Unexpected Event
Centrea Isabel's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. At ngayon nga ay magkakasama kaming sampu dito sa classroom– nag-pplano ng mga gagawin namin mamaya.
"Ano nga ulit yung mga games?" tanong ni Mirko.
Tumingin naman si Kensho sa hawak na papel. "Quizbee, Bring Me, Tennis, Sumo and Puzzles." sabi nya.
"Arrange na natin kung saan tayo para hindi na magulo mamaya." suhestiyon ni Naomee.
"Okay, okay. So, sinong gusto sa Quizbee?" tanong ni Kensho. Nagtaas naman ng kamay si Naomee at Mirko.
"Kami nalang ni Wren sa Bring Me." pag-pprisinta ni Pareo.
"Tennis na satin Trescent. Ayos lang ba?" sumang-ayos naman si Trescent sa sinabi ni Dos.
"Kami na ni Sheen sa Sumo. Aabot sila sa labas ng academy, pramis!" natawa naman kami kay Ice. Kahit kelan talaga tong babae na to.
"So, tayo na Centrea?" tanong ni Kensho. Huh?! Kami na daw?!
Nagulat naman yung mga kasama namin pati na rin si Kensho. At nung makarecover sa pagkakagulat ay humagalpak naman sila ng tawa.
"Kelan ka pa nangligaw kay Centrea, pre? Bakit hindi namin alam?" tawang-tawa si Dos nung tanungin nya si Kensho.
"Mali, mali! Ang ibig kong sabihin, kung kami na sa Puzzles!" depensa naman agad ni Kensho. Hindi rin sya makatingin samin dahil siguro sa kahihiyan. Hahaha! Desurv.
"Ten seconds na umasa si Centrea. Aray. Ayos lang yan, Centrea. Cheer up!" hinagod-hagod pa ni Trescent yung likod ko. Mga wala talagang magawa sa buhay!
"Baka gusto nyong bumaba na tayo, no? Konti nalang talaga matitiris ko na kayo!" sabi ko. As usual, tinawanan nanaman nila ako pero sumang-ayon din naman sila sa sinabi ko.
Papunta na nga kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang event nang may biglang humarang samin. Isang grupo ng estudyante ang nasa harapan namin ngayon. Labing-isa sila, babae at lalaki.
"Oh, what a coincidence, Class W." mataray na sabi nung isang babae. Anong problema nya?
"Hindi dapat W eh. T dapat, para Trash!" sabi naman nung isa pang babae na katabi nya. Nagtawanan naman yung mga kasama nila.
"Tara na. Wala tayong panahon para makipagtalo sa mga LOW CLASS na to." biglang sabi ni Pareo. Natawa naman kami kasi inemphasize nya talaga yung word na 'low class'.
"Anong sinab–" magsasalita pa sana yung isang lalaki kaso sumabat bigla si Wren.
"Totoo naman ah. Mga LOW CLASS lang kayo. Bakit, naiinggit ba kayo samin? Kasi kami nakapasa, at kayo? Syempre hindi. Hahaha! Nakakatawa." go Wren! Ipunta mo sila sa galaxy!
"Enough. Tara na." biglang nagsalita si Kensho. Nakakatakot yung tono ng boses nya. Legit mga beh!
At gaya ng sinabi ni Kensho, nagsimula na nga ulit kaming maglakad papunta sa gymnasium. Hindi naman na nakapagsalita pa ulit yung mga mukhang ewan na humarang samin.
At sa wakas, nakarating na rin kami sa pagkalaki-laking gymnasium na to nang walang humaharang o ano. Natapos na rin magsalita si Principal Pentoliscia nung pagkarating namin kaya naghiwa-hiwalay na rin kami.
Magkasama kami ni Kensho na pumunta sa isang parte ng gymnasium kung saan gaganapin ang laro na nakaatas samin. Inaasar pa nga kami nung walo kanina pero inirapan lang sila ni Kensho. Attitude din to eh.
Nung makompleto na kami, nagsimula na rin ang laro. Kaylangan lang namin buuhin at ayusin yung napakalaking puzzle na to. At kapag sinabi kong malaki, malaki talaga as in!
BINABASA MO ANG
Class W
FantasyMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...