ELEVEN

118 6 0
                                    


"binantayan ko sya. inalagaan. pero, nabigo ako nitong huli. sobrang saya kasi nya noon kaya naging kampante ako. tinangay sya ni Aznarham at mula nun, hindi ko na sya nakita. napag-alaman ko na ikinulong sya ng warkang mangkukulam na iyun sa isang tore at binalot nya ito ng itim na mahika. ilang beses kong tinangka na tibagin ang mahikang binalot nya pero bigo ako. may kapangyarihan ako pero inaamin kong mas higit sya sa akin dahil sumasamba sya sa Hari ng Sheol. dun nya kinulong ang prinsesa at inabuso ang kahinaan nya."

ang walang tigil sa pag-iyak na salaysay nito. Perry felt sick to her core sa nalaman nya. kaya pala may supply sila nang mamahaling perlas kahit walang laman ang farm nila. tao pala ang source nila at hindi taklobo. nanginig sya sa labis na poot at galit. they have exploited a vulnerable and helpless woman to feed their extravagant luxuries and vices. her jaw clenched.

it was greed beyod human comprehension. dapat mabulok sa kulongan o mawala ng tuloyan sa mundong ibabaw ang mag-amang kampon ng dilim na iyun.
******************

wala silang sinayang na sandali. isang Kohem o Seer si Sorelle. kaya nyang makita kung na'san ang isang nilalang na nais nyang hanapin. tumingala ang white priestess at sorceress, nakadaop ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tyan. purong puti ang kanyang mga mata. maya-maya ay bumalik ito sa normal at tiningnan sya, balisa.

"may plano silang ilipat sya ngayong gabi!" ang natatarantang sabi nito.

"calm down,okay? mas lalo tayong di makakapag-isip ng maayos nyan. gagawin nila yun dahil natunton ng mga mga Pulis at taga-PDEA ang ektaryang plantasyon ni Gustavo Monseratti ng cannabis sa probinsya. isa yun sa mga malaking source of income nila." aniya dito. "sa'n sila pupunta? we'll meet them halfway."

"papunta sila sa isang pribadong paliparan." sagot nito. "balak nilang ilayo sya dito sa Pilipinas!"

"kung ganu'y halika na. wag na tayong gumamit ng sasakyan."
****************

nakaabang na silang apat, kasama si Aning---sa high-way na dadaanan ng convoy nina Gustavo at Nathalia. si Aning na ayon pa kay Magnus, ay kanyang Spirit Guardian, ang kanyang gabay sa buhay.

ito ang nagtutuwid sa landas nya kapag lumilihis sya sa tamang daan. tahimik lang na nakaupo ang mahiwagang pusa sa aspalto. nagmamasid din. pare-pareho nilang nakita ang mga paparating na mga sasakyan. naghanda na sila at wala pang segundo, pinaulanan na sila ng mga bala.

Perry instantly created a huge force field kaya 'di nakarating sa kanila ang mga tingga at pinabalik nya ang mga ito sa mga tumira nito. dinig ang tila live fireworks display mula sa rumaragasang mga bala. may biglang malakas na prana ang tumama sa kalasag nila.

nakita nya ang isang babaeng nakapula na pinapatamaan sila ng mga bola ng itim na enerhiya mula sa mga kamay nito. dumagsa din ang mga lagsa-lagsang mga nilalang ng Sheol: mga Waruck o ang mga halimaw at ang mga Mulfallas o ang mga shadow demons. sabay-sabay na sumugod ang mga ito kaya 'di rin sila magkandaugaga sa paglaban dito.

"kunin mo si Sarah! sya ang sakay ng kotseng iyun! bilisan mo!"

sigaw ni Sorelle, na sinasagupa ng buong lakas ang nakapulang necromancer. kitang-kita nya ang salpukan ng dalawang salamangkera sa himpapawid.

para silang mga nagbabanggaang mga malalaking bato sa ere. at sa bawat salpukan nila kasunod nun ay ang mga pagkulog, pagkidlat at pag-uga ng kalupaan. walang nais magpatalo.

sabay na sumugod sa kanila ang mga Waruck at Mulfallas mula sa iba't-ibang direksyon. nagbagong anyo na si Aning kaya agad syang sumakay sa likuran nito. daig pa nito ang pang-karerang kabayo sa bilis ng takbo. sunod-sunod ang mga putok mula sa mga high powered firearms ng mga goons ni Gustavo. gumamit pa ang isa ng boombazole grenade pero 'di niyun nasira ang kalasag nya.

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon