THIRTEEN

119 5 0
                                    

"She does so many things to draw my attention;

she laughs a little too loudly, stares a little too long, smiles a little too big, and talks about me a little bit too much. and it's definitely working because----

she is crossing my mind a little too often, and i am clearly falling for her a little too hard..."
******************

napalingon sya sa kabilang direksyon nang umahon na si Sarah mula sa dagat. namumula at napalunok sya nang makitang bumabakat ang panloob nito sa suot nitong puting bestida. bakat na bakat ang malulusog nitong dibdib, maliit na bewang at umiimbay na balakang.

malamig pero tila umaapoy ang katawan ni Peregrine. napahawak sya sa kwelyo nang suot nyang asul na long-sleeved polo. nang makalapit ito ay agad nyang binalabal dito ang dala nyang malaking roba.

"namumula ka. m-may masakit ba sa 'yo?" ang nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"h-ha? a-ano, w-wala. halika na. para makabihis ka." anya at niyakag na ito pabalik sa bahay.

itinodo ni Peregrine ang shower. 'di mawala sa isip nya ang nakaka-akit na alindog ni Sarah kanina. init na init talaga ang pakiramdam nya kanina pa lang. hindi biro ang pagpipigil na ginawa nya para lang 'di ito halikan dun mismo. kung ibang babae marahil yun, baka nawalan na sya nang kontrol at sinunggaban na nya.

pero hindi. iba si Sarah at malaki ang respeto nya rito. she doesn't want to take advantage of her pure innocence. masyado na itong nasaktan at nahirapan buong buhay nito at ayaw nyang dumagdag sa mga iyun. at isa pa---hindi nga nya alam kung may gusto ito sa kanya. Sarah is too fragile and naive and she can't afford to hurt her. matapos ang tila paglunod nya sa init ng katawan, she turned the shower off. kinuha nya ang robe at lumabas na ng banyo. nagbihis sya tsaka lumabas ng kwarto nya.

naabutan nya sa living room si Sarah, nakasalubong ang mga kilay habang halos inudnod na ang mukha sa hawak nitong ipad tablet. napangiti sya dahil ang cute nitong tingnan habang naka-pout at nakatitig sa ipad.

nakangiting lumapit sya rito at umupo sa tabi nito.

"baka maduling ka nyan. at tsaka, huwag mong ilapit ng maigi ang gadget sa mata mo. baka manlabo ang mga yan katagalan." anya dito. inilayo naman nito ang tablet at ngumiti.

"a-ang ganda nito. maraming kulay sa loob. nakakatuwa. p-pwede mo ba akong turuan?" tanong nito sabay abot ng gadget sa kanya. kinuha nya iyun at umusog palapit dito. maya-maya pa, aliw na aliw na ito sa paglalaro. ito lang isa sa mga magagandang bagay dito. Sarah is a natural fast learner. madali itong matuto, lalo na ngayong malaya na itong nakakagalaw at 'di na nakakulong.

sinamahan nya din itong ikotin ang buong isla at araw-araw itong nagtatampisaw sa dagat. ngayon, dinala nya ito sa isang parte ng isla na sadyang pinagawa ni Sorelle para dito: ang The Sanctuary. 'di birong mahika ang ginamit ng sorceress para matipon ang mga hayop sa lugar. nagtatatalon sa galak at tuwa si Sarah nang makita ang iba't-ibang uri ng hayop doon. pumunta ito sa gitna at naupo sa batong upuan.

Sarah hummed a song habang kandong ang isang puting kuneho. maya-maya pa, nagsilapitan dito ang iba pang mga hayop doon. may usa, mga ibon, squirrel,tupa at iba pa. pati nga si Aning, nakisali din. ang mabining liwanag mula sa araw ang umaaninag rito.

Sarah's ash blonde hair and its golden tip shone under the early morning sun. diwata. iyun ang nakikita nya rito. isa itong napakarikit na mahiwagang diwata sa suot nitong bestida na may ginintuang kulay. nakalugay ang buhok nito na may nakapatong na flower crown. the scene was so breathtaking that Peregrine didn't noticed the tears from her eyes.

Sarah still hums a very eloquent tune, and the animals gather around her, listening. kinuha nya ang smartphone at kinunan ito ng litrato. napangiti sya at ginawa itong wallpaper nya. nakatayo lang sya 'di kalayuan dito, pinagmamasdan ang kagandahan ng inosenteng dilag.

nagtagal sila doon, dahil masaya itong kasama ang mga hayop sa santwaryo. hapon na silang nakabalik sa bahay,at bitbit na nito ang isang kuneho.
****************0o0****************

kinagabihan, nagkausap silang tatlo ulit. nasa kwarto na si Sarah, mahimbing na natutulog.

"maaari nyo na bang sabihin sa 'kin yung tungkol sa kometa? gumugulo kasi talaga sa isip ko yan,eh. ano bang kinalaman nun sa 'kin?" tumingin sya sa dalawa nang mariin. ang impormasyong ito na ata ang kukumpleto sa nawawala pang piraso sa jigsaw puzzle ng buhay nya.

tumingin si Magnus sa kalangitan. maaliwalas iyun dahil walang mga ulap. naglitawan ang mga bituin, pati na ang buwan.

"bilang isang Mago noong dati kong buhay, kabisado ko na ang mga bituin. kaya nga nung magpakita ang isang ubod ng ningning na tala nung isilang ang Messiah, agad naming nakilala na ito ang gagabay sa amin sa sabsaban sa lungsod ng Bethlehem. kasama ng dalawa ko pang kapwa Mago, o mas kilala kami sa katawagan sa ingles na three wise men."

anito, nakangiti. nanlaki ang mga mata ni Peregrine, 'di makapaniwala. ni minsan, hindi binanggit ni Magnus ang dati nitong buhay noon. 'di nya lubos akalain na makikilala nya ang isa sa mga karakter ng biblia.

"langya. yung totoo? isa ka sa sikat na mga tatlong hari?" ang gulantang na tanong nya sa kinilalang huwes. kulang ang salitang gulat para ilarawan ang reaksyon nya sa nalaman. "eh...sino ka dun? si melchor, baltazar o si gaspar?"

natawa si Magnus pati na si Sorelle sa tanong nya.

"hindi ko alam kung pa'no kami nagkaroon ng pangalang ganyan. at hindi kami mga hari. mga pantas kami sa mga bituin o astrologers sa panahon ngayon. pero 'di iyun ang pagkaka-kilanlan namin. kung sino kami, hindi na yun mahalaga. ang kometang tinutukoy ko ay ang Centaurion. nagpapakita ito matapos ang tatlong-libong taon. yan din ang sinyales na inaantay ni Mattheos. sa paglitaw ng kometa, palatandaan din iyun ng ika-3,000 years mong nabubuhay sa mundo. sa pagkakataong yun, ang huli mo nang yugto ng pagsilang mo sa mundong ito. 'di ka na mabubuhay muli sa kahit anong na anong panahon o sa kahit sinong katauhan. kaya dapat mong paghandaan at harapin si Mattheos---para wala nang mga inosente pang buhay ang madamay."

salaysay nito. napatingala sya sa alapaap. 'di na nga nya marahil maiiwasan ang nakaguhit na sa palad nya.

naisip nya bigla si Sarah...
************************

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon