Truth and Revelations
Centrea Isabel's POV
Days passed. At ngayon nga ay naghahanda na ako para sa unang araw ng pasukan sa Milter Academy. Hindi pa naman ako late pero nagmamadali ako. Ayaw kong ma-late sa unang araw ng pasukan. Lalo na't kabilang ako sa Class W.
Tapos naman na kong kumain kaya pag-alis nalang ang aalalahanin ko. Pagbaba ko ay nag-aantay na pala si Papa sakin sa baba. Ihahatid nya daw kasi ako. Nakailang tanggi pa nga ako pero sobrang kulit talaga nila kaya ayun, wala na akong nagawa.
Suot ko yung uniform na bigay sakin nung nakaraan lang. May staff kasi na pumunta dito at may binigay na kahon at mga gamit ko yung laman non. Uniform lang naman yon at kung ano-ano pang school supplies. Yung book daw eh ngayong first day of school pa makukuha.
Napansin ko din na iba yung kulay ng uniform namin sa normal na estudyante sa Milter Academy. Oh pak, normal daw. Ano kami? Abnormal? Hahaha!
Kulay green na may gold linings kasi yung uniform na binigay sakin. At ang alam ko'y kulay grey na may black yung uniform ng mga estudyante sa Milter Academy.
"Andito na tayo, anak." sabi ni Papa. Andito na nga kami sa parking lot ng Milter Academy. Hindi ko manlang namalayan.
"Galingan mo anak, ha? Alam naming kaya mo yan!" pagpapalakas ni Mama ng loob ko. I just smiled at them at nagpaalam na ko sa kanila.
Paglabas ko ay agad na napako ang mga tingin sakin ng ibang estudyanteng nakikita ako. They're all looking at my uniform. Gulat at pagkamangha ang makikita sa mga mukha nila.
"Nakapasa sya sa Class W. How lucky she is!" rinig kong sabi nung isa sa kaibigan nya.
Hindi ko nalang sila pinansin. I'm actually proud of it. Bakit naman ako mahihiya? Sobrang laking achievement kaya kapag nakapasok ka sa Class W. Tapos mahihiya ka lang? Duh.
"Students of Class W are really intimidating. Tingnan mo nga sya oh, nakakatakot lapitan." napailing-iling nalang ako. Hindi sila natatakot sakin mismo. Natatakot sila kasi parte ako ng Class W.
"May nakita rin ako kaninang mga estudyanteng parte ng Class W. Grabe sila, ang aastig nila tingnan!" hindi ko nalang pinansin yung bulungan ng mga estudyanteng nakakasalubong ko at hinanap nalang yung building namin.
Yes, may sarili kaming building. Hiwalay ang building ng Class W sa lahat ng building dito sa Milter Academy. Astig diba?
Makalipas ang ilang minutong pag-iikot ay kaharap ko na ngayon ang isang pinto. Nagdadalawang isip kung pipihitin ko ba ang doorknob o hindi. Kanina ko pa tinititigan ang kabuuan ng pinto at kanina pa rin ako manghang-mangha. Kulay ginto ito at halatang mamahalin dahil sa mga muwebles na nakadikit at nakaukit dito.
Maya-maya ay naisipan ko nang buksan ang pinto at pumasok. Wala namang mawawala, diba? Hindi naman siguro to portal papuntang kalawakan. Hahaha.
Isa. Dalawa. Tat–
"Give back my fucking towel!" naputol ang pagbibilang ko nang marinig ang isang sigaw.
Nakapasok na pala ako.
Biglang tumahimik sa buong silid. Lahat sila nakatingin sakin.
"Hi, good morning." awkward na bati ko sakanila.
Hindi naman nila ako pinansin at nanatiling tahimik na nakatingin sakin. Nang hindi ko na talaga matiis ang pagtitig nila, dali-dali akong naglakad papunta sa bandang likuran ng classroom.
Agad akong umupo sa bakanteng upuan sa may pinakalikuran. Muling nanumbalik ang ingay sa loob ng silid at nagkanya-kanya nanaman sila ng mga gawa. May mga nagb-brainstorming, merong naghahabulan, may mga nagdadaldalan at mayroon ding prente lang na nakaupo at tahimik na nakikinig sa paligid.
BINABASA MO ANG
Class W
FantasíaMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...