Xifer
''Lumayas kayo dito!!''
Sigaw ng tita ko.Nakikitira lang kami dito kila tita pero ngayong nag away sila ni mama baka wala na kaming matirahan.
''Lalayas kami oo!!'' Sigaw ni mama.
''Ma tama na!'' I said at hinawakan sya dahil akmang sasampalin nya na si tita.
''Xifer mag ayos ka na ng mga gamit mo aalis na tayo!!'' Sigaw ni mama.
''Oo umalis na kayo layas!!'' Sigaw ni tita pabalik.
''Oo lalayas talaga kami!!'' Sigaw ni mama at pumunta na sa kwarto para mag impake.
Wala naman akong choice eh ide nagimpake na rin ako. Hanggang sa matapos na rin akong magimpake.
''Xifer tara na!!'' Sigaw ni mama.
''Opo pababa na'' Sabi ko.Binuhat ko na ang bag na pinaglagyan ng gamit ko at bumaba na.
''Yan lumayas kayo!!'' Sigaw ni tita. Hindi nalang nagsalita si mama at hinila na ako palabas sa bahay ni tita.
Pinagtitinginan kami noong nakalabas na kami sa bahay,hindi nalang namin sila pinansin ni mama.
Pumara na si mama ng traysikel.
''Ma san tayo pupunta?'' Tanong ko kay mama nang makasakay na kami.
''May kakilala akong kaibigan pwede siguro nya tayong patirahin sa bahay nya kahit sandali lang hanggang makahanap tayo ng mauupahan.'' Sabi ni mama.Tumango naman ako.
Nakarating kami dito sa isang bahay, di kalayuan samin.Hindi ito masyadong malaki,di rin maliit,sakto lang simple.Nag doorbell naman na si mama.Di nagtagal may lumabas na babae nasa mga early 40's na ito kasing edad siguro ni mama.
''Oh Emma anong ginagawa mo dito?'' Tanong nung babae.
''Maureen pwede bang dito muna kami tumira ng anak ko hanggang sa makahanap kami ng matitirahan? pinalayas kasi kami sa bahay eh.'' Sabi ni mama.
Tinignan ako nung babae nang may pagtataka at unti unti itong napalitan nang gulat.
''Sige dito muna kayo.'' Tumingin sya kay mama saka tumingin sakin.
''Anlaki mo na ah!siguradong di mo na ako kilala ako si tita Maureen mo pero tita Mau nalang ang itawag mo akin'' Sabi nito at ngumiti.
''Sige po.'' Sabi ko at nginitian sya pabalik.Tumingin sya kay mama.
''Pwede ba tayong magusap?'' Tanong nito kay mama.
''Sige.'' Sabi ni mama at tumingin sakin.
''Mauna ka na Xifer sa loob'' sabi nya at ngumiti.Tumango naman ako.
Binuhat ko na ang mga gamit namin sa loob at umupo sa sofa nila sa sala, hinintay ko lang sila hanggang matapos silang magusap.
______
Yaji
''Boss pinalayas po sila Sir Xifer'' Natigilan naman ako sa pagsisigarilyo dahil sa sinabi ng tauhan ko.
I put down my cigarette at tumingin sa tauhan ko na inutusan kong bantayan sila Xifer.
''Why?how dare them!?'' I said getting angry.
How dare them!!
''Nagaway yung tita at nanay ni Sir Xifer boss kaya sila pinalayas.'' Sabi nito.Kinuha ko ang sigarilyo at tinapon sa sahig atsaka tinapakan. Pinakalma ko muna ang sarili bago magsalita ulit.
''Asan na sila Xifer ngayon?'' I asked
''Nasa bahay po ng kakilala ng mama nya.'' Sabi nito.
''Hmm put hidden camera there.Mas lalo na sa magiging kwarto ni Xifer. Gawan nyo nang paraan kung paano.'' Utos ko. Maglalakad na sana sila paalis nang magsalita ulit ako.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU DANGEROUSLY (FUENTEZ SERIES 1)
RomanceYaji Vinah Trillez is a mafia queen who's been OBSESSED to Xifer Lucas Fuentez at the long period of time Until she have the opportunity to be with Xifer But is she ready to sacrifice it all for Xifer? Started:November 13, 2022 Ended:January 14, 2023