Centrea Isabel's POV
Rinig ko na ang ingay ng mga babaeng kasama ko dito sa kwarto. Kanina pa nila ako ginigising pero heto pa rin ako at nakahilata dito sa kama. Inaantok pa rin kasi ako. Pano ba naman, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Or should I say hindi talaga ako nakatulog.
Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip ko yung nangyari kagabi. At kahit anong gawin kong pagtataboy dito, hindi maalis-alis. Mana ata kay Kensho na matigas ang ulo.
"Hoy, Centrea! May balak ka bang tumayo dyan o ano? Baka gusto mong mga patay pa ang magpabangon sayo dyan?" rinig kong pagtawag sakin ni Trescent. Kumilos lang ako ng konti at nagpatuloy sa pagbibingi-bingihan.
"Ikalma mo, Tres. Ako nang bahala." rinig kong sabi ni Ice at mukhang alam ko na ang binabalak nya.
Nakumpirma ko nga ang hinala ko nang maya-maya ay bigla nalang lumamig sa buong silid. Kahit sila Naomee ay nagreklamo rin sa sobrang lamig.
"Oo na! Oo na! Tatayo na nga! Itigil mo na yang ginagawa mo Ice!" reklamo ko dito habang nanginginig na tumatayo dahil sa lamig. Naka sando lang pati ako ngayon!
"Tatayo rin pala, dami pang arte. Hahaha!" saad ni Ice at naramdaman ko na ulit ang pagbalik ng normal na temperature ng kwarto.
"Hindi ako nag-iinarte, no! Ikaw kaya–" napatigil ako bigla sa pagsasalita nang marealize ko kung ano ang susunod na lalabas sana sa bibig ko. Gosh, Centrea! Umayos ka nga!
"Ikaw kaya?" panunukso ni Pareo. Nakisali na rin ang iba pang babae dito sa kwarto kaya dali-dali nakong lumabas.
Ang aga-aga grabe mga makaasar! Hindi na nga nakatulog ng maayos kagabi. Psh!
"Good morning, Centrea. Asan yung mga babae?" bati sakin ni Sir.
"Nasa kwarto pa po. Yung mga lalaki po ba, hindi pa gising?" balik kong tanong dito. Kami palang kasi ni Sir ang nandito sa kusina.
"Kanina pa sila gising. Ang aaga ngang gumising eh. Andun pala sila sa likod ng bahay, pinagsibak ko ng kahoy para naman ma-exercise yung mga katawan nila." tumango-tango nalang ako at ininom yung kapeng nasa mesa. Mukhang wala namang may-ari dahil hindi pa nababawasan.
"Oh, that is Kensho's." halos maibuga ko ang kape na nasa bibig ko dahil sa biglaang sinabi ni Sir.
"Sir naman! Bakit hindi mo agad sinabi?" pagmamaktol ko dito at natawa lang naman sya sa sinabi ko.
"Grabe yang boses mo, Centrea, ang aga-aga!" rinig kong saad ni Wren. Pumasok sya sa kusina kasama ang iba pang mga lalaki. Ilang minuto rin pagtapos non ay pumasok na rin yung mga babae. Ngayon nga ay kumpleto na kaming nakaupo ngayon sa mahabang lamesa.
"Bakit parang may awkward moments kayo? Mind sharing it to me?" pagbasag ni Sir sa nakabibinging katahimikan na bumabalot sa buong kusina.
Si Sheen ang sumagot kay Sir. "Si Kensho at Centrea, Sir. May something off po sakanila."
"Wtf, Sheen? You're a traitor! I told you na wag sabihin sa iba, diba? Sainyo ko nga lang mga lalaki sinabi." rinig naming bulong ni Kensho sa katabing lalaki.
I saw the girls gasped and cover their mouth in shock. Hindi sila makapaniwalang nakatingin saming dalawa ni Kensho. Napayuko nalang ako dahil sa nararamdamang hiya. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa mukha ko.
"We'll talk about that later. For now, ang ibibigay ko munang pagsusulit sainyo ang pag-uusapan natin." saad ni Sir. Hoo! Buti nalang talaga!
Nabalot ng katahimikan ang buong kusina bago muling magsalita si Sir. "Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Ang gagawin nyo lang ay kaylangan nyong agawin ang ibibigay kong flag ng bawat grupo at dalahin ito sakin. Pero hindi ito basta-basta. Dahil magtatago ako at kayo ang bahalang humanap saakin para maibigay sakin ang flag."
![](https://img.wattpad.com/cover/326806694-288-k325698.jpg)
BINABASA MO ANG
Class W
FantasyMarami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto ang kanyang malalaman. Kung bakit sila mas natututukan. Kung bakit animo'y mas nakakaangat sila sa iba...