THREE

223 12 0
                                    

pero gaya kanina, bumalik lang sa mga ito ang mga balang pinakawalan nila. nakarating sya sa isang silid na bantay-sarado ng mas marami pang mga goons. ikinumpas nya ang mga kamay at nagsitalsikan ang mga ito sa malayo.

ibinuka nya ng malaki ang mga bisig at buong lakas na pinag-abot ang mga palad nya sa gitna dahilan upang makalikha sya ng isang napakalakas na shock-wave at nawasak ang pinto pati na ang pader ng naturang silid. nasa loob nun ang pakay nila na sa pangalan pa lang----mukha nga talagang butete.

maliit itong lalaki,walang buhok at malaki ang tyan. nagtatago sa likod ng mga bodyguards nito at ang mga bayaran, agad syang pinaputokan. pero para lang mga tanga ang mga ito na nag-aaksaya ng mga bala---dahil nasa likod na sya ni Boy Butete at hinimatay ito nang ikutin nya ang leeg nito at binali.

binaril nya isa-isa ang  mga bodyguards nito. kaya wala nang natira. dinig din nya ang heavy gunfire sa labas. she touched her bluetooth.

"Madrigal, lumabas na kayo." utos nya sa mga subordinates. "hawak ko na ang subject. mission executed."
*******************0o0*************

pag-uwi nya kinagabihan, natigilan sya sa paglalakad papunta sa pick-up nya nang makaramdam sya ng ibang presensya sa paligid. nakaalis na ang lahat ng mga kasama sa raid, at sya na lang ang natira. tahimik ang paligid kaya na-enhance lalo ang pandinig nya.

mga kaluskos. palipat-lipat na kilos. mga garalgal at sitsit na mga boses.

ipinikit nya ang mga mata at nagbago na ang kulay niyun---naging itim at pilak na.

at doon---nakita nya ang mga nilalang. hindi sila makikita ng ordinaryong mga mata ng mga tao dahil humahalo sila sa dilim ng gabi. aninag na aninag nya ang kanilang wangis na gaya sa itim na usok dahil wala silang pisikal na katawan at ang kanilang mga mata'y  sing-pula ng dugo.

mabilis syang pinalibutan ng mga ito. napundi ang mga ilaw, pati ang alapaap tinabunan nila. nabalot sya sa dilim. pinagdaop nya ang mga palad at lumabas duon ang isang mainit na bola ng asul,lila at puting enerhiya.

inihagis nya iyun patungo sa himpapawid. umalimpuyo ang ulap.

kumulog, kumidlat at tinamaan ang mga nilalang na lahat, naging abo...

***********************************

umikot ang isang ipu-ipo sa paligid nya, kasama ang nagsasangang mga kidlat at kulog na yumayanig sa kalupaan. Peregrine could clearly hear the bloodcurling shrieks of the creatures of Sheol. may ilan pa na pilit lumulusot sa kalasag na ginawa nya para sa sarili.

sa lakas ng turbulence ng hangin, may mga puno nang natumba at isinama ng ipu-ipo pataas. tumagal nang halos dalawampung minuto ang nangyari. pagkahupa nito ay bumalik ang ilaw sa lugar pero wasak na ang mga nasa palibot nito.

she could hear a low growl not far away. napapalatak sya. hindi pa pala tapos.

dahil nasa gitna ng kakahuyan ang hideout ng sindikato at gabi na, 'di agad makikita ang napakalaking hayop na lumabas mula doon: isang itim na saber-toothed panther. tumutulo mula sa bibig nito ang pinahalong laway at dugo. ito pala ang bumibiktima sa mga residente sa sitio.

wala pang segundo, tumakbo na ito palapit sa kanya. nakahanda sya dito pero 'di pa man ito nakaabot sa kanya,sinakmal na ito ng isang malaking leon mula sa ibang direksyon...

the huge creature launched on the Waruck---a creature of Sheol whose main course is human flesh. matagal nang napapabalita ang pagsalakay ng isang nilalang sa Sitio Abana, kung saan ang natatagpuan na lang ay mga buto ng mga patay na tao at hayop. walang naglakas-loob na humuli sa nilalang dahil sa takot.

pero ngayon, para lang itong tuta na nilundagan ng malaking aso. dinig pa nya ang pagkabali ng mga buto at pagkapunit ng laman. umalingawngaw ang palahaw ng nilalang, hanggang sa mamatay na nga ito.

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon