"naku,pasensya na ning! ay bwiset kung makakatok wagas! hoy,wag mong sirain ang pinto!" anya at madaling lumapit sa pinto. makakatikim talaga ang sapak ang ungas na 'to. 'di nga nya naisabit ulit ang basket. binuksan nya ng pabalya ang pinto at handa ng sampulan ang nambulabog sa almusal nya nang bumungad sa kanya ang isang magandang tanawin. nawalang parang bula ang galit nya at malawak na napangisi.
"u-ue. ikaw pala my love,este---Selena. anong maipag-lilingkod ko sa yo, magandang dilag?" anya sabay kindat dito. namula naman ito at nahihiyang tumingin sa kanya. ang ganda talaga nito. buo na ang araw nya dahil dito.
"ahm, kailangan kasi namin ang tulong mo,Perry." ang mahinhin pa nitong sabi sa kanya.
"sure. basta ikaw. ano ba yun?" anya dito. ang pula pa ng labi nito, nakakatuksong halikan.
"sina emong barako at idyong siga kasi, nagpang-abot na naman. ang gulo nga dun sa labasan,eh." sumbong pa nito. napakamot sya sa ulo. lage na lang ang eksenang ganito.
"sige,susunod ako." anya dito.
anya at nilingon ang mesa para lang magitla sa nakita. ang magaling nyang alaga, kinain ang tinapay nyang may galunggong at uminom pa sa kape nya.
"ANING!!"
umalingawngaw ang sigaw nya sa buong kusina. ang walangyang pusa, kinagat ang huling piraso ng kanyang galunggong sabay takas palundag sa maliit na bintana.
napabuntong-hininga na lang sya at lumabas ng bahay. flinex pa nya ang mga kamao. lagot sa kanya ang dalawang bwiset na 'to. agad nyang nakita ang mga tao na tila nanuod ng sabong kung makahiyaw. hinawi nya ang mga ito na takot na tumabi para makadaan sya.
nasa gitna ang dalawang borta, nag-uumbagan pa. walang patumpik-tumpik na hinawakan nya ang batok ng mga ito, at pinag-umpog ang kanilang mga noo.
"aray!!" sabay pa nilang daing. napaatras ang dalawa ng makita sya at hilaw na ngumisi.
"ah...hehehe. Agent. i-ikaw pala. kumusta, Perry?" ani emong na namumutla na.
"ayos lang. nabulabog lang naman ang umaga ko at ninakaw pa ni Aning yung ulam ko. ganda ng umaga no? halikayo sa baranggay dali,mga ungas!"
walang palag na sumama ang dalawa na kung kanina'y parang mga asong ulol na nagsasakmalan, ngayon ay para nang mga tuta na dinampot ng malaking aso. sa pagka-badtrip nya, sabay nya pang sinapok ang mga pasaway na ito.
"ayan na, Kap." aniya sa kanilang punong-baranggay, saka pinaupo ang dalawa. "ipadlock nyo na ang mga yan. que aga-aga, asungot na."
"hay naku, Agent. sumasakit din ang ulo ko sa mga 'to." anang Kapitan na nàpapalatak at napailing. "pasensya ka na, ha? naabala ka na naman."
ngumiti lang sya dito.
"'wag nyo ng isipin yun." aniya sabay tapik sa balikat nito. "pa'no,alis na po ako."
"sige, Agent. salamat muli."
She nodded and left.
**********************inihimpil nya ang kanyang Ford Ranger sa parking space sa harap ng NBI office. sira na talaga ang araw nya ngayon. gutom pa nga sya. pumasok sya sa building at nag time-in.
"buti at dumating ka na." ang Regional Director nila. sumaludo sya dito.
"magandang umaga,RD."
bati nya dito. may inabot itong file sa kanya.
"puntahan mo muna yung nasa interrogation room. hindi mapaamin nina Fuentez. nang-insulto pa ng isa nating operatiba. dalian mo na." anito.
"Yes,RD." pinuntahan nya ang I-ROOM ng ahensya. pagbukas nya, naka-upo sa mesa ang kanang kamay ni Boy Butete. nakangisi pa ang ulupong habang hawak ni Donnie ang kwelyo nito ng mahigpit. tinapik nya ang balikat ng kasamahan.
"ako na,Don. sa audio room na kayo." tumalima naman ito sa utos nya. nang makalabas ang mga kasamahan nya, sya na ang umupo katapat nito.
"palayain nyo na 'ko. wala din naman kayong mapapala. magmumukha lang kayong tanga dahil wala akong aaminin!" bulyaw nito sa kanya at humalakhak. Perry's aura became dark and menacing.
****************napatigil sa paghalakhak ang lalaki. nakaupo lang dun si Perry, tila istatwa. napalunok ito nang makaramdam ng tila napakalamig na enerhiya na bumabalot sa buong silid. napalunok ito.
"a-anong nangyayari?"
ang nanlalamig nitong tanong. Perry's lips twitched into a lopsided, unfeeling smile. nagsisimula ng mangatal ang lalaki. 'di nito maintindihan kung bakit daig pa nya ang ipinasok sa freezer sa sobrang lamig. eh wala namang nakialam sa remote ng aircon.
bumalik ang tingin nya sa Agent na nasa harap nya. at kamuntik na syang matumba sa kinauupuan ng makita ang mga mata nito. nahintakutang itinuro nya ito.
"a-ang m-mata mo! b-bakit ganyan ang mga mata mo?! halimaw ka!ahh!!"
anang lalaki na akmang tatakbo papunta sa pinto pero 'di na sya nakaalis dahil di na nya mabuksan ang pinto.
"upo. huwag mong aksayahin ang oras ko." nangangatog na bumalik sya sa upuan. 'di nya magawang tingnan ang mga nito---na magkaiba ang kulay ng bawat isa. nanindig ang mga balahibo nya. ngayon lang sya nakakita ng ganung mga mata...
itim ang kabila niyun na parang mata ng uwak---- at ang kabila ay kakulay ng purong pilak. myembro sya ng isa sa pinakamalaking sindikato sa bansa; kanang-kamay pa sya ng lider nito. wala syang kinakatakutan. 'di na nya mabilang ang mga buhay na nakitil nya. pero ngayon---ngayon pa sya nakaramdam ng di birong takot.
ang kaharap nya--- nakaupo lang sa tapat, nakadaop ang mga palad sa mesa. tila dumikit ang pang-upo nya sa silya at ang mga paa nya sa sahig. yumuko din sya dahil 'di talaga nya kayang tingnan ang mga mata nito. di nya alam na may taong ganito sa mundo.
kanina kasi, parehong brown naman ang kulay ng mga ng Agent. pero mula nung ininsulto nya ito----nagbago ang kulay ng mga mata nito sa isang iglap. ang lamig pa rin sa loob.
"magsasalita ka na ba?" tanong nito sa mababa ngunit puno ng panganib na boses na para nang bulong. agad-agad na syang tumango. gusto na nyang umalis dito.
'di ata tao itong kasama nya. may nilabas itong recorder.
"now talk,idiot. baka dito ka na manigas pag nagkataon." banta pa nito.
********************kindly leave a comment po sana 😊😉
BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasypaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...