Aning's roar reverberated the whole island and shook its sands and waters. umuga ang lupa ng hinampas ng dambuhalang Waruck ang tubig. umalon ng malaki at dumaluyong. ang halimaw ay isang malaking kugita na may 24 na mahahabang galamay: ito ang sinaunang Kaiju ng karagatan---ang Kraken. kulay itim ito at may sandaang kulay pulang mga mata. tumili ng husto si Sarah nang sagupain itong mag-isa ni Aning. pero walang panama ang higanteng leon sa isang demonyong nilalang gaya ng Kraken.
tinamaan ng isang galamay nito si Aning at tumilapon ito sa malayo. nanginginig sya sa takot at tumakbo.
"Perry! Sorelle, tulong!! Magnus! tulong! ahh!!" her screams were drowned in her lungs nang pumulupot sa kanya ang isang malansang galamay ng Waruck.
"Sarah!!" sigaw ng tatlo. sinugod nito ang halimaw, pero huli na. tinangay ng Waruck si Sarah sa ilalim ng dagat.
"SARAH!! HINDI!!" Perry screamed at the top of her lungs, tears filled her eyes. mas lalo syang nalugmok nang makita ang kanyang partner in life na si Aning----
at wala na itong buhay.
**************daglian syang lumapit at kinandong ito. bumalik ito sa anyong pusa,at nanghihinang itinaas ang forepaw nito para idampi sa kanyang mukha.
"meow..." hirap na ito sa paghinga, dumudugo ang ulo nito. walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha at humahagulhol na niyakap ito ng mahigpit.
"Aning... kumapit ka,ha? kumapit ka, kaibigan. huwag mo kong iwan." yumugyog ang mga balikat nya at sinubokan itong i-revive. "Aning, wag kang bumigay. lumaban ka.. please... please..."
pero tuloyan ng lumungay ang ulo nito at tumigil na sa paghinga. mahigpit pa rin nyang yakap ito at napaluhod sa buhangin.
"HINDI!!! ANASTACIA!!! "
kumidlat ng ubod ng lakas kasabay ng kanyang pagsigaw. umihip ang napakalakas na hangin.
"masakit ba,Nephilim?" napalingon sila sa nagsalita. nakasakay ito sa isang malaking buwitre, nasa himpapawid. it was the evil spawn, Mattheos. inilapag nya ng maayos si Aning. agad na lumabas ang mga pakpak nya at sinugod ito. pinatamaan nya ito ng matalim na kidlat pero agad itong nakiwas at humalakhak.
"wag ka nang magsayang ng enerhiya at kapangyarihan, Cendelion. mapapagod ka lang. sumuko ka na lang at sumama sa 'kin. ang kinaroroonan lang ng Codex ang gusto ko. kung susunod ka sa utos ko---ibabalik ko nang maayos ang babaeng mahal mo. wala nang madadamay pa. pero kung magmamatigas ka...ikaw rin. ang ganda pa naman ng kasintahan mo; tyak na mabubusog sa katawan nya ang mga tauhan ko. ipapakita ko pa sa 'yo kung pa'no nila sya pagsasawaan. oh di ba, ang saya? HAHAHAHA!!!"
nag-alimpuyo ang galit ni Peregrine kaya pinaalaon nya ang dagat at inihampas dito. pero daglian itong nakaiwas at mas lalo pa syang ginalit at inasar. she struck him with consecutive lightning strikes pero kinontra nito lahat ng tira nya. even Magnus and Sorelle attacked him pero 'di man lang ito natinag.
"napakalaki ninyong hangal! akala nyo ba talaga matatablan ako nyan?!?! mga ulol! hindi! panghuling palugit ko na 'to sa 'yo,Cendelion! pumunta ka sa lumang simbahan ng Isla Anatolia----kung gusto mo pa syang maaabutang buhay!!"
******************wala silang oras na sinayang. agad nilang pinuntahan ang naturang isla. pareho silang lumilipad papunta doon. hilam sa luha ang mga mata ni Peregrine nang maalala ang dalawa sa pinaka-importanteng nilikha sa buhay nya. her heart ached for Anastacia, her spirit guardian. hindi nya malilimutan ang naging papel nito sa buhay nya. ito ang nagsisilbing living comfort nya sa mga panahong nalugmok sya ng maghiwalay ang mga magulang nya, at nagsimula syang mamuhay mag-isa.
sa mga panahong kailangan nya ng tapat na kaibigan, kahit hindi man nya ito nakakausap. hindi sya nito iniwan. ito ang nagsilbing Polaris ng buhay nya mula noon, hanggang ngayon.
humihikbi sya habang sumasalungat ang ihip ng hangin sa kanyang mukha. ang pangungulila nya sa mga magulang na 'di nya makakapiling pa---at ang pinakamamahal nyang si Sarah na bihag ngayon ng halang ang kaluluwang si Mattheos.
mas lalong sumilakbo ang kanyang galit at matulin na tinalunton ang isla. narating nila ito at nakita nya ang isang napakalumang simbahan.
******************agad silang sinalubong ng atake ng mga galamay ni Mattheos, mapa- tao man, Waruck at Mulfallas. bala, missile at kung anu-ano pa ang pinuntirya sa kanila. ginantihan nila iyun ng kapareho ring lakas at enerhiya. tinira nya ng bolta-boltaheng kidlat ang bubong ng simbahan kaya nabutas ito at dun sila pumasok.
tumilapon ang mga upuan at nawasak ang isang bahagi ng sahig nito. agad nanlaki ang mga mata nya nang makita si Sarah na nakatali sa isang haligi ng simbahan. agad nya sana itong nilapitan pero napaigik sya nang may lumatigo sa mga pakpak nya at pumulupot dito. nahila sya palayo at napahiyaw sya sakit ng may pumilipit sa mga pakpak nya na may balak atang baliin ito. sinubokan nina Magnus at Sorelle na tulongan sya pero pati ang mga ito napulupot ng naturang invisible na latigo at itinali sa pader. nagpumiglas ang dalawa pero 'di tumalab ang mga kapangyarihan nila.
napaluhod si Peregrine sa paanan ni Mattheos na nakasuot ng itim at pulang hooded cloak. tinanggal nito ang saklob sa ulo at ngumisi sa kanya.
****************"tingnan mo nga naman. sa napakahabang panahong hinintay ko, andito na rin ang magtuturo sa akin sa inaasam ko ng napakatagal na. grabe. ang ilap mong hulihin. daig mo pa ang palos sa sobrang dulas. whew. pumapabor talaga sa 'kin ang swerte lagi. ngayon--makukumpleto na ang lahat. hawak ko na ngayon sa leeg ang mundo. wala na, wala nang makakapigil pa. luluhod ang lahat ng pinuno at mga bansa sa akin. pagpatak ang alas dose mamayang gabi---dadaan na ang kometa. at yun din ang magiging katapusan mo! punitin nyo ang damit nya sa likod at kunin nyo ang banal na punyal! TONIGHT... EVIL...WILL REIGN! MABUHAY ANG MGA ITINAKWIL!!"
Mattheos' demonic voice boomed and echoed inside the old,abandoned church. nagpumiglas si Peregrine para 'di makuha sa kanya ang punyal, pero napahiyaw na naman sya nang hagupitin ang likod nya. napunit ang kanyang damit sa likod at tumagos sa kanyang balat.
pero ang talagang humagupit sa puso nya ay ang mga iyak ng pinakamamahal nyang si Sarah. nagmamakaawa na huwag syang saktan......
**********************
BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasypaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...