FIFTEEN

104 4 0
                                    

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
what's standing in front of me
every breath,
every hour has come to this

I have died everyday waiting for you
darling don't be afraid i have loved you
for a Thousand years
I'll love you for a Thousand more....
*******************

"mahal na mahal kita,Perry. salamat sa lahat. 'di ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka. baka ikamatay ko yun..." anya at hindi mapigilang maluha. pinahid nito ang luha nya. dumukwang ito at kinintalan sya ng isang matamis na halik. masuyo nya itong tinugon and they kissed the night away.

"mahal na mahal na mahal din kita. higit pa sa aking buhay, higit pa sa kaya kong ibigay. ako ang magiging Northern Star mo---at kung dumating man ang araw na mawala ako...tumingin ka lang sa langit. andun ako sa bawat tala na makikita mo. gagabayan ka, mamahalin ka hanggang sa kabilang dako ng mundo..."

and all along, i believe i would find you
time has brought your heart to me
I have loved you for a Thousand years...
**********************

"makinig ka,anak. pag sinabi ni Mama na umakyat ka, susundin mo ko ha? naiintindihan mo ba 'ko, Cendelion?"

tanong ng isa ginang sa isang syam na taong gulang na paslit. kahit nagugulohan, susundin ng musmos ang utos ng kanyang ina. kasi 'di sya nito hahayaang mapahamak. napapansin din nya na nitong mga nakaraang araw, may mga taong pumupunta sa kanila na itinataboy ng kanyang mga magulang. nakasilip sya noon sa bintana ng kanyang silid.

umangat ang tingin ng isang lalaki sa may bintana kaya agad syang nagtago. isang beses, namilog ang inosente nyang mga mata nang magpakawala ng isang maliwanag na bilog ang kanyang Ama mula sa mga palad nito at pinatama sa mga taong yaon. ang Mama naman nya ay may binibigkas na di nya maunawaan.

hanggang isang araw, narinig nyang sya ang pakay nila. madali syang pinagtago ng kanyang ina sa aparador. umiiyak sya. may inusal itong tila dasal. maya-maya,narinig na lang nya ang mga kalabog at nababasag.

pagkalabas nya, patay na ang kanyang mga magulang. wala na sila, wala na...

tumakbo sya nang napakabilis, hanggat kaya ng mura nyang mga binti at paa. nasa gitna ng gubat ang bahay nila. bagay na 'di nya maunawaan. wala syang makalarong mga bata gaya nya. pero ayos lang naman. may iba syang mga kalaro---mga maliliit nga lang.

mahahaba at matutulis ang kanilang mga tenga. may isa nga syang kaibigan na pumasok sa katawan ng puno---dun daw kasi ito nakatira. kamuntik na syang sumama kung 'di lang sya nakita ng kanyang Ina.

kapag pumupunta sila sa bayan para mamili, ilag sa kanila ang mga tao. may isang beses pa na napatili ang isang tindera nang palutangin nya ang isang basket ng gulay gamit ang kanyang isip. 'di nya alam kung bakit sya ganun.

nakasuot sya ng makapal na pangkontra sa lamig. takbo sya ng takbo palabas ng kagubatan. dagdag pa sa pasanin nya ang bigat nang bag nyang dala. dinig nya ang mga alulong, mabilis na mga kaluskos at mga garalgal na boses. may ilang akma syang sasakmalin, pero agad silang tumitilapon palayo. nadapa sya kaya pumalahaw sya ng iyak.

"Mama..Papa..."
************************

patuloy sya sa pagpalahaw ng iyak habang nagsusumikap na tumayo.

"Mama...P-Papa... natatakot po ako. Mama.."

hilam na sa luha ang kanyang mga mata at hulas na ang mukha nya sa luha. tanging iyak at mga hikbi lang nya ang maririnig sa gubat. nakarinig sya ng mga mabibigat na yabag ng mga paang tila may hilang kadena. takot syang tumakbo muli, kahit dumudugo ng husto ang mga sugat nya.

"Mama..."

patuloy sya sa paghagulhol at pagtakbo. malas pa, dahil bumuhos ang ulan. hingal na sya. pero pilit nyang makalayo, lalo pa't nakikita na nya ang bukana ng kagubatan. pero ang kalasag ng proteksyon na ginawa ng kanyang ina, nawalan na ng bisa.

may malaking nilalang na sumakmal sa kanya kaya sya napasigaw. pero hindi ito nakaabot.

may narinig syang malakas na pagaspas na tila pakpak ng napakalaking ibon. nahi-hintakutan ang paslit, baka dagitin sya ng ibon. pero nabigla sya ng makadama ng mabigat sa likod nya---at nanlaki ang mga mata nang makitang hindi iyun pakpak ng ibon-----

kundi kanya. meron syang isang pares ng puting mga pakpak.....
******************

ang mga pakpak na ito ang pumalit na proteksyon ng mawala ang proteksyon ng kanyang ina.

pero natatakot pa din sya.

nagugulohan.

lumalakas pa ang buhos ng ulan. may nakakasilaw na liwanag syang nakikita, at papunta sa direksyon nya. nanginginig na sya sa takot at lamig.

"Mama..."

halos pabulong na lang na sambit nya sa Ina. pero wala na ang kanyang Mama. hindi na ito darating pa para iligtas sya. nang halos gadangkal na lang ang layo ng sasakyan, bigla namang tumigil ang oras. may nakita syang nakaluhod sa harap nya na may suot na kakaibang mga damit, dahil may nakasaklob sa ulo nila.

"hindi pa dapat lumabas ito,Magnus. hindi pa panahon. kumilos na tayo bago pa mawala ang enkantasyong inusal ko."

anang babae. palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. hinawakan ng lalaki ang ulo nya, nakapikit ito at kumikibot ang bibig. biglang nakaramdam ng antok ang paslit----at tuloyang nakatulog.

pagkatapos nun, nagising sya na sya na si Peregrine Buenavidez----anak nina Anita at Carlito. panganay na anak, at isang NBI Agent...
**************************

nakatayo sya sa dalampasigan. madaling araw pa nuon. 'di na kasi sya nakatulog ulit pagkatapos nang napakahabang panaginip nya. yun pala ang kabuuan ng pangyayari. then, Sorelle and Magnus popped out beside her.

"napanaginipan mo?" ang tanong ni Magnus, habang sa karagatan nakatingin.

"oo. may mga pakpak pala ako noon. mas malaki pa sa akin." anya na bahagyang natawa.

"kamuntik ka na nilang makuha noon kung 'di pa kami nakaabot. yung mga pakpak mo, lumitaw sila na 'di mo pa kayang gamitin dahil paslit ka pa noon. kaya kailangan muna nung maitago, para na rin sa kaligtasan mo."

napapikit sya at dinama ang preskong hangin na hatid ng dagat.

"kaya kailangan mong magsanay para mapalabas mo sila sa 'yo ng kusa. ito na ang tamang panahon para iwan mo na si Peregrine at simulan mo nang akapin ang totoo mong pagkaka-kilanlan. ikaw si Cendelion. kaya ngayong umaga, magsisimula na tayong mag-ensayo."
*************************
puro pagsasanay na ang inatupag ng tatlo, habang nanunuod si Sarah----

at may mga matang nagmamasid na naman sa kanila...
***********************

Codex CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon