ipatawag para gumawa ng mga imbestigasyon at umaksyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Maya-maya ay nagsilabasan na silang lahat. Pinaderetso ko na rin sila sa classroom tulad ng napag-usapan namin dito. Tumayo na rin kaming sampu at nag-umpisa nang maglakad papunta sa silid ng Class W.

"Namiss ko talaga dito! Parang dati lang nasubsob pa rito si Tiara, diba? Naaalala nyo pa? Hahaha!" tumawa ng pagkalakas-lakas si Xenie. Sinamaan naman sya ng tingin ni Tiara at alam na namin ang susunod nyang sasabihin.

"Gusto mong gawin kitang unggoy, ha?!" nananakot nanaman sya. Wala talaga kaming laban sa kanya kapag nanakot na sya ng ganyan. She's a Shape Shifter after all. Kaya nyang baguhin lahat ng anyo– mapa-bagay man o tao. And of course, she can transform herself too.

"Tama na yan. Ano nalang ang iisipin ng mga estudyante ko kapag nakita nila tayong ganito? Baka isipin nilang mas baliw pa tayo kesa sakanila." sabi ko. Tumigil na rin naman sila at tahimik nang naglakad.

Centrea Isabel's POV

Nakarating na kami sa classroom dahil sabi ni Sir ay dito nalang kami dumiretso. Sobrang dami nanamang pagkain sa isang malaking lamesa. Pero ang nakaagaw ng pansin namin ay yung isa pang lamesa na puno rin ng pagkain. Papatabain ba kami ni Sir? Yung totoo?

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon