Chapter 9

18 2 0
                                    

The Chosen

Centrea Isabel's POV

Andito kami ngayon sa library namin. Oo, library namin. Sosyal diba? Well, Class W...

Napagpasyahan kasi naming magpalipas ng oras dito tutal wala rin naman kaming ginagawa. Busy si Sir at hindi namin alam kung anong ginagawa nya. Nung nakaraang araw pa sya busy, simula nung gawin namin yung test na yun.

Hindi pa rin namin natatanong sa kanya kung anong rank namin. Hindi kasi sya busy na may ginagawa lang. Wala talaga sya sa room at kahit na sa school kaya hindi namin matanong. Yung mga kasama nya sana kaso hindi pa bumabalik simula nung nakaraan pa.

"Guys! Guys! Look!" nakuha ni Wren ang atensyon naming lahat. Sabay-sabay kaming nagsitayuan at lumapit sa kanya. Hawak nya ang isang malaking libro na kasalukuyang nakabuklat. Nang makalapit kami ay agad kaming nagkumpulan sa tabi nya.

"Ano ba yan?" takang tanong ko.

"May nabasa kasi ako tungkol sa rank ng mga Mysticus. At may naiiba don na hindi nabanggit satin nila Sir." hinarap nya samin yung libro. Nakabuklat ito at may kung ano-anong nakasulat dito. Pero ang umagawa sa atensyon ko ay yung nakasulat sa itaas. The Chosen.

The Chosen? Ano naman yon?

"Sabi dito, ang mga kabilang daw sa The Chosen ay yung mga pinakamalalakas. Maliit lang daw yung tyansa na mapasama ang isang Mysticus doon. At kung kabilang ka naman daw don, agad kang kukunin ng mga nakakataas at sila na ang mangangalaga sayo hanggang sa masanay at matuto kang gamitin ang ability mo." paliwanag ni Wren.

May ganon pala? Bakit hindi nabanggit nila Sir samin yon? Baka dahil wala naman kaming tyansa na mapasama don. Baka nga.

"Para malaman na isang Chosen ang isang Mysticus, kaylangan nyang dumaan sa isang pagsubok– ang paghawak sa Heart Crystal." napatingin kaming lahat kay Kensho na ngayon ay binabasa yung kung anong nakasulat sa libro. Bahagya pa syang natigilan at mukhang nagtaka bago ituloy ang pagbabasa. "Kapag umilaw ang Kristal na Puso, kumpirmadong isa sya sa The Chosen. Pula, asul, dilaw, berde, lila at iba pa." pagtutuloy nya sa binabasa.

Kapag umilaw? Eh umilaw yung samin ah! Ibig bang sabihin...

"Sabi rin dito na malalaman naman daw ang ranggo ng isang Mysticus kapag naging letra ang laman na nasa loob ng Heart Crystal. A para sa Rank-A, B para sa Rank-B, C para sa Rank-C at S para sa Rank-S." si Trescent naman yung nagsalita. Marami pa silang pinaliwanag. Tulad nang meron pa raw na mas mataas na ranggo sa Rank-S bukod sa The Chosen. Pero mas mataas pa rin daw ang The Chosen.

Ilang oras na rin kaming naka-tengga rito sa library. Hindi naman kami nagbabasa. Sadyang nakatunganga lang kaming lahat at nakatitig sa kawalan.

Matapos kasi naming pag-usapan yung tungkol sa The Chosen na yon, hindi na ulit kami nagsalita pa. Mas pinili naming manahimik at magmuni-muni. Iniisip ko rin ngayon kung paano kung kabilang nga kami sa The Chosen. Pero lahat kami naguguluhan. Una, dahil bakit hindi samin sinabi ni Sir. Alam naming may alam sya. At pangalawa, naguguluhan kami sa mga sarili namin. Kung sino nga ba kami.

Biglang tumunog yung mga cellphone namin na bumasag sa nakabibinging katahimikan. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tiningnan ko ano yon. Isang text... Galing kay Sir. Hanuncio! Dali-dali kong binuksan yung laman nung text message.

From: Sir. Hanuncio.

Bukas andyan na ako sa school. Alam kong marami kayong tanong sakin at handa akong sagutin lahat ng yon. Just wait for me. Behave, okay? Binabantayan kayo ni Mrs. Pentoliscia.

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon