NINE

119 8 0
                                    

"hindi tayo maghihintay kay Nathalia. masyado nang natagalan ito. tayo na ang maghahanap sa Nephilim. i-hire nyo lahat ng mga nasa industriya ng itim na mahika. kailangang mapasakamay ko na ang Codex bago ako maunahan nina Magnus. kumilos na kayo. ngayon na."

anya matapos utosan ang mga alipores. masyado nang maraming pera ang nasayang nya para dito. kapag nakuha nya ang Codex,wala nang makakadaig pa sa kanya. mapapasailalim ang mga lider ng mga bansa sa kanyang kagustohan.

sya ang kikilalaning maka-pangyarihan sa lahat. sa oras na makontrol nya ang internet at teknolohiya ng mundo, kaya na nyang paikutin ang buhay ng tao sa paraang kanyang gusto. a wicked throaty laughter came out of him.

brilliant.evil.

just like how he wanted it. at 'di na magtatagal ang paghihintay nya.
******************

"sigurado ka ba sa info na to?" ani Peregrine nang tingnan ang mga files na binigay ng insider nya sa Hades Conglomerate----isa na namang korporasyon na minamanmanan nya matapos ang TGOC. may natanggap syang intel ukol dito.

"legit yan,boss. napag-alaman kong walang laman ang Pearl farm na pinagmamalaki nang mag-ama. walang cultured pearls doon." anang informant nya. tumango sya habang binabasa ang mga files.

ayon sa mga nakasaad sa mga dokumento, pagmamay-ari ng mag-amang Gustavo at Nathalia Monseratti ang naturang kompanya. tiningnan nya ang litrato ni Nathalia. maganda ito,oo. pero 'di maganda ang vibe nya sa babae. ito ang tipo na hindi talaga gagawa ng matino, kahit gaano pa kaakit-akit. malakas ang kutob nyang may anomalya ang dalawa.

"walang laman ang pearl farm? kung ganun, sa'n sila kumukuha ng mga perlas na ganun ka-rare ang kalidad para gawing alahas?" mariing tanong nya rito.

"wala nga,boss. maniwala kayo. napuntahan ko mismo ang lugar. may mga hinaharvest sila pero hindi pearl-bearing clams or oysters. kundi tiger prawns at blue crabs." sagot nito sa kanya. Peregrine closed the files. mukhang may sasalakayin silang muli.

isa na namang malaking pader na kanyang babanggain. nang ligtas na makaalis ang informer nya, agad nyang pinatawag ang mga kasamahan. kailangan nilang ma-raid ang farm na iyun.
***************

pagkauwi nya kinagabihan, napatigil sya nang makababa ng kanyang Ford pick-up. malakas ang pakiramdam nya na may ibang presensya sa paligid. hindi ito masama---dahil 'di kumirot ang birthmark nya. hinanda nya ang sarili at maingat na pumasok ng bahay. madilim. 'di muna nya binuksan ang ilaw. kahit si Aning, hindi nya maramdaman.

nagsimula na namang mamuo sa mga palad nya ang mga pinong boltahe ng kidlat. maingat ang bawat nyang hakbang pero alerto ang kanyang mga mata na nagbago ang kulay kaya mas lalong tumalas ang kanyang paningin sa kabila ng dilim.

tahimik ang buong kabahayan. dinig nga nya kahit ang kanyang paghinga. then, a sudden figure passed by swiftly daglian nya iyung pinatamaan ng boltaheng hibla ng kidlat. may isa pa. she fought them---pero nadaig sya katagalan. she was pinned on the wall by invible shackles. she tried to loose off the restraint pero 'di nya magawa.

"huwag ka nang manlaban. mapapagod ka lang." then, right there infront of her---she saw two hooded cloaked figures.

nang tanggalin ng mga ito ang saklob sa kanilang ulo, nanlaki ang mga mata nya....
**************

they are a man and a woman. at 'di sya maaaring magkamali---sila ang mga nakita nya nung makasagupa nya ang isang Waruck dati. yung nagpalabas sya ng matinding lakas, ng ipu-ipo. ang pagkawala ng alaala ng mga nakasaksi na sya ang may gawa sa pangyayari.

"k-kayo...kayo yun! ikaw---natatandaan kita. ikaw yung nagsaboy nung pinong powder kaya ako nawalan ng malay. a-anong ginagawa nyo rito? anong kailangan nyo sa 'kin?!"

anya at nagpumiglas na naman. pero masyado atang malakas ang kadenang enerhiya na bumalot sa mga kamay nya.

"kailangan mong kumalma at bigyan kami ng pagkakataong magpaliwanag, Peregrine. kailangan mong makinig sa mga sasabihin namin dahil wala na kaming sapat na panahon. kumalma ka at mangako ka munang di mo kami lalabanan. pakakawalan kita. ayos ba yun?"

anang lalaking matangkad at may puting buhok. Perry relaxed and nodded. 'di sila matatapos kung magmamatigas pa sya.

"I promise. i won't fight back. just let me go."

anya. nagkatinginan ang dalawa. tinanggal ng lalaki ang kadenang nakagapos sa kanya.

napahawak sya sa pulsohan nya. napaso kasi nung kadena. binalingan nya ang dalawa.

"okay. una sa lahat, sino kayo? 'di naman pwedeng makipag chika minute ako sa inyo na hindi ko man lang alam ang pangalan nyo." anya. ikinumpas nya ang kamay at nagsilapitan sa kanila ang mga silya mula sa kusina.

"upo tayo. sige, pakikinggan ko kayo nang makaalis na kayo sa bahay ko. at 'di kayo lalabanan. baka lumipad pa ang buong baranggay kapag nagkataon." anya at napabuntong-hininga.

"salamat kung ganun. hindi na kami magsasayang pa ng oras. tumingin kang mabuti at makikilala mo kami." anang lalaki. nakatitig lang sa kanila si Perry.

at napatayo sya ng magbago ng anyo ang lalaki----

at kilalang-kilala nya kung sino ito.

"J-Judge? sabi ko na,eh! hindi ka ordinaryong tao at huwes lang!"

ang totoo, 'di na sya nabigla pa. noon pa man, kinukutoban na talaga sya. nakumpirma nga lang ngayon.

"hindi pa ko tapos, Perry. panigurado akong kilala mo 'ko sa katauhang ito."

anito at nagbago na naman ng hitsura---and this time, kamuntik ng malaglag sa sahig ang panga nya.

"i-ikaw.. imposible..."

anya at sunod-sunod na napailing. napasuklay sya kanyang buhok. ang  matandang lalaki na ito---si Judge Delos Ryes at ang circus magician na nagbigay ng kanyang alagang pusa na si Aning.

"ngayong kilala mo na ako---sya naman ang magpapakilala sa 'yo." anito at bumaling sa maliit na babae. tumayo ito at gaya ng lalaki, nagbago din ito ng wangis. at 'di na ata matatapos ang mga pagkalito nya.

"anak ng galunggong... K-Ka Matilda? i-ikaw nga yan. diosmio marimar. ano ba tong mga nakikita ko? kumain naman ako kahit pa'no. kaya 'di ako nalipasan ng gutom..." anya, na palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"maupo kang muli, Peregrine. at makinig ka sa mga sasabihin namin sa 'yo. dahil tungkol ito lahat sa 'yo at kung bakit hinayaan kang mamuhay muli...bilang isang mortal." napaupo si Peregrine. 'di nya maipaliwanag ang kabang nadarama. ito na marahil ang kasagutang matagal na nyang hinahanap noon pa man.

"hindi ka purong tao,Peregrine. at 'di rin yan ang totoo mong pangalan." ani Judge sa kanya. "Cendelion---yan ang totoong ngalan mo mula pa noon."
******************

marami pong salamat sa mga nagbabasa 😉 sana po, mag-iwan kayo ng comment every chapter 😊☺️

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon