"naalala mo ba yung backpack na pinasuot sa yo dati?" napatingin sya dito."oo. anong meron dun?naiwan ko ata yun sa dati naming bahay bago naghiwalay sina Nanay at Tatay." sagot nya.
"kung ganun, dapat nating makuha yun. may isang napakahalagang bagay na laman ang bag." sabi pa nito. napaisip sya. magmula nung mapunta sya sa Nanay at Tatay nya, ni hindi nya nasilip ang laman ng naturang bag.
"may isa lang sana akong hihilingin, kung okay lang." pinag-isipan nya talaga ito ng mabuti.
"ano yun?" kinuha nya ang smartphone at tiningnan ang isang album duon.
"gusto ko sanang makita sina Nanay. kahit sandali lang." anya.
"magagawan ko nang paraan yan. pero 'di tayo pwedeng magtagal. tandaan mong pwede tayong masundan." ani Sorelle. tumango sya.
"salamat. kailan tayo pupunta dun?"
******************nagmasid muna sila sa paligid bago pinasok ang luma nilang bahay. maalikabok na ito pero maayos pa naman.
"pumikit ka at tawagin mo sa isip ang bagay na iyun. lalapit agad yun sa 'yo dahil makikilala ka nito."
"pa'no ko naman yun tatawagin?" may kinuha ito mula sa bulsa nito. isang maliit na kitchen knife.
"akin nang kamay mo." anito. nagtataka may nilahad nya ang mga kamay. napahiyaw sya nang hiwain nito ang palad nya.
"awh! walang ganyanan! ansakit,ah." iniligpit nito ang kutsilyo.
"tawagin mo ang Hariuchn. yan ang pangalan ng banal na punyal na ginamit noon ng ating ninuno para ukitin ang balat mo. sige na, habang may oras pa."
pumikit sya at sinambit sa isip nya ng paulit-ulit ang pangalan ng punyal. then, they heard a rustling and tearing sound. napadilat sya ng mata nang may kabigatang bagay na dumapo sa mga palad nya.
it was indeed a dagger, with a hilt made of pure silver. when she remove its sheath, tumambad sa kanya ang napakatalim nitong blade na kahit yata bakal, kayang hiwain. may nakaukit sa punyal na mga ancient runes and symbols.
"tayo na. may nararamdaman na kong kakaiba sa paligid." agad silang naglaho palayo sa luma nilang bahay. ang bahay naman ng Nanay nya ang kanilang pinuntahan.
**************payapang natutulog ang Nanay nya, may yakap itong kwadradong frame. nang iangat nya ito, graduation picture nya nung kolehiyo. naiyak sya sa nakikita. gusto nyang haplusin ang mukha nito pero pinigilan sya ni Sorelle. umatras sya at nagpahid ng luha.
"t-tayo na." pagkarating nila sa isla, pagod na tumabi sya kay Sarah. naalimpungatan ito at agad na ngumiti nang makita sya. niyakap sya nito at sumiksik sa kanya.
"tulog ka na ulit, mahal ko." anya.
"kantahan mo ko,mahal ko." ungot nito sa kanya. hinaplos nya ang malambot nitong buhok na ngayo'y maikli na. pinili nya ang kanta mula sa paborito nyang banda.
nobody knows just why we're here could it be fate or random circumstance
at the right place
at the right time
two roads intertwine
and if the universe conspires
to melt our lives
to make us fuel and fire
and know wherever you will be
so to shall i beclose your eyes,dry your tears
and when nothing seems clear
You'll be safe here...Perry kissed Sarah's forehead and hug her tight.
***************hindi naging madali ang pagsasanay na pinagdaanan ni Peregrine. mas malupit pa to nung nagsanay sya kay Ka Matilda o kay Sorelle. ang puntirya nila ngayon ay ang mapalabas ang mga pakpak nya muli. nariyang inihulog sya ni Magnus mula sa tuktok ng napakatayog na puno ng niyog. inaatake naman sya ni Sorelle sa magkabilang direksyon.
manghang-mangha na nakamasid sa kanila si Sarah. 'di sya makapaniwala na mga maka-pangyarihang tao ang mga kasama nya. pero napatayo sya at napanganga ng makita si Peregrine.
nasa ere ito, lumilipad at may isang pares ng pakpak sa likod nito. dinig nya ang pagaspas niyun mula sa kinatatayuan nya. nakangiti itong tumingin sa kanya, tsaka bumaba at bigla syang binuhat at dinala sa himpapawid. napatili sya ng makitang tila mga langgam na lang sa liit ang nasa ibaba. napayakap sya ng mahigpit kay Peregrine at nagugulohang tumingin dito.
"p-pa'no? pa'no nangyari to? bakit...bakit ka may ganyan?" ngumiti ito at niyakap sya ng mahigpit.
"masasanay ka rin. ikot tayo sa isla?"
******************"Perry...ano bang nangyayari? 'di ko kasi maintindihan."
tanong nya rito. nasa rooftop sila at kahit mainit, 'di iyun tumatalab sa kanila dahil natatabunan ang sinag nito ng malalaki nitong pakpak.
"pa'no ba sisimulan? ang kumplikado ng kwento,eh. ako kasi---ano...hindi talaga ako buong tao, Sarah. may dugo akong anghel. ilang beses na akong ipinanganak sa iba't-ibang panahon. at ito,sa panahong ito--- ang panghuli ko nang pananatili sa mundo. and i want to spend every second,minute,hour and days of that lifetime with you..." anito tsaka sya hinalikan sa labi na masuyo nyang tinugon.
"natatakot ka ba sa 'kin?" tanong nito sa kanya ng maghinang ang labi nila. ngumiti sya at hinaplos ang mukha ng kanyang minamahal.
"hindi. kahit ano ka pa. tanggap kita---mahal kita. ako nga,'di rin naman ako normal, ah. may tao bang umiiyak ng alahas?" anya dito tsaka ito niyakap. hinalikan nito ang buhok nya.
"wag mong sabihin yan, mahal ko. normal ka. lahat sa 'yo, tama. walang depekto sa 'yo, maniwala ka. mahal na mahal kita."
************************************"for the Lord knows the way of the righteous, but the way of the ungodly shall end in ruin."
-PSALM 1:6patuloy lang ang pag-eensayo ang tatlo. pinagbubutihan nila ang paghasa sa kanilang mga kakayahan para sa isang kalabang malakas nga dahil ang kapangyarihan, galing sa kadiliman. kampante silang ligtas sila sa isla sa tagal na nilang pagtira dito. they're so focused on their training that they became somewhat complacent. nakatutok sila sa pagsasanay, hindi nila napansin ang unti-unting pagkasira ng kalasag mula sa labas.
hindi nila nakutoban ang mga salamangkerang itim na tinipon ni Mattheos para sirain ang kalasag na kanilang ginawa. nasa may baybayin si Sarah, gumagawa ng kastilyong buhangin kasama ang alagang kuneho at si Aning. masaya silang naglalaro sa buhangin nang maninindig ang mga balahibo ni Aning at nagbago ito ng anyo, habang nakatingin sa dagat.
agad itong tumalon at prinotektahan si Sarah. nahihintakutan na napaatras ang dalaga nang makita kung ano ang nasa dagat. Aning roared at it furiously.
**************************

BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Fantasíapaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...