pinindot nya ang transmission at sinagot ito.
"i'm on my way. postehan nyo lang ang dormitoryo. nadakip na si Dunst. baka may mga kasabwat syang pumuslit dyan. over and out." the static sound went off. pinaandar na nya ang pick-up. magtatrabaho muna sya sa ngayon. malalaman din naman nya ang totoo.
pagkarating nya sa lugar, sa malayo nya inilagak ang kotse. masyadong malaki ito at agad makikita. isinuot nya ang itim nyang hoodie at bullcap tsaka bumaba ng sasakyan nya. pinindot nya ang bluetooth earpiece nya.
"alerto kayo sa paligid. papasok na tayo." nakita sya nina Donnie at Arvin. nasa loob na rin sina Bea at Aracelli. sa hudyat nya, sinalakay nila ang dormitoryo. sinubokan pang humarang ng landlady pero natakot ito nang ipakita nya ang search warrant.
"subokan nyo pang humarang. kakasuhan namin kayo ng obstruction of justice. tabi."
agad-agad na tumabi ang landlady at hinayaan ang mga operatiba na makaakyat. napangisi si Peregrine nang makita ang isang passcode vault sa pinto.
ang mga taong may itinatago nga naman. masyadong paranoid. may dormitory ba namang may passcode vault?
napailing sya at hinack ang device. Perry's fingers moved like a blur at wala pang sampung segundo, kumalas ang knob ng pinto. at dahil mahirap pa ring buksan, inisang sipa ito ni Perry kaya malakas ang pagbagsak nito sa sahig.
"go,go! galugarin nyo ang paligid!"
agad na pumasok ang mga kasamahan nya. na-detect nila ang isang kahina-hinalang painting na nasa pader. na-detect ito ng dala nilang device kaya agad nila itong binaklas---at bumulaga sa kanila ang mga bulto-bultong stash ng mga high grade cannabis, na ang tawag ay kush. napasipol pa sina Fuentez at Arevalo.
napailing na lang si Peregrine. dito marahil napupunta ang mahal na tuition fee ng babae.
"gloves on. kunin nyo lahat ng ebidensya. naglagay na ba kayo ng kurdon sa labas?" tanong nya sa mga kasama.
"okay na po boss." sagot ng mga ito.
"good. gawin nyo na. mag-ikot pa kayo. baka may makita pa tayo." anya. 'di nagtagal, sumigaw si Arvin, tila may nakita.
agad nilang pinuntahan ang kinaroroonan nito. nasira ni Arvin ang pinto kaya tumambad sa kanila ang isang eerie na senaryo. isang sikretong kwarto ito na puno ng mga pictures, articles at news clippings----
ni Major ML Agcoili.
napatakip pa sa bibig sina Bea at Ara.
"iligpit nyo na ang mga ebidensya. para makaalis na tayo." anya. 'di nya matagalang makita ang mga ganun. she really finds obsessive people twisted in the head. 'di nya masikmura.
kumilos na ang mga kasama nya. pagkatapos nito ay sinara na nila ang naturang silid.
"grabe. obsessed pala sya. gosh. ang creepy nya." bulalas pa ni Aracelli.
"gather all the evidence. you go ahead. dito muna ako." anya.
"ano namang gagawin mo pa dito? tapos na ang trabaho natin." ni Bea pa na nakatingin ng seryuso sa kanya.
"just do what i say. wala nang maraming tanong, Madrigal."
ang prangkang sagot nya rito. minsan kasi, nalilimutan ata nito na mas mataas ang ranggo nya kesa rito. nag-iwas naman ito ng tingin. umalis na ang mga kasama nya, pero mas pinili nyang manatili.
*******************it was not her intention to lash out like that. bigla kasing sumakit ang balikat nya kanina. humahapdi talaga at ininda lang nya. she clutched her shoulder at dali-daling bumaba. kamuntik pa syang matapilok at mahulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/327330920-288-k690456.jpg)
BINABASA MO ANG
Codex Covenant
Viễn tưởngpaano kung yung inakala mong buhay na meron ka ngayon--- ay hindi pala talaga ang buhay na dapat ay meron ka? paano kung alam mo sa simula pa lang na hindi ka normal... na higit ka pa sa sinasabi nilang kakaiba? at paano kung natutonan mong magmahal...