tagumpay ang interogasyon. tuliro ang lalaki na maya-maya'y nagsisisigaw pa. tinatawag syang halimaw. isinailalim ito sa drug test at nag-positibo sa bawal na gamot. nagwawala pa rin ito kaya tinurokan na ng pampakalma at piniit sa detention facility ng ahensya."anyare sa salot na yun? ba't ka nya tinatawag na halimaw?" takang tanong pa ni Donnie sa kanya. Perry just shrugged.
"halimaw daw ako." aniya, sanay ngisi ng nakakaloko. "halimaw...sa sobrang hot." maya-maya, naghagalpakan na sila ng tawa.
"nakow. ala,eh---napakahangin talaga neto areh." ani Donnie na naluluha pa sa kakatawa.
"mukhang ang saya nyong dalawa,ah." anang isa pang myembro ng team nya, si Bea Madrigal. kasunod nito sina Aracelli Luchavez at Arvin Fuentez.
"wala. kiniliti lang si Donnie ng kakambal nyang di nakikita." Peregrine said. "anyway, lunch na muna tayo. maghanda kayo dahil may raid tayo ngayong gabi."
*********"Hi,Bebe Perry!" ang malandi pang bati ng sexyng serbedora kay Peregrine nang makarating sila sa tapsilogan malapit sa headquarters. inismiran naman ito ng malditang si Bea.
lumingkis ito sa braso ni Perry at idinutdot ang malulusog nitong dibdib sa kanya.
"kain ka na,beh. may bago kami sa menu. masarap yun. hinaluan ko nang pagmamahal." anito na kinikilig pa at malandi syang hinahampas. pinapatulan naman ito ni Peregrine.
"mukhang masarap nga. matikman nga yan. baka kasing sarap mo." anya na pinisil pa ang baba ng serbidora. para itong uod na nagkiki-kisay at inipit pa ang hibla ng buhok sa likod ng tenga nito.
"eehh. ikaw talaga. kakahiya." anito na namumula habang tumitingin sa nakangiting mukha ni Peregrine na nakalitaw ang magkabilang dimples at ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
Peregrine is every inch a female hearthrob. walang hindi maaakit dito, lalo na ang mga babae. maloko kasi talaga ito at mapagbiro. kahit ata mannequin basta babae kaya nitong akitin.
"so,ano to? landian o kainan?" ang nakataas kilay pang tanong ni Agent Madrigal sa kanila. naka-cross arms ito at matalim pa sa agila kung makatingin sa serbedora. ngumisi lang si Perry dito.
inirapan naman ito ng serbidora na ang pangalan ay Carlotta. akmang susugorin ito ni Bea pero pinigil nya lang.
"tama na yan, Madrigal. 'wag kang maghanap ng gulo." anya dito. kilala nya si Bea. she's as beautiful as she's lethal. ito ang isa sa maaasahan nya kapag may assignment sila, kahit ga'no pa ka-delikado. bihasa ito sa martial arts lalo na sa muay thai at judo.
"eh di sana di ka na lumalandi." anito nagmartsa papunta sa upuan nila. siniko naman sya ni Donnie.
"selos yun,Boss. ligawan mo na kasi." tudyo pa nito sabay tawa. binatukan nya ito.
"loko ka. hindi kami talo, Don. ang akward kaya nun." anya at sumunod na sa mga kasama sa mesa nila. "halika na nga. gutom lang yan."
**************0o0****************"ue. ang haba ng nguso mo." tukso nya kay Bea at sinusundot-sundot ang pisngi nito. tinabig nito ang kamay nya at hinampas pa sya.
"aray, Madrigal. konting respeto naman. superior mo pa rin ako." anya dito pero nakangisi naman. Bea rolled her eyes at di na sya pinapansin.
"asus. halikan mo kaya,Boss. uuyy..." si Arvin naman ang nanunudyo dito.
napuno ng tudyohan at tawanan ang mesa nila. maya-maya, lumapit ulit si Carlotta dala ang mga orders nila.
"ayan,beh. dinagdagan ko na ang rice. libre ko na, para sa 'yo." anito at pabirong kinurot ang pisngi nya.
"talaga? thank you, ah. the best ka talaga."
kinindatan nya ito at impit naman itong tumili. sinulyapan nya si Bea at kamuntik na syang mapatawa ng malakas nang sinasaksak nito ng tinidor ang hotdog habang nakatingin kay Carlotta.
"ue. teka lang lotta. ba't si Boss may extra rice? tapos ako,wala? descrimination yan!" ani Donnie na ngumuso pa. tinampal naman ni Aracelli ang bibig nito.
"magtigil ka nga! mukha kang pwet ng pato!"ang natatawang turan nito. ginatungan naman ni Arvin ang sinabi nito kay Donnie.
"oo nga. ang sagwa, dre! at tsaka, dadagdagan natin yan ng extra rice mamaya. basta---spell descrimination muna." napakamot na lang sa ulo ang pinagtulongang si Donnie.
"wag na nga. okay na 'to." nagpatuloy ang kainan nila na puno ng kantyawan. okay lang ang ganito, dahil seryuso naman sila sa trabaho.
*****************"be vigilant. may private army si Boy Butete. kami nina Donnie at Bea ang papasok sa loob kasama ang iba pa." pagbibigay utos nya sa mga kasamahan. "Ara, Arvin---sa extraction point kayo."
pagkatapos ibigay ang instruction nya, sinenyasan nya ang mga kasama papasok sa likurang bahagi ng building, na factory ng sabon panlaba sa umaga pero illegal drugs lab sa gabi. dito niluluto ang mga drugang binebenta sa buong NCR. kasama nila sa operasyon ang mga taga PDEA.
pero sya ang pinuno ng naturang operasyon. at ang utos----hulihing buhay si Boy Butete. pero kung sya ang tatanungin, ,'di nya yun maipapangako. lalo pa't isa ito sa nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanya.
"Don, dun kayo with the other PDEA Agents sa kabila. kami dito." agad sumunod si Donnie kasama ang pinagsamang agents ng NBI at PDEA.
"follow me Madrigal, all of you. sa bandang ito nakatago ang luto-an nila ng droga. tayo na." maingat na tinakbo nila ang pasilyo.
"mask on!" utos nya nang tapunan nya ng tear gas ang mga goons.
"move, move! bilis, sa pintong yun! go!" anya. agad nagsipasukan sa loob.nang humupa ang usok ay dun na nagpaputok ang mga tauhan ng syndicated drug dealer. lumipad ang mga bala papunta sa kanya---at kita nya bawat isa sa mga ito.
pero 'di umabot sa kanya ang mga tingga dahil pinahinto nya ito gamit ang kontrol ng isip nya, at pinabalik ang mahigit kumulang apatnapung mga tingga mula sa mga matataas na kalibre ng armas sa mga nagpaputok sa kanila.
nagsihiyawan ang mga hudas nang sa kanila na tumama ang mga balang sila ang nagpakawala. walang nabuhay sa kanila meski isa. agad syang pumasok sa naturang tagong silid at tumambad sa kanya ang mga naglalakihang tangke at bariles na ang laman ay raw materials sa paggawa ng droga.
"PDEA Agents, get your own samples. kayo rin, Madrigal. dalian nyo na. may oras tayong hinahabol. hahanapin ko si Boy Butete. magkita tayo sa extraction point."
anya at madaling umalis. nakuha nya ang blueprint ng building nang i-hack nya ang database ng architecture firm na nagtayo nito. sa pasilyo pa lang papunta sa quarters ng pesteng lider, pinapatutokan na sya.
***********************Maraming Salamat po sa mga readers! sana po, mag-iwan po kayo ng comment 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/327330920-288-k690456.jpg)
BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasypaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...