THE CURSED ONE

577 15 0
                                    

1985----
**************

sumiksik ang syam na taong gulang na bata sa loob ng aparador ng magulang nya. itinakip nya ang mga kamay sa magkabilang tenga. impit syang umiiyak. bawal pumalahaw. maririnig sya. matutunton sya. papatayin---- gaya ng mama at papa nya.

may hinahanap sila. alam nya kung ano--- at sino. hindi nya alam kung anong ginawa ng ina kung bakit hindi sya natunton ng mga tao sa labas. hindi nya rin alam kung ilang oras na sya doon.

nakasabit sa likod nya ang isang backpack. importante diumano ang laman niyun---kasing importante nya. pero nagugutom na sya. kailangan na nyang umalis, lumayo.

kaya kumaripas sya ng takbo palabas ng bahay, humahagulhol na iniwan ang mga bangkay ng kanyang magulang. sumuot sya sa kakahuyan. tumakbo. niyakap nya ang sarili sanhi ng lamig ng gabi.

may mga nilalang pa sa dilim na gusto syang sakmalin. pero hindi sila nakakaabot sa kanya.

nasa kalsada na sana sya,

pero...
******************

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon