SIX

141 6 0
                                    


napaisip sandali si Peregrine. pamilyar sa kanya ang pangalan ng pamangkin nito.

"if you don't mind me asking, Ma'am---is your niece a Soldier?" tanong nya rito. nagsalubong ang kilay ng ginang.

"how did you know that,Agent?" tanong nito  sa kanya. Perry lean back on her swivel seat.

"dati akong ARMY Reservist, Ma'am. nag-training ako dati sa Scout Ranger Batallion sa Basilan. sina Captain LA Marzan at ang pamangkin nyo ang direct superior ko po dati. as far as i could remember, tenyente pa sya nun. 'di ko nga lang alam kung ako,naaalala pa nya." salaysay pa nya. tumango ang ginang.

"aasahan ko na sana, malaman ko ang totoo,Agent. at pagbayarin sila sa mga ginawa nila kay Marione. lalo na si Belinda. i want that woman to rot and die in jail." ang nanggagalaiti na turan nito.

"pinapangako kong tututokan namin ito, Ma'am. napakalaking tulong ng ebidensyang ito na ipinagkatiwala nyo sa amin. asahan nyo pong kikilos kami agad." pagsisigurado nya rito. tumango ito at nagpaalam nang umalis.
************************

"takte,Boss. ex-military ka pala? hanep,ah!" manghang tanong pa ni Donnie. "kaya pala ang bangis mo sa bakbakan,eh. dati ka palang commando. sumabak ka din ba sa gyera,Boss?"

bigla syang natigilan ng mabanggit ang salitang gyera. may isang malayong alaalang dumaan sa isip nya.

"Boss?" napapitlag sya.

"ha? ano yun ulit?" ang nagu-gulumihang tanong nya. napakamot sa ulo nya si Donnie.

"nah,wala po. kanina pa po kayong wala sa sarili boss,ah. may problema ba?" nagkibit-balikat sya

. "oo. pogi problems lang naman. maliit na bagay." anya na nakangising sinagot ang tanong.

."aguy! hahaha! sabi na,eh. harujusko. petmalu ka talaga,boss!" naghalakhakan na sila pagkatapos.

"kikilos agad tayo para matukoy ang mga dahilan ng aksidente ni Major Agcoili. isusunod na rin natin ang kay Belinda Tancinco. gigil na kong hawakan sa leeg ang matandang yun. heto," anya at binigyan ng tig-iisang folder ang mga kasama nya sa team. "magka-conduct tayo ng surveilance bukas mismo. 'di natin sasayangin ang tiwala nila."  
********************

hindi naging madali para sa kanila na manmanan si Vera Dunst. masyado itong maingat sa kinikilos nito, dagdag pa na  pamangkin ito ng isang aktibo pa sa serbisyong Heneral at may posisyon sa AFP.

mabuti na lang at nabakante ang isang kwarto katabi ng dorm room nito. nag-undercover sina Aracelli at Bea bilang mga estudyante at dun na nila minamanmanan ang mga kilos ng babae. gumawa sya ng mga AI Nanobots para mapasok ang kwarto ni Vera. at 'di nga sila nagkamali. may illegal nga itong ginagawa.

nakipag-coordinate sila sa PNP-AID/CIDG at nasukol ang babae sa isang bar.  agad syang kumilos at pinuntahan ang isang taong laging nakakatulong sa kanya. pumunta sya sala ni Judge Mauricio Delos Reyes ng Metropolis-Kalayaan RTC.

dito sya laging humihingi ng tulong regarding sa mga warrants na kailangan nila. agad syang binati ng court clerk nang makita sya.

"Agent! ikaw pala. si Judge hanap mo?" anito. ngumiti si Peregrine. alam na talaga nito ang pakay nya.

"oo,eh. di ba sya busy ngayon? medyo urgent kasi 'to, eh."


"kakatapos lang ng trial nya kanina. nasa opisina lang sya. puntahan mo na." anito. nagpasalamat sya dito at pumunta sa opisina ng huwes. kumatok sya at nagtaka na alam nito agad na sya ang nasa labas.

"bukas yan, Peregrine." anito. nagtataka man ay pumasok na sya sa loob.

"magandang araw po,Judge." ang nakangiti nyang bati rito.

"upo ka,Agent. anong warrant ba? arrest o search warrant?" anito na nakangiti. natawa naman sya sa tanong nito.

"grabe. alam na alam nyo na ang pakay ko Judge,ah." anya. sumeryuso naman ito na tumingin sa kanya.

"alam ko na ikaw ang parating, Peregrine. malayo ka pa lang,nakikilala na kita." anito. biglang nakaramdam ng kakaiba si Perry. lagi itong nangyayari kapag napapadalaw sya sa opisina ng matandang huwes.

"ah..hehe. ang galing naman nun,Judge. para palang may infared wall penetration yang mga mata nyo."

ngumiti lang ito at may kinuhang puting papel. kinuha nito ang court pen at pinirmahan ang dokumento.

"you know what to do." anito.

"salamat po,Judge." anya at nirolyo ang papel.

magpapa-alam na sana sya ng may itanong ito na talagang ikinagulat nya.

"may mga napa-panaginipan ka bang mga tao mula sa nakaraan? o may mga kakaibang nilalang ka bang na-encounter lately?"

tanong nito. napalingon sya sa kinauupuan nito at nagitla nang makita nyang may asul at berdeng enerhiya na pumapalibot dito. kinusot nya ang mga mata para luminaw ang paningin nya pero nang ibuka nya ulit, nawala na ang matalinhagang enerhiya na bumabalot dito.

"ayos ka lang ba,Agent?" tanong nito. napatingin sya dito with a perplexed expression.

"h-ha? o-opo. i'll go ahead po, Your Honor."

anya at lumabas na ng opisina nito.
******************

pinagmasdan lang ng mago ang pag-alis ng Nephilim. naging maayos naman ang buhay nito matapos ang nangyari---matapos nila itong tanggalan ng alaala.

"kailan ba natin sasabihin sa kanya ang totoo?" tanong ng isang babae na bigla na lang lumitaw sa loob ng silid. maganda ito at parang nyebe sa puti ang balat. pinagdaop ng matandang lalaki ang mga palad nito sa ibabaw ng mesa.

"hindi pa. maghintay pa tayo."
******************


matapos makuha ang search warrant,ilang minuto munang nanatili sa loob ng kotse nya si Peregrine. bumabalik-balik pa rin sa isip nya ang mga nasaksihan at narinig kanina.

'di na sya nagtataka kung bakit alam nitong paparating sya. noon pa man, ganito na talaga ito. pero ang talagang ikinagulat nya ng husto ay kung paanong nalaman nito ang tungkol sa mga panaginip nya----at sa mga nilalang na nakaka-engkwentro nya nitong mga nagdaang araw at linggo.

at ang pinakamatindi---ay ang mahiwagang enerhiya na bumabalot dito. meron din sya ng ganun kaya alam nya,ramdam nya. 'di sya maaaring magkamali. bigla mang nawala ang enerhiyang yun,pero nanatili ang pakiramdam o ang aura nito sa kanya.


ayaw nyang manghusga, pero may nabuo nang konklusyon sa utak nya: hindi ito basta huwes lang. gaya rin nya na 'di lang basta operatiba ng NBI. may kakayahan ito at kapangyarihang wala ang ordinaryong tao.

hindi nya mawari kung anong nilalang ito---dahil kahit sya, 'di nga nya alam kung ano din sya talaga at kung bakit sya kakaiba.


lagi sya nitong tinutulongan sa maraming bagay,lalo na sa aspetong legal. kaya nga madali sa kanilang mag-conduct ng kahit anong operasyon o magpakulong ng mga ulupong sa lipunan dahil sa tulong nito. kung ang iba,hirap makakuha ng mga warrant sa korte,sya--- hindi.

lalo na kung ganitong mga search warrant. magmula nung mag-krus ang landas nila when she started in NBI, naging mabuti na sa kanya si Judge Delos Reyes. pati ang pamilya ng huwes. masaya sya dun, dahil di lahat ng tao kayang magpakita ng kabutihan sa kapwa nya.

pero sa nakita nya kanina--ayaw man nyang maghinala, pero di nya maiwasang isipin na baka may iba pang dahilan ang kabutihan nito sa kanya. napabuga sya ng hininga, kaya lumipad ang ilang hibla ng bangs nya paitaas. hinilot nya din ang puno ng ilong nya at napailing.

gusto nyang tanungin ng huwes, para naman kahit pa'no, masagot din ang mga katanungan nya. nasa kalaliman sya ng pag-iisip nang tumunog ang android radio ng pick-up nya.

"Boss,si Fuentez 'to. asan na kayo? over."
********************

maraming salamat po sa mga nagbabasa nitong story. sana po magbigay po kayo ng comments. ☺️😊

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon