five years later...
******************"Anja, dumating na ba yung mga vloggers mula sa Metropolis?" tanong ng isang napakagandang babae na nakasuot nang blue heart-shaped bodice dress at gray na blazer.
"opo,Maam. nasa kanilang mga assigned rooms na po sila." sagot ng empleyado. tumango ang babae na may kulay ash blonde na buhok in a pixie-cut. maliit ang mukha nito at nakaka-akit ang mapipilantik nitong mga pilik, at mga mata nitong kakulay ng purong kape. ang makipot pero mala-mansanas sa pulang mga labi. idagdag pa ang maputi at mamula-mula nitong kutis at malulusog na dibdib. walang tao na di ito tinitingnan sa una, pangalawa at maraming pagkakataon.
"Maam Sarah, magsisimula na po ang taping ng mga vloggers." imporma ng isa nyang empleyado. lumingon sya dito at tumango.
"okay. susunod ako." anya. sya si Sarah Maristella Araneta, ang may-ari ng five-star resort/hotel na Cordelian Isle. ang isa sa pinakasikat na vacation getaway sa pilipinas. limang taon na nya itong mina-manage, at napakalago na ng negosyo nyang ito.
pinuntahan nya ang mga travel vloggers na nag-request na mag-shoot dito sa resort nya. kilala sa buong pilipinas at sa mundo ang kanyang beach resort dahil sa mala-paraiso nitong ganda. mala-puting asukal na buhangin at malinaw, malamig at nakaka-preskong tubig. world-class ang resort nya dahil may sarili itong pantalan at paliparan. local and int'l celebrities, go here for a vacation or photoshoot.
minsan, may mga tvc's, pelikula at teleserye pang dito kinukunan. nasa kanya lahat, sa totoo lang. galing sya sa isang marangyang angkan, at may sarili syang yaman. wala na syang mahihiling pa.
kaliwa't-kanan ang mga manliligaw nya, lalaki man o LGBT member. pero ni isa sa kanila, walang nakasungkit ng puso nya. ewan ba nya--- pero tila nakatali ito sa isang nilalang, o tao---na 'di nya na maalala. katunayan, kahit nga ang Isla Cordelia, pala-isipan pa rin kung pa'no napunta sa kanya.
basta may abogado lang na dumating sa mansyon ng mga magulang nya matapos syang matagpuan ng mga ito years ago.
and the rest, they say--- was history. pero may mga gabing nagigising sya na umiiyak, at sinasambit ang isang pangalang 'di nya maalala pagka-gising nya. at ang lumang bahay na ito sa isla---sa tuwing umaapak sya dito ay 'di nya mapigilang makadama ng nostalgia, ng matinding de ja vu. na para bang nakapunta na sya dito dati pa, na dito sya nakatira nung araw.
at sa baybayin---'di nya nalilimutang tumingala sa langit para pagmasdan ang isang napaka-kinang na bituin: ang Polaris o Northern Star. pakiramdam nya, ligtas sya at may nakatanaw sa kanya mula sa malayo---binabantayan sya.
she smiled sweetly at the twinking star.
"kung sino ka man---salamat. sa pagbabantay, sa paggabay. salamat..."
*******************palabas na sya ng simbahan matapos ang misa nang maagaw ang atensyon nya ng isang rebulto ng isang anghel. nakasuot ito ng mahabang puting damit pero balot ng shield and armor. seryuso ang mga mata nito pero nakangiti.
"sya si Saint Cendelion ng Cordelia. ang patron saint ng mga law-enforcers sa bansa."
napalingon sya sa nagsasalita.
"kayo pala, Father Marlon." anya at nagmano dito.
"kaawaan ka nang Panginoon, anak. nakita kong napahinto ka sa tapat ng rebultong ito. napukaw din ba ang interes mo?"
ang bahagyang natatawa nitong sa kanya. napangiti sya.
"opo,eh. para kasing buhay na buhay ang mga ngiti nya. ahm, sabi po ninyo, patron saint sya ng mga law-enforcers. bakit po?" tanong nya rito.
"ayon sa napag-alaman ko, dati syang tagpagpatupad ng batas nung nabubuhay sya. kaya sya ginawang patron ng mga Pulis at mga operatiba ng NBI at PDEA. kahit ng AFP. tuwing Agusto ang pista nya, at hinihiram sya ng mga uniformed pesonnel para i-prusisyon. kada buwan, may supply sya ng mga bulaklak mula sa kanila." anito. tumango sya. matapos nilang mag-usap ng kura paruko, pumunta na sya sa kotse nya.
pero napatigil ng may tumawag sa kanya---pero wala syang nakita.
then, suddenly---she heard the flapping of wings. napatingin sya sa paligid, wala namang ibon.
ngunit biglang may isang puting balahibo na dumapo sa balikat nya...
********************
BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasypaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...