CHAPTER 8

65 39 0
                                    

Xifer

''Sakay pa tayo ng rides?''

Nakangising tanong ni Yaji habang nakahawak sa braso ko.

Andito kami naglalakad papunta sa karinderya dahil bigla nalang nitong sinabing gutom na daw sya, kaya kakain na kami pero ngayon gusto pa atang sumakay ng rides.

''Kakain ba tayo o mag ri rides?'' Taas kilay na tanong ko sa kanya.

''Sabi nga kakain.'' She said.

Nang makarating kami sa isang karinderya nag order na ako ng pagkain. Mamaya maya lang dumating na rin ang inorder ko.

''Mamayang alas otso may fireworks'' Sabi ko. She nodded and smiled.

ANO BA!

WAG KA NGINGITI!

KAINIS NAMAN TOH!

Nagsimula naman na itong kumain. Nang matapos na kaming kumain inaya ko na sya sa field para dun panoorin ang fireworks dahil malapit na ring mag alas otso.

''Upo ka'' Sabi ko at umupo sa damuhan na siyang ginawa nya rin.

''May kwento ako.'' Biglaang sabi nito.

''Ano?'' Tanong ko. I look at her.

TANGINA.

Ang ganda nya.

Mas lalo na't hinahangin ang kanyang buhok.

''Do you believe that someone can sacrifice all that she or he have for someone they love?'' Tanong nito.

''Sa tingin ko oo kayang isakripisyo ng isang tao ang lahat lahat para lang sa kanilang mahal.'' I said at tumingin sa mga bituin sa langit.

''Pano kung may nagmamahal sayo at hindi mo alam papayag ka ba na isakripisyo nya ang lahat para sayo?'' Tanong nito.

''Hindi ayaw kong mawala ang lahat nang meron sya.'' I said at ngumiti.

''Kahit pa masaktan ka?'' Tanong nito.

''Oo ayaw kong mahirapan sya dahil sakin,mas gugustohin ko pang masaktan kaysa may masaktan ng dahil sakin.'' Sabi ko at tumingin sa kanya. She just nodded.

''Bakit nga ba natin pinaguusapan toh?'' I asked.

''Wala lang.'' She said.

Segundo lang nagsimula na ang fireworks.

''Ang ganda diba?'' Tanong ko rito.

''Oo ang ganda.'' Sabi nito at ngumiti.

''Alam mo noong bata ako palagi akong sinasama ni mama sa bayan para manood ng ganto.'' I said at tinignan sya.

''I didn't experience that.'' Malungkot na sabi nya.

''Pasensya na,pero atleast andito ako na kasama mong manood.'' I said trying to make her feelings better.

Pinanood lang naman ito hanggang matapos.

''Dito ka lang bibili ako ng maiinom.'' Sabi ko dito at tumayo na.

Nang malapit na akong makarating sa bilihan may nanghila bigla nalang nanghila sakin.

''TANGINA!Sino ka?!'' Sigaw ko.Tinignan ko siya pero naka mask ito. Alam kong sya ang bumulong sakin at alam ko ring may alam sya sa mga nangyayari sa buhay ko.

Hinawakan nito nang mahigpit ang braso ko at inilapit ang mukha sa aking tainga.

''I will gave you time but always be ready on what's coming.'' He said at umalis nalang bigla.

LOVING YOU DANGEROUSLY (FUENTEZ SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon