CHAPTER 2

101 53 1
                                    

Xifer

''Xifer ito yung sweldo mo''

Sabi ni boss.Inabot nya sakin ang limang daang sweldo ko ngayong linggo.

''Salamat boss!'' I said,nginitian ko ito ngumiti naman din ito pabalik.

Andito ako sa pinapagawang bahay dito sa bayan para magtrabaho.Tapos na ang trabaho ngayong araw bukas na naman. Magtatakip silim na rin kaya kinuha ko na ang nga gamit ko at nagpaalam na bago umuwi.

Dumaan muna ako sa bayan para bumili ng ulam namin mamaya. Iilan nalang ang nagtitinda nang makarating ako. Ayaw ko naman na magluto si mama o kaya si tita Mau kaya naisipan ko nalang bumili ng lutong ulam.

Mahigit isang linggo na rin kami sa bahay ni tita Mau at pinakilala nya kami sa mga taga doon kaya karamihan sa mga taga doon kilala ko na.

''Ate magkano po ito?'' Tanong ko at itinuro ang adobong manok.

''40 isang serving.'' Sabi nito.

''Pabili po ako,Tatlong serving po.'' Sabi ko at inabot na sa kanya ang pera.Kinuha nya ito at sinuklian ako bago ayusin ang order ko.

Matapos ibigay sakin ni ate ang order ko pumunta na ako sa sakayan ng jeep at sumakay na.

Nang makarating na ko sa paloob sa amin pumara na ako. Hindi na kasi pinapasok nang mga jeepney driver ang jeep sa mga papasok katulad nang sa amin malamang. Kaya naglakad nalang ako. Wala ng mga tao dito sa labas baka nagsilooban na madilim na kasi.

Habang naglalakad nakita kong may bumubulong ng tulong. Hindi naman ako natakot na multo ito,alam kung hindi ito multo dahil nakita ko ang mga babaeng nakahandusay at ang isa na humihingi ng tulong ay hawak ang pamilyar na cellphone na nakabukas nagsisilbing liwanag sa madilim na parte ng kalsada.

Kita pa rin naman sila, pero hindi kita ang mga mukha natatakpan ito ng kanilang buhok ngunit malalaman mo na yung humihingi nalang ng tulong ang buhay, dahil ang katabi nito ay hindi na gumagalaw o humihingi man lang ng tulong.

Pinuntahan ko agad ang babae at gulat na nabitawan ang dala kong ulam dahil pamilyar din ang damit nito...

Dali dali kong binaba ang bag ko sa tabi at dali dali akong lumapit hinarap ko ito sa akin at di ako nagkakamali..

Si mama puno ng dugo kasama si tita Mau na... na wala nang buhay sa tabi nya.

''Ma..'' Naiiyak kong sabi.

''Xifer anak..'' Nanghihina na sabi ni mama .

''Ma idadala ko po kayo sa ospital.'' Sabi ko at akmang bubuhatin na si mama pero pinigilan nya ko.

''Xifer wag na nak'' Umiiyak nyang hinawakan ang mga pisnge ko.

''Hindi na rin ako a-abot hiling ko lang m-mag iingat k-ka.'' Sabi nito mas rumarami ang dugong lumalabas sa kanyang bibig.

''Tulong!!'' Sigaw ko

''M-ma ano bang sinasabi nyo mabubuhay po kayo'' Umiiyak kong sabi

''N-nak ha-hanapin mo...'' Nginitian nya ako bago magsalita muli.

''Ang mga tunay mong magulang'' Huling hiling nito bago tuluyang nawalan ng hininga.

''Ma!!'' Yinakap ko ito.

''Mama ko...'' Umiiyak kong sabi at hinigpitan ang yakap sa kanya saka hinalikan ang kanyang noo.

''Mama!!'' Sigaw ko habang umiiyak nasa bisig si mama.

Nagsimulang magsilabasan ang mga tao at nagbukasan nang sarili sarili nilang flashlight at lumapit samin. Laking gulat nila nang makita ang mga nakahandusay na bangkay sa harap ko si mama at si tita Mau lumapit ang ilan sakin pinapatahan ako ang iba naman ay walang magawa kundi yumuko,malungkot at tignan ako.

LOVING YOU DANGEROUSLY (FUENTEZ SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon