EIGHT

133 6 0
                                    


mabilisan syang tumungo sa banyo at naligo. sa sobrang pagmamadali nya, kamuntik pa nyang maapakan si Aning. pagtingin nya sa kanyang smartphone, tadtad ng mga messages at missed calls ang inbox at call logs nya.

napailing sya. ba't kasi antagal nyang nagising. hindi naman sya normally ganito.

matapos makapagbihis at mapakain si Aning, umalis na sya at dali-daling lumabas ng bahay. pinindot nya ang lock system key ng kanyang Ford pick-up nang marinig ang pumupotak na bibig ng mga tsismosa nyang kapitbahay.

"naku,grabe yung ipu-ipo kahapon. ang laki ng pinsala! mabuti na nga lang at walang nasawi,eh." sabi pa nang isa sa kanila.

"oo nga. pero marami namang nasaktan at nasugatan. idagdag mo pa na pagkatapos, umulan pa ng malakas." sagot ng isa pa. nanigas sya sa kinatatayuan. 'di na nya nabuksan ang pinto ng sasakyan. napatingala sya sa bubong ng kanyang pick-up; she's shocked when she looked at it--- it was intact.

walang sira kahit kaunti, na para bang bang walang nangyari.

ngayon---naalala na nya ang mga pangyayari. ang pagkirot na birthmark nya, ang Waruck na umatake sa kanya. ang naging labanan.

napapikit sya.

sa kagustohan nyang 'di mapatay nang halimaw, hindi nya na naisip ang consequences ng mga kilos nya. nagpakawala sya ng kapangyarihan nya in broad daylight at may mga tao pa.

napahimas sya sa kanyang batok. nakakaramdam na sya ng pangamba. ang mga tao pa naman ngayon, konting kibot lang, post agad online. tyak na papepyestahan sya. madadamay pa ang pamilya nya. patuloy lang syang nakikinig sa mga tsismosang kapitbahay, baka may mabanggit ang mga ito tungkol sa kanya.

kumakabog na ng mabilis ang puso nya.

"pero wala naman nang ibang nangyari. maliban sa maraming pinsala at baha,wala na."

dun sya nagtaka ng husto at napalingon sa mga ito. muli nyang tiningnan ang bubong ng sasakyan. natatandaan pa nya kung pa'no lumipad iyun ng suntokin nya. sumakit tuloy ang ulo nya sa kakaisip. bakit kasi wala na naman syang maalala pagkatapos nyang magpakawala ng enerhiya nya?

lagi iyung nangyayari, na para bang may tagalinis ng kalat nya. kailangan na nya talaga ng kasagutan sa lahat ng ito---sa kung ano ba syang talaga.
****************

'di nya alam kung hanggang kailan nya kayang magtago. at kung anong gagawin nya kapag nabulgar ang kanyang lihim.

naging busy sya sa dami ng trabaho nya kaya nawala sa isip nya saglit ang nangyari. pagkagaling nila sa mansion ng mga Villazeran, pumunta naman sila sa TGOC at huli- sa opisina nya sa NBI. may ikakasa pa silang aresto kay Belinda Tancinco at sa anak nito.
********************

"dapat na tayong magpakilala sa kanya, Magnus. hindi sa lahat ng panahon tayo ang magsasalba sa kanya mula sa panganib. pa'no na lang kapag kumilos na sina Mattheos at Aznarham, at hindi siya handa?" anang babae habang palakad-lakad sa loob ng malawak na silid.

"kumalma ka lang. hindi na yan magtatagal. sa ika-36 na kaarawan nya tayo magpapakilala. yun na ang tamang panahon para maipaliwanag natin ang lahat. bago pa sya mabigla na may mga tumutugis na sa kanya. hangga't kaya ko pang pigilan na makita sya ng mga mata ni Aznarham. dapat malaman na nya ang totoo habang maaga pa----at matanggap nya kung ano sya talaga. nang makapag-pahinga na din tayo."

nahahapong napasandal ang lalaki sa kanyang rocking chair,habang nakatanaw sa labas ng glass panel window. ang mga tao, gusto nang napakahabang buhay, na manatiling bata tingnan kesa sa tunay nilang edad.
sumusubok ng iba't-ibang paraan para manatiling maganda tingnan. walang kulubot, makinis at maaliwalas.

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon