Chapter 12

20 2 2
                                    

Ice Hearst's Icy Past

Ice Hearst's POV

"H-hindi kita kaylangan." bulong ko. Sobrang sakit para sakin ang sabihin yan. Lalo na nang marinig ko ang sagot ng Familiar ko.

"M-masusunod, Master." sagot nito na halos ikadurog ng puso ko. Mahahalata ang lungkot at sakit sa boses nito na lalong ikinasikip ng dibdib ko. Masyadong masakit.

"Stop! Stay here." napatingin naman ako kay Sir nang pigilan nya sa pag-alis ang Familiar kong isang Yeti. Katabi nya na rin ang mga kaklase kong nag-aalalang nakatingin sakin.

Sobrang saya ko dahil nakita ko na ang Familiar ko, sa totoo lang. At excited na excited pa akong ipakilala sya kanina sa mga kaklase ko pati na rin kay Sir at sa mga kaibigan nito, lalo na kay Ate Aqua.

Pero nagbago lahat ng yon nang bigla ko nanamang maalala ang ala-alang pilit ko nang ibinabaon. Ala-alang ilang taon din akong hindi minulto. Ala-alang akala ko'y lubos ko nang nakalimutan. Pero heto ngayon, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. At wala manlang akong magawa para pigilan ito.

[ FLASHBACK ]

"Ang ganda naman po dito, Mommy!" masiglang sabi ko kay Mom pagkababa ko ng kotse. Naiwan naman si Dad sa loob para asikasuhin yung mga dala namin.

Andito kami ngayon sa isang lugar sa Canada. Ito kasi ang napili kong lugar dahil sa mayroong snow dito. At dahil nag-iisang anak nila Mom at Dad, agad-agad kaming pumunta dito pagkasabi na pagkasabi ko sa kanila nito.

Perks of being only child. Hehehe!

"Anak, gusto mong mag-snowboarding tayo mamaya?" masayang tanong sakin ni Dad. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon. At sobrang saya ko talaga nang marinig yon!

"Talaga po?! Sige po! Sige po!" masiglang sagot ko kay Dad. Napatawa naman ng bahagya si Mom habang umiling-iling.

"Sasama ako." sabi naman ni Mom. Lalo naman akong natuwa dahil don.

"Sus, ayaw mo lang mahiwalay sakin eh. Bakit? Mamimiss mo ba agad ang kagwapuhan ko, Hon?" nakangising tanong ni Dad kay Mom.

"Naramdaman mo, anak?" tanong sakin ni Mom. Nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin nya kaya umiling nalang ako.

"Parang mas lumamig dito sa kwarto. Dahil ata sa kahanginan ng Daddy mo." pagtutuloy nito na ikinasimangot ni Daddy. Kahit kelan talaga, parang mga bata tong mga magulang ko.

"Totoo naman, ah? Hindi ako ang sasagutin mo sa sandamakmak na nanligaw sayo noon kung hindi ako ang pinakagwapo." at nauwi nanaman sa pag-alala nila ng kanilang nakaraan ang away nila.

"Ayusin mo yung helmet mo, Ice. Baka mamaya mapano ka nyan." sabi ni Mom sabay ayos sa helmet ko. Meganon? Ayusin ko daw tapos sya rin naman yung nag-ayos.

"Ready kana ba, anak?" tanong naman ni Dad habang inaayos din ang kung ano sa suot nya na para daw sa safety namin.

"Yes po, Daddy! Excited na nga po ako!" sagot ko dito. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Excitement, kaba, takot at saya. Basta mix feelings!

"Basta wag kang lalayo sa pwesto namin, okay?" bilin pa sakin ni Mom bago kami magsimula. Tumango lang naman ako dito at ngumiti. Excited na talaga ako!

At nagsimula na nga kaming mag snowboarding. At gaya rin ng bilin nila Mom at Dad, hindi ako lumalayo sa pwesto nila. Hindi naman nako nahirapan dahil hindi ito ang first time kong mag snowboarding. Ginawa na rin namin to dati nila Dad, pero matagal na panahon na yon.

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata nila Mom at Dad habang magkatabi silang pumapadausdos sa snow. At ramdam ko rin na bahagya nakong nahuhuli sa kanila kaya sinubukan kong bilisan pero hindi ko napansin ang isang putol na kahoy na nakaharang sa daraanan ko.

Class WTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon